*epilogue*

78 1 1
                                    

"You may kiss the bride"
Salitang pinakahihintay sa kasal ng dalawang taong nagmamahalan.. kasabay nun ang udyok ng mga tao sa simbahan..

Hindi matatawaran ang ngiti at tuwa sa mukha ng mga magulang ni ara at luha sa mata ng mga magulang ni evo.. di maipagkakailang napaka gandang couple nilang dalawa..
Samu't saring ilaw ang nakatutok sakanila..
Dahil isa sila sa mga tinitingala pagdating sa negosyo ng kanilang mga pamilya..

Makikita naman ang pangingintab ng mata ni ara.. ng dahil sa tuwa, samantalang kitang-kita naman ang matipunong pag ngiti ni evo sa mga camerang nakatutok sa kanila..

Paglabas nila ng simabahan ay nagulat pa sila sa paghagis ng bulaklak na may kaunting bigas na bumuhos sa kanilang buongkatawan..

Habang ang kanilang magarang limosine ay naghihintay na maisakay sila..

Binuhat ni evo ang kanyang bride na parang sabik na itong iuwi.. kaagad na isinakay sa sasakyan,
Bago sila umalis ay kumaway pa sila sa kanilang mga kasama na iintayin nalamang sa reception..

Nang makaandar na ang sasakyan at lumampas na sa simbahan ay nawala ang ngiti sa kanilang mga labi at naghiwalay sila ng upuan..

"Kailangan ba talagang pati halik e totohanin mo? Wala naman sa usapan yon diba."

Umirap si ara kay evo, dahil inis nainis ito sa paghalik sakanya.

"Bakit sa tingin mo gusto ko rin na halikan ka..eh inutos ng pari eh.. edi sya sisihin mo! "

Hindi naman maintindihan ang muka ni evo habang hinihila ang suot nyang kurbata na wari'y init na init sa suot nyang amerikana..

"psh.. bakit pwede naman sa cheeks diba. Ayan oh dalawa pa.. ang sabihin mo gusto mo din may lihim ka ding pagnanasa sakin"

Di lingid sa kaalaman ni evo na sobrang mapangasar at sobra kung mapanglait ni ara..

"Ara.. sinabi ko sayo i have no choice ngayon kung para sayo marami akong choice edi sana ikaw nalang naging groom"

Panay angirap na ginagawa ni ara sakanya na tila pinagsamantalahan ang kanyang katawan kahit hinalikan lang naman sya nito..

"Pakielam ko.. dapat inisip mo na yon bago pa magsabi yung pari ng kiss the bride. Ayaw mo pang aminin na gusto mo rin."

Napakamot nalang ng kilay si evo habang iniisip kung ano ba isasagot nya..

Tinapunan muna nya ng tingin ang katabi saka natawa sa nakita nyang reaksyon nito.

"Haha.. oo na.. sinadya ko na HAPPY? Tinignan ko lang naman kung tatamaan ako sa halik na yon. Kung may mararamdaman ba akong paninigas kapag ginawa ko yon.."

Tinignan sya ni ara ng may pandidiri na di maintindihan.. na parang hinihintay din nya ang iba pang sasabihin nito skanya.

"Kaso wala eh.. ikaw ba naman humalik sa poste.. dinaig mo pa ang tuod"
Lihim na lamang na tumawa si evo dahil alam nitong ikagagalit yon ni ara..

Samantalang di naman maitsurahan ang muka ni ara habang naririnig yon mula sa bibig ni evo.. kung pwede lamang syang maging mapusok pero di pwede.. hindi pwedengpati dangal nya'y maibigay din nya sa lalaking ito.. at di kasama sa usapan ang bagay na yon..

Oo usapan.. nagkaroon sila ng kasunduan tungkol sa kasal. Nagpakasal sila ngunit hindi nagmamahalan.. isinakripisyo nya ang buong buhay nya para maisalba ang nalulugi na nilang kumpanya..
Buong buhay ni ara ay sya ang nagmamanipula nito.. sya ang nasusunod. Naging independent sa edad na 15.. at nang nasa bingit na ng pagbagsak ang kumpanya ng kanyang mga magulang nagdesisyon syang tulungan ito sa pamamagitan ng pagpapanggap na mahal nya ang anak ng isa sa mga investors na nagmamayari ng kalahati ng kanilang stocks..
Sa kasamaang palad ay may problema din si evo sa kanyang huling naging kasintahan.. nais na nitong magkaanak at ng nabuntis ito'y ipinagtaka ni evo dahil alam naman nya sa sarili nya kung kanya bang talaga ang batang iyon..

Nagkasundo sila na magpakasal at magpanggap na masaya at nagmamahalan sila...

Kahit ang totoo ay sa papel lang sila may kaugnayan..

"JUST BUSINESS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon