Chapter 2: Return

2 0 0
                                    

Iminulat ko ang mga mata para sagutin ang tawag.

"Oh, nasaan ka na?" Naririnig ko ang nagtitilansikan na mantika kasabay ng pagsasalita nya sa kabilang linya. Magluluto na siya ng pang-hapunan.

"Malapit na sa babaan. Sasakay na lang ako ng tricycle pagkababa kaya wag ka na sumundo"

"Tsura mo, wala akong planong sunduin ka. Ingat"

Ibinaba na niya ang tawag. Hindi ko maiwasang tumingin sa bintana at mapangiti. Ibang iba ang sunset sa syudad kaysa dito. Ang mga berdeng dahon ay parang napipintahan ng kahel na malaginto dahil sa sikat ng araw. Nagsisimula nang sindahan ng mga ilaw ang mga kainang sa gabi lang binubuksan. Kumpara sa syudad, kapag pagabi na, pauwi na ang mga tao galing sa iba't-ibang lakad. Pero sa Manila, kapag pagabi na, palabas palang ang mga tao at doon maglilibang matapos magtrabaho.

Kumakawag-kawag ang mga buntot, sinalubong ako ng mga aso pagkabukas ko palamang ng gate ng bahay. Kasabay nila ang mga pamangkin ko at mga nakababatang kapatid na hindi ko malaman kung ako ba ang excited na makita o ang mga pasalubong na binili ko.

Nevertheless, naligo na ako at saka palamang sila niyakap at nilambing.

"Kamusta trabaho?" tanong ni Mama.

"Ha? Diba po wala nang trabaho si Tita, Mama?" agad namang reaksyon ng panganay kong pamangkin.

"Wala ka nang trabaho, Ate?" Gulat na tanong ni Sheshe, bunso namin.

"May papasukan ako sa trabaho ni Ate. Wag ka na mag-alala" sagot ko at sinubo ang nilutong binabad na karne Ng baboy.

"Edi, wala kang pera ngayon?"

"Meron, binigay pa din yung suweldo para sa kinsenas ngayong buwan."

"Edi maganda... May mapangbayad man lang para sa kuryente".

"Tama na nga muna yung usapang puro pera" wala pa man, sinusubukan na niyang pigilan ang usapang magpapainit na naman sa amin. "Kumain muna"

"Oh, eh bakit? Normal lang na kumita si Glide tutal namatay naman ang papa ninyo kakapaaral sa kaniya." Sagot na pabalang ni Mama at tinuro ako.

"Ma!" Pagbawal ni Ate.
Tumahimik ang buong mesa. Si Ate, parang kinausap ako sa mata at tinanong kung ayos lang ako. Parehas Ng mga bata na nakatingin lamang sa akin habang ngumunguya, walang imik. Si Mama, masigla pa ding kumain. Habang ako, hindi ko alam kung paano lulunukin ang pagkain dahil sa emosyong para bang gustong umahon sa akin kasama ng luha na malapit nang kumawala.

Wala siyang ideya kung ano ang mga sinakripisyo ko para lang makahanap ng trabaho sa city kahit na pakiramdam ko ay pinaaalis na ako roon, dahil ayokong umuwi nang walang maihaharap because I know for sure na ganito ang ibibigay niyang pagtrato sa'kin.

-flashback-

Inilapag ng mga kaibigan ko ang makakapal na reviewer sa table at pagkatapos ay bumagsak ang mga balikat.

"Ang dami..."

Si Kiel, yung mayaman sa'min, nakadukdok na sa lamesa habang nasa kandungan naman ang libro. Nilalabanan ang antok pero kada tatlong minuto ata ay nakakatulog sa pagbabasa.

Si Luna naman, ang matalino sa amin, sumisinghot na ng efficacent oil at hindi kinakain ang mga pagkaing nasa lamesa. Para na din syang zombie katulad ko dahil sa malalaki at maiitim na eyebags. Hindi na siya maka-ugaga. Ni wala man lang atang oras para magsuklay kaya nag-bun na lang.

Si Aya naman, kinakain ang mga pagkain ni Luna na hindi pa nagalaw. May pitong coffee cups sa gilid at puno ng makakalat na index cards, notebooks at sticky notes ang side sa lamesa. Nag-s-stress eating.

Bumalik Ka NaWhere stories live. Discover now