Chapter 3
"Tita"
Ikalimang beses na tawag sa akin ng pamangkin ko.
"Gumising ka na, tanghali na. Nagagalit na si Lola"
Napa-ingit na lang ako at dumapa. Ramdam ko pa din ang paggalaw ng mundo ko kahit na nakapikit.
"Alas ten na!" sabi niya ulit at pinalo ako saka lumabas ng kuwarto.
Alas diyes na pala. Tanghali na para sa kanila pero para sa'kin, ikatlong oras palang ito ng tulog ko. Makalat ang kama dahil sa madaming papel, laptop na nagp-process na mga resume at cellphone na nagri-ring.
Yung cellphone ko, nagri-ring!
"Hello, Seah" Agaran kong sagot dito.
"Wala na daw position na pwede. Kakatapos lang kasi halos ng graduation ng college kaya alam mo na, madaming new hired na kaka-graduate from BSA" sambit niya.
Binaba ko na ang tawag. Alasyete na ako nakatulog dahil rumaraket at naghahanap ng trabaho. Kusa nang nakakatulog ang katawan ko dahil sa pagod kahit sanay naman ako dito.
"Bumangon ka na at magligpit. Walang tatao sa tindahan kaya sumunod ka pagkatapos" sambit ni Mama na sumilip lang sa pintuan at umalis din.
Napabuntong hininga ako. Ang hirap pala talaga na matanda ka na pero wala kang trabaho. Pakiramdam ko tuloy isa 'kong palamuning tambay dito.
Hours had passed. Magtatakipsilim na. Nakapagluto na ako ng mga tinapay, nakapaglinis ng bahay, at nakapagbantay sa bahay. Ang bagal ng oras para sa akin.
"Oh, san ka galing?" saad ko kay Cresen, panganay kong pamangkin.
"Church po" masaya niyang ani at tumatalon-talon pang pumasok sa bahay.
"Ay, tita... Tawag ka nga pala nila Ate Emi po. Magjo-jogging daw sila"
Ikatlong beses na nila ako ngayon niyayaya."Sabihin mo busy" at ikatlong beses ko na din silang tinatanggihan.
"Ha? Eh Wala ka namang work paano ka mabu-busy" aniya na muntik ko nang patulan. "Tyaka nandyan na sila sa labas"
Totoo ngang naroon na sila dahil paglabas ko, kinukulit na ni Kaizen si Mama na payagan ako.
"Uy, She! Tara magjogging!"
napangiti ako. His voice brought comfort in just a second. Para bang naramdaman kong may kaibigan ulit ako."Busy" maikli kong sagot
"Pinagpaalam na kita kay Tita!" aniya pagtapak ko palang sa labas ng gate. Only to find out that there were other people who were with him. "Tyaka, matatanggihan mo ba iyang mga 'yan?"
Napangiti ako. Hindi lang sila Basta "other people". Punong puno ng sabik at saya ang mga labi at mata nila. My friends are here.
Si Rocky, Claudia, Zara, at Reid. Napangiti ako. It's like looking at my young friends but right now... they've grown into fine young professionals who are succeeding.
Nakakapagprovide na sa pamilya at sa sarili,
Unlike me.Palamunin pa ni Mama.
"San tayo gala?"
"Anong gagala, magjo-jogging tayo" sagot ni Kaizen na nagpababa ng balikat ko."Eh, ayoko, next time na lang"
Then boom.
Turns out tumanda lang sila pero yung kakulitan? It remained."Masarap mag exercise kasi parang 'di lang for body but for health. Mental health. Para sakin, ah. Kasi ayon essential nga siya satin na mga busy na ganyan. To rest your minds sometimes" ani Claudia sa tabi ko dahil kanina pa 'ko nagrereklamong napapagod.
YOU ARE READING
Bumalik Ka Na
SpiritualHave you BEEN a passionate servant of the Lord but suddenly... just... Lost? As for Selah Glesha Climente, it is the same. Being a young professional who has a lot of obligations on her shoulder, she faced the reality and its burdens. Unfolding wha...