Jasmine Go has a perfect life. Grade 8 student pa lang siya pero marami na siyang na-achieve sa buhay. Isa siyang reigning Volleyball Captain, reigning Miss Academy ng school namin, reigning Secretary ng Student Council at incoming President ng Student Council next year.
Bukod duon mayaman din ang pamilya niya. Sa kanila nagtratrabaho ang magulang ko. Saka sila din ang nagbigay ng scholarship ko. Mayaman sila at may mabuting puso.
Kinakaibigan din ako ni Jasmine kahit na employee lang ang magulang ko sa bussiness ng magulang niya. Kahit scholar lang ako ng magulang niya. At kahit mahirap lang ako.
Masasabi mo talagang mabait, maganda at talented si Jasmine. At mapapa-'sanaol' ka na lang sa kung ano mang mayroon siya. Pero para sa akin gusto ko na siyang mamatay.
Hindi ako ingit sa kanya. Galit ako. Galit na galit ako sa kanya. Dahil pakiramdam ko sinasakal niya ako. Hindi man literal kung hindi symbolical.
Saan ba nangaling ang galit ko sa kanya? Hindi ko maalala. Ang alam ko lang galit na ako pagising ko sa umaga. Galit na gusto ko na siyang mamatay."Mandy!"
Ayan nanaman siya palapit sa akin habang nakangiti. Nakakainis ka talaga Jasmine Go. Kailan mo ba ako tatantanan?
"Mandy, kanina pa kita tinatawag. Tulala ka diyan," sabi niya habang nakangiti sa akin.
"Ah ano yun?" tanong ko sa kanya.
Tulala ako kunwari kasi ayaw kitang pansinin.
"Sabi ko halika na sa canteen. Andoon na sina Derek at Desiree saka si Third. Kanina pa nila tayo hinihintay," sabi niya sa akin.
"Ah ikaw na lang. Hindi ako gutom," pagdadahilan ko sa kanya.
"Libre na kita basta tara na," sabi ni Jasmine saka ako hinila patayo.Lumabas kami ng classroom saka naglakad papuntang canteen. Pinagtitinginan siya ng lahat ng tao na madadaanan namin.
"Hello Jasmine," bati ng isa sa grade 9 students.
Alam kong grade 9 student sila
dahil blue ang kanilang ribbon sa babae at sa lalaki naman ay necktie. Sa aming grade 8 color yellow. Ang mga grade 7 naman ay green. At ang grade 10 ay color red. Ganoon mo malalaman kung sino ang magka-ka-grade."Hello guys! Kain na kayo ah kain na din kami," masayang bati naman ni Jasmine.
Miss Congeniality talaga ang isang ito. Isa pa sa kinaiinisan ko sa kanya na mas lalo namang minahal ng mga tao.
Dumeretso na kami sa canteen. At nakita ko nasa gitna ng mesa ang mga kaibigan ni Jasmine. Talagang special sila, nasa gitna pa talaga. Lumapit na kami sa kanila.
Umupo si Jasmine katabi ni Third, ang boyfriend niya. Sa tabi ni Jasmine ang nakaupo ay si Derek, na bestfriend niya. Umupo ako sa bakanteng upuang katabi ni Derek. At wala na akong katabi. Pero kaharap ko si Desiree ang kambal na babae ni Derek at childhood friend ni Jasmine.
Kumabaga ang circle of friends na ito ay umiikot lang kay Jasmine. May nabili na pala silang pagkain. 3 pizza, kanya-kanyang kaming spaghetti at tig-iisa kami ng shake. At ang flavor ng shake ay avocado. Ang prutas na inaayawan ko. Sinong hudas pumili neto?"Ako pala pumili ng flavors para maging healthy tayo guys," sabi ni Jasmine.
Siya nanaman pala. Nakakailan kana ba sa akin? Hindi ko na mabiliang ngumiti na lang ako.
"Thanks Jasmine, I need this it's so healthy," sipsip ni Desiree.
Hindi siya sumisipsip sa shake niya kung hindi sipsip siya kay Jasmine. Anong healthy? Pizza? Shake? Saan banda ang healthy?
"Let's eat guys, I'm starving. My snake in stomach is growling," sabi Derek at nagsimula ng kumain.
Kumain na din sila kaya kumuha na din ako ng pizza saka sumubo. Mukha siyang nasarap dahil thin crust. Pero pagkasubo ko ang akala kong masarap ay hindi pala.
Bakit ganito itong pizza? Maalat. Crunchy at ma-cheesy. Puro alat lang nalalasahan ko. Wala bang tomato sauce eto puro cheese lang? Nakalimutan pa ata nilang maglagay ng paminta. Tiningnan ko mga kasama ko enjoy naman sila. Hindi ko ata gusto taste ng mga mayayaman.
Kumuha na nga lang ako ng spaghetti. Tagal ko na ding hindi nakakakain neto. Last last month pa nuong birthday ng kapatid kong si Antonio.
Sumubo ako pero bakit ganito ang lasa? Maasim. Ano nanaman nilagay dito? Wala bang banana ketchup? Tomato sauce lang? Ang tipid naman. Ang Mama ko kapag nagluto ng spaghetti may tomato sauce na nga may banana ketchup pa. Ano ba namang spaghetti eto?
Chineck ko reaction ng mga kasama ko. Wala naman silang violent reaction. Hindi ata ako mabubuhay sa lasa ng mayayaman. Uminom na lang ako ng shake. Namumutawi ang lasa ng avocado. Nakakadiri. Wala din akong malasahang tamis. Tinipid din sa asukal katulad ng pizza at spaghetti na tinipid sa sauce at spices.
Nakakaiyak naman etong recess na ito. Eto ang isang rason kung bakit ayaw ko sumama sa kanila. Dahil sa iba ang panlasa ko sa mayaman. Wala naman akong choice kunwari enjoy ako at kinain kung ano man ang kinuha ko. Inubos ko pero hindi na ako nag-take two.
Natapos na din kumain mga kasama ko. Hindi nila naubos ang pagkain pero wala silang pakialam. Dahil hindi sila nagtatabi ng tira-tirang pagkain. Gusto ko mang i-take out kasu hindi ko type lahat. Next time na lang siguro ako mag-te-take out kapag masarap na.
YOU ARE READING
Our Secret
Misteri / ThrillerMahirap ang buhay pero masaya ako. Dahil may magulang at mga kapatid ako. Pero gumulo ang lahat simula nuong namatay siya. Si Jasmine. Ang babaeng walang kapintasan pero kapag ako lang ang kaharap niya nagiging demonyo siya. Walang nakakaalam sa tun...