MY PARENT'S GIFT TWO

1.8K 6 0
                                    

My Parent's Gift (Rated X)

Any mane, place, things, food (lol) found in the story is based on my imagination, any resemblance to real person, living or dead, events, and places is entirely coincidental and not intended.

MY PARENT'S GIFT ONE

"Waaah! Daddy ayoko! Uwi na tayo kasi! Mommy! Uwaaa!" shit naman kasi e! Pipilitin pa ko.

"Tumigil ka nga siyan Lawrence Lance! Napaka-duwag mong bata ka! Tuli lang 'yan, iiyakan mo? Hay na 'ko!" si Daddy habang kinakaladkad ako papasok sa sasakyan papunta kay Mang Ben, ayoko na talaga!

"Dad naman e! Pwede naman po kasing sa clinic n'yo ko ipa-circumcise ni Mommy e! Ba't don pa kasi sa probinsya?! Dad! Ayoko nga e! Mom! Tulong!" naiiyak na talaga 'ko, taeng magulang o, grabe! Torture.

"Alam mo anak, mag-papasalamat ka sa 'kin baling araw dahil dito kita dinala. Pag kasi dito mas lalaki pa yang ano mo." O, sige. Ang laswa mag-salita ni Dad, pag pasensyahan na!

"Talaga lang Dad? Ang laswa mo. Isang 10 years old na bata mag-papatuli agad? Di ka naman excited? Mom naman e! Awatin mo na kasi si Dad, mukhang naka-singhot ng katol o!" malapit na kasi kami kay Mang Ben, ayoko talaga e!

"Anong malaswa dun ha? Ibig kong sabihin lalaki ang POWERS mo, ikaw talagang bata ka, napakaraming alam e." Daming palusot 'no? Oo nga pala tama yang basa niyo, 10 pa lang ako pero atat na atat silang ipatuli ako.

"Oo nga anak, tama naman ang Dad mo. Akala ko ba matapang ka ha? Aba, 10 ka na, dapat matuto ka nang maging expert katulad ng Dad mo, 'di ba, hon? Hihihi." At ayan na nga ba ang ayokong mang-yari, nag-lalandian na sila, hay nako. Wala rin akong nagawa, kawawa naman ako, hayys.

"Ano ka ba naman hon, pinag-bablush mo ko e, hihihi." Oo nakakadii, alam ko.

As I said, wala na kong nagawa sa mga brutal 'kong mga magulang. Umupo na lang ako sa backseat at nag-head set, bahala na. -.-

"She's got eyes of the bluest skies
As if they thought of rain
I hate to look into those eyes
And see an ounce of pain
Her hair reminds me of a warm safe place
Where as a child I'd hide
And pray for the thunder
And the rain
To quietly pass me by"

"Oh, oh, oh, oh, sweet child o mine" sumasabay na lang ako sa kanta, para hindi na mapansin sina mom at dad, na wagas mag landian. Nang bigla na lang tumigil yung sasakyan, ayan na nga bang ayaw ko e! Ayoko na! Di, kaya ko to. Matapang ako!

Bumaba na kami ng sasakyan para pumunta sa bahay ni Mang Ben, ang daming nakapila na mga gayot na. Di, joke lang, parang mga 16 na 'tong mga 'to e, ngayon lang naisipang mag-pa circumcise? Pinag-titinginan nila 'ko, ba, minsan lang sila makakita ng gwapo e, lol! >:D

"Uy Mang Ben!" bati ni Daddy sa matandang lalaking mukhang mag-sasaka

"O? Ang tagal na ng huling bisita niyo ha, kamusta na ba? Ano bang dinayo niyo?" ngiting ngiti namang sabi ni Mang Ben kay Dad, ang dilaw ng ngipin, yuck!

"Hehe, nakikita niyo po ba itong gwapong binatilyo ko?" si Dad, sabay hawak sadalawang balikat ko. "Gusto ko sanang ipatuli na e."

"Abay kung ganon, ikaw na ang uunahin ko ngayong araw. Tara na pumasok ka na sa loob, manyaring malakas sa 'kin ang tatay mo." GULP, eto na nga bang pinaka-ayaw ko e. Pero dahil gwapo ko, kakayanin ko.

Pumasok na ko sa loob ng kwarto kuno ni Mang Ben.

"Ano toy, handa ka na bang mabinyagan?" pasagot na sana ko ng hindi ng biglang sumingit si Dad.

"Opo naman, katapang-tapang niyang binata ko e." :D

"O, sige toy, subo mo 'tong dahon ng bayabas." Sinunod ko naman yung mga sinabi niya, kagat-kagat ko 'yong dahon ng bayabas habang hinahanda niya yung mga gamit, ang pangit ng lasa. >.<

"Eton a toy." Unti unti niyang nilapit yung balisong at at ayan na GULP

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" sigaw ko. :O

"Teka, wala pa toy." Wala pa pala. ~.~

"Ahehe, Practice lang po. Ehem ehem ARAAAAAAAAAAAAAAY! MAMAAAAaAA!" sabay piyok ko sa sobrang sakit ng pag-kaka kwan niya sa kwan ko. Ang sakit putaragis! >O<

MY PARENT'S GIFT (RATED X) (UPDATED ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon