MY PARENT'S GIFT ELEVEN

352 2 0
                                    

MY PARENT'S GIFT TEN




"Na-mag move-on." Pag-kasabing pag-kasabi ko 'non ay tumawa siya ng malakas. Eto ang pinaka-ayoko sa lahat e! Seryosong usapan tapos tatawanan ka lang?




"Seryoso ka ba, pre?" habang pinupunasan niya yung luha niya sa kakatawa.




"Oo nga!" iritang sabi ko.




"Alam mo..." tumayo naman siya tsaka nag-tatatalon na parang baliw.




"Hindi na ako naniniwala sa love, I mean duh! Parang tanga naman, nasaktan na nga ako nung una tapos dadagdagan ko pa? Anong klaseng katangahan yun? Atsaka (huminga siya ng malalim) wala na akong pake diyan. Hindi naman ako mamamatay kung wala niyan di ba?" kung sa bagay may punto siya.




"Leigh..." seryoso kong tawag siya kanya at taas lang ng kilay ang nakuha ko.




"Uhh, nag-sisisi ka bang, umm, sa akin napunta yang ano mo?" mahiya-hiyang kong tanong.


"Sa totoo lang?" nilingon niya ako saka hinarap ang mukha ko sa kanya.




"Hin-di." At ngumiti pa siya ng matamis.




"Kasi kung mag-sisisi lang ako ng mag-sisisi, ano ba! Wala akong mapapala, e kung tatanggapin ko na lang at mag-papakatotoo na-enjoy ko naman ha? So, yeah, hindi ako nag-sisisi." Napa-ngiti ako sa sinabi niya. Tumayo siya at lumapit sa bintana.




"Alam mo Lance, ako pa ba ang magiging choosy? May idea ka man lang ba kung gano ka kasikat? Ako pa ang swerte dahil sa ako ang nakauna sa 'yo." Lumingon siya sa 'kin.



"Pangarap ka ng bawat babae sa school namin, sikat na sikat. 'Lawrence Lance, Lance Lawrence, nag-pagupit daw sa ganito. Nakita mo na? Kumain daw siya sa ganito, dito daw!' yeah, sikat na sikat ka." Na-amuzed ako sa sinabi niya, sikat pala ako?




"O?" yun lang yung nasabi ko sa kanya




"Nakakaasar, di mo man lang alam 'yun? Potato naman!" sabay tingin niya ng masama sa 'kin. Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla siyang tumili. O.O problema? Napatakbo tuloy ako palapit sa kanya.

MY PARENT'S GIFT (RATED X) (UPDATED ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon