MY PARENT'S GIFT SEVENTEEN

456 3 3
                                    

NAliligawUlitSiEks: Eto na yata yung bagong chapter? After 3 years. Wow. Enjoy.


"Lance, ano bang nangyari sa'yo?" Pumanatag ang kalooban ko ng marinig ko ang boses ni Leigh. Naandito pa rin sya. Hinarap ko ito mula sa pagkakatalikod ko.



"Leigh." ngumiti ako sa kanya. Sya nga talaga.



"Ano, nababaliw ka nanaman?" nakangiting sagot nito sakin.



"Oo, nababaliw sa'yo." tumahimik ang paligid at agad itong namula.



"Sira, tara na nga. Kumain na tayo." Yakag nya, at nuon ko lang napansin na may hawak syang spatula at naka apron.



Habang nakain kami ay nakatingin lang ako kay Leigh. Sobra akong natutuwa at nakita ko sya ulit. Na lahat nung sakit na binigay niya, nawala lahat. Sabi nga nila pag nagmahal ka, magmumukha ka talagang tanga. Para sakin, ayos lang. Si Leigh naman ang dahilan e.



"Lance, uhm." bumalik talaga lahat. Lahat ng dahilan kung bakit ko sya minahal, kung bakit nya ako nasaktan, kasi mahalaga talaga siya.



"Leigh, pakasal na tayo?" nakangiti kong tanong, ngumiti rin siya sa akin na parang ang saya saya nya, kaso bigla syang nag-iwas ng tingin at sumimangot.



"Leigh, sorry. Masyado bang mabilis?" kinakabahan kong tanong ko.



"Lance..." tumahimik na naman yung paligid.



"M-may boyfriend kasi ako." hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam yung sasabihin ko. Eto nanaman ako, umasa, umasa na sana, maging masaya na. Kaso de puta. Hindi talaga. Sa ganong kabilis na panahon, bumalik rin lahat ng galit ko. Lahat ng dahilan kung bakit ako nagkaganito.



"Sabi mo mahal mo ko?" hindi ko maintindihan lahat, ano bang nangyari karma ko ba to?



"Oo. Lance. Lance, ikaw talaga yung mahal ko. Yung pinakamamahal ko." lalo lang akong nainis sa kanya, mas naalala ko na may kahati nga talaga ako.



"Akala ko ba ako lang? Ha?" galit na talaga ang nararamdaman ko ngayon.



"A, baka naman kasi mas mayaman? Mas gwapo? Ano, bakit?" tumingin ako ng deretso sa kanya.



"O baka naman mas magaling? Mas masarap?" dun na nagsimulang tumulo ang luha niya.



"Alam mo Leigh, nakakadiri ka. May shota ka naman pala, bakit bumalik ka pa? Alam mo ba na sobrang okay na ako, na nakamove on na ako sa kagaguhan mo. Bakit ba bumalik ka pa?!" galit kong tanong sa kanya.



"Lance, kasi."



"Kasi ano?!" hindi ko na naintay pa yung pagpapaliwanag niya.



"Mahal nya ko." napailing ako sa sinagot niya.



"Tingin mo ba hindi kita mahal?" nanlumo ako.



"Lance. Mahal na mahal kita. Kahit hindi ka maniwala." lumapit ito sa akin, hinalikan niya ako. Naramdaman ko yung malambot niyang labi.



Ito yung babaeng nagparamdam sakin ng salitang mahal.



"Pero hindi na talaga pwede." hinawakan niya yung mukha ko at mabilis na tumakbo palabas ng condo ko. Hindi na ako nagkaron pa ng lakas ng loob para habulin pa sya.



Siguro hindi naman talaga ako yung lalaking para sa kanya, kasi gago ako. Siguro nga.



Pero bakit ang unfair. Putang ina. Ang sakit. Bakit ba sya bumalik? Para ipaalala sakin na hindi naman ako kawalan. Para iparamdam sakin yung sakit na matagal ko ng hindi nararamdaman? Kung ano ano yung napasok sa utak ko.



Pero malamang sa hindi isa lang ang sigurado.



May mas mahal si Leigh, at malinaw na hindi ako yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY PARENT'S GIFT (RATED X) (UPDATED ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon