"That's all for today class, see you tomorrow."
Ayaw ko pang tumayo sa upuan ko. Ayaw ko pang umalis ng classroom. Ayaw ko pang matapos ang klase ko. Dahil ayaw ko ang mangyayari sa akin mamaya.
Pero wala naman akong choice niligpit ko na ang mga notebook ko at pinasok sa bag. Habang sinasara ko na ang bag ko may naramdaman akong presensya na palapit sa akin.
Si Third ang lalaki sikat na sikat dito sa academy na pinapasukan ko. Nakatingin lang siya sa akin na halatang bored. Huwag siyang mag-alala nabo-boring din ako kahit makita man lang siya."Sumunod ka sakin," utos niya sa akin, sumunod ako kahit ayaw ko.
Ang yabang talaga ng isa eto mula noon hangang ngayon. Hindi naman siya kapogian, kayamanan o kahit kagalingan sa basketball. Pero bakit siya ang pinakasikat?
Nagayuma niya ata ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Iyon lang ang nakikitang kong dahilan kung bakit sila patay na patay sa kanya. Dahil hindi rin naman siya mabait o kahit gentlemen man lang.
Kapag wala siyang interest sa iyo hindi ka rin niya papansinin. Kahit isang tingin, ganoon kasi ang pinaparamdam niya sa akin. Ngayon ay no choice lang siya dahil inutusan siya ng kanyang girlfriend na sunduin ako.
Gusto kasi ako makausap ng gf niya. Pero hindi ko sure kung mahinahong usap ba o sisigawan lang pala ako? Simula noong sinigawan niya ako sa rooftop nuong isang araw. Mas lalong sumama ang tingin ko sa babaeng iyon.
Ang babaeng akala mo kagandahan na si Desiree. Lumalaban siya ngayon ng Miss Academy. Hindi ko lang sure kung mananalo siya. Halata naman kasing plastic siya saka marami pang mas maganda, matalino at mabait sa kanyang nag-aaral dito sa Academy.
Nakarating na kami ng ground floor. At mukhang papunta kami ng parking lot. Isasakay kaya ako ni Third sa kotse niya? Sana naman dahil hindi ko alam bahay nila Desiree.
Huminto kami sa isang magarang sasakyan na kulay pula. Ang gara namang ng sasakyan ni Third. Paano at saan niya kaya nakuha iyan?"Sakay na," utos nanaman niya sa akin.
Sumunod naman ako sa utos niya. Ewan ko ba dito kay Third at sunod-sunuran siya sa kanyang mga naging girlfriend. Dati kay Jasmine, na first girlfriend niya, ngayon naman kay Desiree.
Pero sana kung ano mang sabihin ni Desiree sa akin sa bahay nila sana ay humaba ang pasensya ko. Ayaw ko namang masampal ang babaeng iyon. Teritoryo niya iyon saka may pinagdadaanan siya kaya ayaw ko naman sana siyang saktan.
Ilang liko din ang ginawa ni Third bago kami huminto sa isang magarang bahay. Malaki at maganda ang bahay nila Desiree kasu lang hindi ako na-amaze. Dahil nakita ko na ang bahay ni Jasmine.
Ang bahay talaga ni Jasmine ka mapapanganga dahil sa sobrang lawak at high tech neto. Kaya halos lahat ng nakikita kong magandang bahay ay walang wala sa bahay nina Jasmine.
Bumaba kami ng sasakyan. At agad naman namukhaan ng guard nila Desiree ang pagmu-mukha ni Third kaya kami pinatuloy. Halatang laging tumatambay si Third dito at kilalang kilala na siya.
Agad kaming dire-diretso sa second floor. Ang kapal naman ng mukha ni Third, wala man lang 'good afternoon po' o 'papasok na po kami'. Pumasok siya sa isang kwarto at naabutan namin si Desiree na nakaupo sa isang sofa."What did you do to my brother?" bungad na tanong ni Desiree sa akin.
Wala man lang 'sit down', 'kain ka muna ng meryenda' o 'musta ka?'. Diretso agad sa climax. Sabagay sa ugaling pinakita niya sa akin hindi na ako magtataka.
"Wala akong ginawa," mahinahon kong sagot dito.
"Liar. You said you also received the black mail. Then where is it? I want a proof," pagbibintang niya sa akin.
"Natapon ko na," mahinahong sagot ko dito, kasi akala ko nga prank lang.
"You are lying!, I will forgive you, just give back my twin brother, alive and no scratch," demand niya sa akin.Kung ako kumidnap kay Derek hindi ko pagbibigyan ang selfish niyang hiling. Papatayin ko na lang ng tuluyan si Derek dahil sa kaartehan ng babaeng eto.
Iyon nga lang hindi ako kumidnap at hindi din ako pumapatay. Huminga ako ng malalim para habaan lalo ang pasensya ko."Desiree, isipin mo maigi. Kung ako kumidnap kay Derek ano naman mapapala ko? Hindi niya ako kalaban sa pagiging president. At kung si Jasmine ang dahilan hindi ba mas close pa nga sila Jasmine at Derek kesa sa akin at Jasmine?" mahaba kong paliwanag sa kanya.
"So you want in a hard way don't you? Okay, me and my parents been reported my brother's missing in the police. And we already give the black mail to them. They will trace you and put you in jail. And we will sue you. And no matter what you plead we will not stop until you get whole life sentence. Got that? Go away, I don't want to see your face again," sabi niya sabay taboy sa akin.Lumabas ako ng kwarto saka pinipigilan ko ang sarili kong patulan siya. Ang kapal niya sabihin iyon sa akin. Kahit ibigay nila sa police ang black mail hindi nila ako matre-trace dahil hindi ako ang gumawa nuon.
Lumabas din ng kwarto si Third. Saka tiningnan ako na para akong isang insekto. Kung ako insekto para sa kanya para sa akin isa siyang sakit. Dikit ng dikit sa mga taong gusto niyang masira ang immune system."Hahatid na kita sa sakayan ng Jeep."
Hindi niya ako pinagsalita at naglakad na pababa ng hagdanan. Sumunod na ako sa bastos na ito. Isa pa itong nakakainis na eto sarap niyang itulak sa hagdanan.
Hinatid niya nga lang ako sa sakayan ng jeep. Hindi ko alam kung saan ako baba at magkano pamasahe. Dahil hindi pa ako nakakarating banda dito sa lugar na ito. Magtatanong na lang ako mamaya sa jeep.
Andito ako ngayon sa gilid ng kalsada at sa likod ko ay isang abandonadong bahay. Mejo creepy ang bahay dahil halatang walang linis at sira-sira na ang pader. Naka-padlock yung gate pero sira na ang pader kaya walang kwenta din ang padlock ng gate dahil madaling pasukin.
May nadinig ako kumakaluskos. Hindi ko eto pinansin dahil ayaw ko ang ideya ng abandonadong bahay at kaluskos. Patuloy lang ang kaluskos na may kasamang katok. 'Tagal naman ng jeep.'
Napansin kong may pattern yung kaluskos at katok. Tig-tatlong kaluskos tapos tatlong katok tapos tatlong kaluskos nanaman. Ulit ulit siya. Nagtaka ako. May ganoon bang multo? Saka yung pattern parang familiar? Morse code ba yun?
Dahil sa curiosity ko pumasok ako ng abandonadong bahay. At saka sinunandan ang kaluskos. Sabi nila curiosity kills a cat. Sabi ko naman hindi ako pusa. Kaya eto ako napadpad sa likod bahay.
Parang nangagaling ang kaluskos sa underground. May napansin akong pintuan pababa kaya hula ko ay underground siya."Kung may tao jan sa baba kumaluskos ka ng dalawa," buong lakas kong sigaw.
Para akong baliw hindi ko naman sure kung tao nga ba iyon at nagsalita pa ako. Buti na lang at kumaluskos siya ng dalawa. Teka tao nga. Agad kong sinubukang buksan ang pintuan pero hindi ko mabuksan. Nagmasid ako sa paligid at nakita ko ang isang malaking bato.
"Kung mapalit ka pintuan tumabi ka muna. May ihahagis akong bato," sigaw ko sa kanya.
Nagbilang ako ng 30 seconds saka hinagis ang bato. Hindi nabuksan ang pintuan pero may bitak na ito. Kaya sinipa sipa ko para tuluyan ng magkabutas.
Nang mabutasan ko ay agad kong kinapa sa loob kung may lock ba itong pintuan. Wala naman kaya sinipa sipa ko na lang ulit hangang sa kasya na ang tao pumasok.
Nang mabuksan ko na ay napansin ko ang hagdanan pababa. Agad akong kumuha ng cellphone ko at nagbukas ng flashlight. Napansin ko isang binata ang nakadapa doon may tali ang kanyang kamay at paa.
Nakita ko ding may busal ang kanyang bibig at lumuluha siya. Agad ko siyang nilapitan at tinangal ang tali sa kamay niya. Nahirapan ako kaya kinagat ko na lang.
After kong matangal ang tali ay sinubukan niyang umupo kaya tinulungan ko siya. Tinangal niya ang busal niya saka ko tinangal ang tali niya sa paa."Ayos ka lang ba Derek? Sino may gawa neto sa'yo?" suno-sunod kong tanong kay Derek.
Oo si Derek ang nahanap ko, ang kambal ni Desiree.
"Mmmmm" ungol niya saka hinawakan ang lalamunan niya.
Doon ko napansin na may dugo pa lang natuyo sa may leeg niya at nalagyan din ang damit niya. Natakot ako sa nangyari sa kanya. Nilaslas ang leeg niya sa may adams apple mismo.
"T-tawagan ko ang ambulansya at police."
Mejo nanginginig akong nag-tap sa cellphone ko. Naawa ako na natatakot sa kalagayan ni Derek. Kailangan ko magmadali kung hindi baka mapahamak siya.
YOU ARE READING
Our Secret
Misteri / ThrillerMahirap ang buhay pero masaya ako. Dahil may magulang at mga kapatid ako. Pero gumulo ang lahat simula nuong namatay siya. Si Jasmine. Ang babaeng walang kapintasan pero kapag ako lang ang kaharap niya nagiging demonyo siya. Walang nakakaalam sa tun...