Fired
"Huy, Selah! OT na naman? Tara na! Mag-aalas diyes na, oh!"
"Buhay na mga tao niyan sa MOA Ikaw nandito pa din kaharap yang reports sa laptop!"
Pangungulit ng dalawa kong workmates slash mga kaibigan pagkatapos nilang mag-usap-usap na kumain sa labas.
Napangiti na lamang ako at umiling.
"Next time na lang ako sama. Paubos na budget tyaka madami pang bayarin, eh. Bawi na lang ako"Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang notification. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maiiyak sa nakita ko.
Picture ng lalaki na bumili ng dalawang bagong sasakyan para sa kambal niya na nakatungtong ng legal age.
Pinilit ko na lang idilat ang mga mata ko at nagpahid ng katingko sa sentido. Balang araw, may mapapatunayan din ako sa'yo.
---
Inilapag ko ang hard drive ng boss ko sa table niya.
Sa wakas, tapos na din lahat ng reports.
Magaan ang loob kong tumalikod mula sa desk niya at humarap na sa pintuan para umalis... pero nauna pa atang nalaglag ang puso ko sa gulat nang makita siya sa likod ko, may dalang kape. Akala ko, ako na lang ang nasa opisina.
"Ms. Climente, may I talk to you?" pormal nitong sambit sa akin na tinanguan ko naman.
Madami na ding lumipas na minuto bago niya sabihin ang punto niya. Puntong nagbigay ng maraming dahilan para manikip ang dibdib ko.
"My company is slowly suffering financially. Time will come, there is a 90% that we'll go bankrupt and as the head, I have to mend everything before it bleeds. Isang daang tao ko ang nawala sa araw na ito dahil pinaalis na sila ng iba't ibang department leaders na siyang iniutos ko. At... Ikaw, iba ka, eh. "
"I will start packing my things. Don't worry, I understand." matapang ko pang ngiti kahit na pakiramdam ko, kalahati na halos ng mundo ko ang gumuho.
Bumuntong hininga na lang ang boss ko at napayuko. "Thank you for all your hardworks. Yung suweldo mo... ay sisiguraduhin kong maibibigay" she said and gave an apologetic smile.
I smiled and gave my respects. At least, may suweldo pa.
Sana lang maging sapat yon hanggang makahanap ng panibagong trabaho. Kundi, wala na naman akong maihaharap na pagmumukha kay Mama at Tito.
Maingay na mga sasakyang nagmamadaling mag-uwian, mga taong naghahanap ng masasakyan, at buhay na buhay na mga kulay ng mga mall ang mga nadaanan ko habang dala ang kahon na naglalaman ng mga gamit ko.
Buhay na naman ang Manila.
Napabuntong hininga na lamang ako habang dumadampi ang malamig na simoy ng hangin sa buhok ko. Gusto ko sanang maramdaman na nasa drama 'ko kaso wala na 'kong halos makita dahil sa buhok ko. Hindi maganda tulad ng ibang malulungkot na karakter sa k-drama.
Noong una akong nagtrabaho sa Manila, tuwang tuwa ako. I thought I was on cloud nine. Walking distance lang ang MOA at workplace ko mula sa bahay na nakuha ng yayamanin kong kaibigan. Maganda din ang pagtrato nila sa akin noon sa trabaho. Kaso, habang tumatagal, habang tumatagal sa trabaho, unti-unti akong nahihirapang huminga. There were times that the company was asking me to do something really messed up. Hindi ko inakalang ang akala kong napakagandang pangarap noon na magtrabaho dito ay magiging isang napakasakit na sampal pala ng katotohanan. Kung wala lang akong problema sa bahay, masasabi kong mas maganda sa probinsya kaysa sa syudad.
Napabuntong hininga na lang ako habang papasok sa building ng condo namin.
"Ma'am tulungan ka na po namin" pag-aalok ng tulong ng isa sa staff ng SAFFIRE pero tinanggihan ko iyon.
Kahit na gaano kabigat tignan ang mga kahong dala ko, wala pa ding mas bibigat sa nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, napag-iiwanan na ako. Ilang beses ko nang natanong sa sarili ko kung magiging batugan na ba ako sa paningin ng mga tao sa bahay pagkatapos nito. Sa edad na dalawampu't apat na wala pang naipupundar, hindi pa nakakapasa ng board exam, at ngayon ay wala nang trabaho, napakabigat.
Napangiti na lang ako. Noong bata ako ginusto kong lumaki agad para di na ako patulugin tuwing tanghali ni Papa. Sana pala natulog na ako nang natulog noon dahil sabi nga nila, sobrang dalang na matulog ng matatanda. Pakiramdam pa ng mga tao, ang yaman yaman ko. Pambihira, singkwenta pesos na lang nga laman ng wallet ko.
Naamoy ko na ang sinigang sa buong condo pagkabukas ko ng pintuan. Nakalagay nang maayos ang mga sapatos sa shoe rack, ang mga gamit ay nasa dividers, nadiligan na ang mga bulaklak sa maliliit nitong vase, nawalis na din yung ipis na pinatay ko kaninang umaga (pero nakalimutang linisin dahil sa kamamadali ko). Napangiti ako. Maaliwalas na naman ang bahay.
Ipinasok ko na ang mga gamit sa loob ng kuwarto at nagbihis. Pagkalabas ko, nginitian na agad ako si Seah na naghahain ng pagkain.
"Kain na, kawawa ka naman kasi. Nagchachat na si Ate sa'kin at kinakamusta ka. Wala ka na daw pera"
Natawa na lang ako at umupo na para kumain.
"Thanks sa pagkain!"Ito naman ang saya kapag may kaibigan ka na kasama. Hindi ka mamomroblema mag isa. This situation just states the fact that no man is an island, indeed. No matter how independent an individual may be or how arrogant he may be, every person needs an assistance and more importantly, real love.
"She, ano yung laman ng mga kahon?" tanong niya habang humihigop ng sabaw at nanonood ng Woodlawn.
"Hinakot ko na lahat ng gamit ko sa opisina"
"Bakit?"
"Tambay na 'ko"
Pinatay niya ang cellphone at itinuon ang atensyon sa'kin.
"Nagquit ka?"Umiling ako. "Maba-bankcrupt na daw kaya kailangan na magbawas ng empleyado"
"Oh, e ano plano mo niyan? Tyaka bakit ikaw pa, may balat ka siguro"
Napatawa na lang ako ng mahina sa iniasta niya.
"Ewan ko nga din ba kung bakit ako pa. Ayoko din naman ng sitwasyon ko lalo't lalo nang mas naging posible pa na kailangan ko na talagang umuwi." sagot ko at nagsandok pa ulit ng kanin. As if madali sa aking umuwi nang walang pera at trabaho."Friend, sure ka na ba diyan? I mean, pwede naman kita tulungang humanap pa ng trabaho dito at alam mo naman gaano mag demand yung Mama mo ng pera-"
"Uuwi ako kasi may sakit si Ate. Walang katulong sa bahay si Mama. Hintayin ko lang na matanggap yung suweldo tas luwas na. Ni-refer naman na ako ni Ate sa workplace niya so possible na makapagtrabaho don. Mas malapit mas maganda"
Ngumiti na lang siya ng pilit at nagtaas ng kilay.
Hindi ko alam kung magiging maganda nga bang umuwi...
lalo na pagkatapos ng mga nangyari.
YOU ARE READING
Bumalik Ka Na
SpiritualHave you BEEN a passionate servant of the Lord but suddenly... just... Lost? As for Selah Glesha Climente, it is the same. Being a young professional who has a lot of obligations on her shoulder, she faced the reality and its burdens. Unfolding wha...