Prologue

0 0 0
                                    

Ang kuwentong ito ay hindi makatutulong.
Ang kuwentong ito ay para lamang sa matatapang.
Dahil ang kuwento ko ay mananatiling kuwentong mababasa mo lamang kung wala kang pupulutin.
Ang kuwentong ito ay hindi makakatulong sa'yo kung hindi ka handang labanan ang iyong sarili.

Labanan ang pride mo.
Ang emosyon mo.
At ang iniisip mo tungkol sa ibang tao.

Ang hirap maging matanda.
Ang hirap tumungtong sa edad na bente at maisip o maramdamang napag-iiwanan ka na,
marami kang hahabulin,
at marami kang responsibilidad.

Ang hirap kumita ng pera na dati ay hinihingi mo lang.
Ang hirap harapin ng mga tao dahil sa sakit na napagdaanan mo.
Ang hirap maghilom.
Ang hirap tumayo nang walang laman ang kamay mo dahil 'yon ang expectations nila sa'yo.

Pero mas mahirap pala pag ang pag-ibig mo ang nakalimutan mo.
Mas mahirap pala kapag ang kasama mo bago magsimula ang lahat ng "mahirap" sa realidad na ito ay Siya ding mabibitawan at matatalikuran mo.

Dear my kapwa young professionals na Christian, ang hirap palang si Cristo Jesus ang mabitawan para at dahil lang sa madaming bagay.

Dahil para kong pinawalan ng buhay, pati ang sarili ko.

Hindi ba?

Bumalik Ka NaWhere stories live. Discover now