Chapter 23

69 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE: GANGSTER

ERIN'S POV

Nandito kami ngayon sa Conference room at tama nga si Tanda. Lahat ng business partners niya ay nandito at lahat ng kanilang mga mata ay nasa amin ngayon ng Presidente ng mga itlog.

May pinag memeetingan pa sila nang kung ano, paminsan-minsan rin ay tinatanong nila kami buti nalang may katabi akong mahilig sa business kaya nagpapaturo ako sakaniya.

Nang matapos ang kung anong pinag-uusapan nila ay tinawag kami ni Tanda at pinalapit sakaniya. Nakaupo kasi siya sa gitnang dulo, tumayo naman kami sa likod niya.

"I know all of you were confused why i told you to ask them a few questions regarding to our meeting. As you can see, This young man beside me is the future husband of my only grand daughter. After their marriage some of our business will be handled by him"

"Chairman. Isn't he to young to handle a business?" sabi nung isang hindi masyadong katandaang lalaki, Mr. Santiago.

Daddy ni Glynn

Tumawa naman si Tanda "What if i told you that he is the owner of the business that you are all interested? But they keep on rejecting you?"

Napatingin ako kay Raz matapos sabihin iyon ni Tanda. Saktong napatingin rin naman siya saakin.

"Meron ka?" mahinang wika ko, pero napa poker face nalang ako ng dedmahin nanaman niya ako -___-

Inirapan ko siya kahit hindi naman niya nakikita at itinuon nalang ang atensyon sa sandamakmak na mga gurang.

"But then, i will not tell you what business it is. Alam ko namang marami kayong clino-close na deal"

"Then let me formally introduced you. Razvan Masterson the one and only successor of Master Empire and the fiance of the one and only young woman of Reaser Clan"

Nagsipalakpakan naman silang lahat. Napatingin ako kay Mr. Santiago at bahagya akong nagtaka ng mapansing iba ang pamamaraan niya ng tingin kay Tanda at Raz. Nang mapansin niya namang nakatingin ako sakaniya ay ngumiti siya saakin, pilit na ngumiti nalang rin ako at hindi na siya pinansin.

Matapos ang pagpapakilala at kaunting meeting sa wakas natapos rin! It's already 4pm here in Los Angeles. Palabas na kami ngayon ng Building ng biglang huminto si Raz sa paglalakad.

"Bakit?" tanong ko, lumapit naman siya kay Tanda.

"Mamaya nalang ho kami uuwi. May kailangan lang po ako bilhin"

"Okay then, take care" sabi lang ni Tanda at tinapik si Raz sa balikat

"Anong bibilhin mo?" tanong ko sakaniya

"Bakit mo tinatanong?"

"Bakit ka rin nagtatanong?" sabi ko, kumunot naman ang noo niya

"Tch. Let's go" sabi lang niya saka sumakay ng kotse ko, natatawang napailing nalang ako at sumakay na rin ng kotse at nagsimula ng mag drive.

Nang makarating kami sa malapit na Mall ay nagyaya muna akong kumain. Tatanggi pa sana siya pero wala ring nagawa ng kinulit kulit ko hahaha!

"Jollibee nanaman?" sabi niya ng hilahin ko siya dito

"Bakit? May angal ka?"

"Tss. Just go find a table and i'll order" sabi niya at lumayas sa harap ko. Sinunod ko naman ang sinabi niya, agad naman akong nakakita ng vacant table na nasa tabi lang ng glass wall kaya doon na ako naupo.

Habang hinihintay si Raz at ang pagkain ay nakatingin lang ako sa mga taong dumadaan. Napakunot pa ang noo ko ng may makita akong pamilyar na pigura ng tao, nakatalikod ito habang may kausap. Maya-maya pa'y humarap ito na siyang ikinalaki ng mata ko.

I LOVE YOU RAZVANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon