MY PARENT'S GIFT TEN

438 2 0
                                    

MY PARENT'S GIFT NINE






Pag-katapos naming kumain ni Leigh niyakag ko siyang lumabas, nakakabagot kasi sa bahay lang e. Habang nag-lalakad kami, tumingin ako sa kanya, suot-suot niya pa din yung jersey ko na may number ng first girlfriend ko, wow lang di ba? 




Habang pababa kami nakita ko yung mga dati kong kaibigan na hindi ko alam kung kilala pa ako, nandoon din yung mga kapit-bahay naming close ko dati, bigla na lang may tumapik sa likod ko kaya napalingon ako.




"Jera?" tanong ko sa lalaking kumalabit sakin, yung walanghiyang dahilan kung bakit kami nag-break, ang lakas talaga ng apog niya o!




"Pre!" sumigaw pa siya sabay nakipag-hand gesture sa 'kin, alam ko namang kahit gago 'to e, tropa pa din.




"O? Naligaw ka yata." Sabi niya sa 'kin.




"A, wala." nakita ko yung mga kaibigan ng ex ko na kasama siya na papalapit sa 'kin, kahit anong gawin ko may epekto pa rin siya sa 'kin e, ang sakit pa rin pala. Hinapit ko yung bewang niya.




"Pinapasyal ko lang 'tong girlfriend ko sa isang memorableng lugar sa akin."




"Right hon?" tanong k okay Leigh, please makisama ka. Tsk!



"Uhmm, y-yeah." Parang hindi pa siya sigurado. Napatingin naman si Jera sa kanya.




"Holy, shiz." Maarteng sabi ni Jera sabay imukit sa amin ni Leigh.




"Pre ang ganda naman ng nabingwit mo." Sabay lapit kay Leigh, napaatras naman si Leigh.




"Mukhang anghel pre." Tuluyan ng naka-lapit samin ang tropa.


"Aba syempre, syota ko e. Ang ganda 'no! Take note, bawal mo na yang sulutin sa 'kin. Dahil kung hindi..." bumitaw ako sandal kay Leigh. 




"Baka mabaliw ako!" sabay yakap ko ulit sa kanya.

MY PARENT'S GIFT (RATED X) (UPDATED ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon