Chapter 4

7 1 0
                                    

Abala ako sa pagkain ng makarinig ako ng mahinang tawa. Napakunot noo ako ng tingnan ko si Xil. Hindi na nya kalaro si Steirra dahil busy itong nagpipindot sa cellphone.

"Kailan ka huling kumain?" aniya na lalong ikinakunot ng noo ko.

"What?" what kind of question is that?

Nginuso nya ang mga pagkain ko. "Dami mong kinakain, oh. Parang no'ng nakaraan ayaw mo."

"Ano naman?" parang batang sagot ko na tinawanan nya lang naman. Umirap lang naman ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nasa labas na kami ngayon ng building, karga-karga ni Xil si Steirra.

"Do you play Barbies din po ba, Kuya Xil?" tanong ni Steirra sakanya. Tumawa naman si Xil bago sumagot.

"Do you want to play Barbies with Kuya Xil?" aniya. Tumango naman si Steirra.

"Okay, then. We'll play next time." sagot naman nya bago inilagay sa backseat ang kapatid ko. Bumaling s'ya sa akin ng may ngiti sa mga labi.

"How 'bout you, baby 2? Do you wanna play with me?" nakangiting aniya.

"Tigilan mo ako, Xilrius." tanging sagot ko sakanya. Lumingon ako kay Steirra na busy na kakapindot ng cellphone ko bago ibinalik ang tingin kay Xil.

"Mag-usap muna tayo." aniko. Taka naman syang tumingin sa 'kin ngunit napansin ko rin ang bahagyang pag aliwalas ng mukha nya at pag kislap ng kanyang mga mata.

Lumayo kami ng kaunti sa may kotse. Nasa tapat parin kami ng building ngayon.

"Anong pag-uusapan natin?" seryosong aniya.

"Why are you doing this?" tanong ko agad.

"I'm having fun playing with your sister, she's happy with me. And I want to be with you, baby." sagot nya.

"I'm serious, Xil. Bakit mo ginagawa 'to? I thought you were just going to negotiate with our company. What are your motives, huh?"

He sighed. "Gusto kitang makasama, It's been years, but you're still in my mind. I can't have you removed in my system." aniya habang tinititigan ako.

Ako naman ang bumuntong hininga ngayon. "I'm sorry, Xilrius. But, we are not going to happen. Not even once."

He bit his lower lip bago sumagot.

"What about the thing that happened to us a few years back?"

"Forget it. You see, I'm having my own peaceful life. Free yourself from that trouble. Move forward, Xil. Ayoko na rin biguin ulit sina mommy." mabilis na sagot ko sakanya. He didn't answer for minutes, kaya tinalikuran ko na s'ya. Ngunit bago pa man ako tuluyang umalis ay napatigil ako sa sinabi nya.

"I can't." umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad.

I was expecting that he'd run to me and tell me how much he couldn't. But, he didn't. Akala ko kukulitin nya pa ako, it's good that he didn't.

That night feels like a whirlwind. Madali ring lumipas ang mga araw at sa paglipas na 'yon ni anino ni Xil ay hindi ko nakita sa company namin. Panay rin ang tanong sa akin ni Steirra kung nasaan ang Kuya nya, sinasagot ko na lamang na pwede rin nya makalaro si ate Diana nya o kaya naman ako kapag free time.

Minsan nga lang ay nakikita kong tahimik at walang gana si Steirra. Malakas naman syang kumain, kaya nga lang kapag laro na ay parang wala na s'ya lagi sa mood.

"Steirra, play tayo! I have new Barbies, oh! Binili ko sa malapit na mall dito, ganda oh! Dami pa nyang damit at heels!" rinig kong ani Diana habang busy ako sa pagtitipa sa aking laptop.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Knew You Were Trouble | Stand Alone#1Where stories live. Discover now