Chapter Five: Meet Jonghyun (Being Your Hero Unexpectedly.)

47 3 0
                                    

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko at napasalampak na lang ako sa sahig.

Can someone please take me out of here? Please?

I feel someone grabbed my hand.

JONGHYUN's POV.

Sa wakas, nakalanghap narin ako ng hangin kahit polluted na, basta wag lang yung tulad ng kanina. -_- Halos hindi na ako makahinga.

And good that merong mga tumulong sakin from this Mall's employment para mailabas ako sa loob ng kaguluhan. I do love my fans pero sana alam din nila na naiipit at natatabunan na nila ako kanina. They can fall in line, hindi ko naman sila tatakbuhan pero sana may privacy at freedom parin ako.

Anyways, nakakaasar lang na wala parin akong maipapasang suit. Punnishment daw kasi sakin 'to ni Mr. Mark, nahuli kasi ako sa pagdating noong nagpapasukat na sila ng suit kay Dian kaya sabi ni Mr. Mark, maghagilap na lang daw akong mag-isa ng suit ko.

Kilala nyo na naman ako diba? Pinagsigawan na nung malditang babae na 'yun kanina.

Papunta na sana ako sa pinagparking-an ko kanina nang may marinig akong sumigaw from the other side of the parking lot.

"ZAC, please naman, sumagot ka! TOTOO BA?!" sigaw ng babae.

Usually, I'm not interested sa mga eksenang ganito pero parang kilala ko 'yung boses na 'yun ah?

Naglakad ako papalapit sa pwesto nila. Si Rix nga, tanda ko ang damit nya.

Nakatalikod si Rix at mukhang nag-aabang sya sa isasagot ng lalaking papalapit na sa kanya.

"Yes. But Rix--

"How c-could you?" pinutol ni Rix ang pagsasalita ng lalaki, halos wala na ri'ng lumabas na boses sa bibig nya habang sinasabi nya 'yon.

Ngayon ko lang sya nakita sa ganyang sitwasyon at hindi ako sanay.

Mas nagulat ako nang mapa-upo na sya sa sahig at alam kong umiiyak na sya.

Lalapit na sana 'yung lalaki nang tumakbo na ako papunta kay Rix at hinawakan ang kamay nya. Oo na, ako na ang panira ng moment, ako na ang pakialamero, kahit ano pa'ng sabihin nyo, wala na e, nagawa ko na.

Tumingala sya at nakita ko ang mga mata nya, I can see it within her eyes, she's deeply hurt inside. At para ba'ng sinasabi nya na ilayo ko na sya dito.

"Bakit ka naiyak? Ang sungit sungit mo sakin tapos ganyan ka! Tara na nga!" itinayo ko na sya at inalalayan sa paglalakad hanggang makapunta na kami sa loob ng kotse.

Pagkasakay namin, agad ko nang pinaandar ang kotse. Nakita ko pa 'yung lalaki sa side mirror na humahabol pa samin este kay Rix pala.

...

Gustung-gusto ko syang tanungin kung anong nangyari pero baka sungitan lang nya ako at hindi pansinin. Patuloy parin ang pagtulo ng mga luha nya at agad naman nya iyong pinupunasan na parang tinatraydor sya ng mga ito.

Umiiyak rin pala itong babaeng 'to? Akala ko kasi bato ang puso nito e, lalo na kapag nagtatalo kaming dalawa.

Naisip ko tuloy, na mali pala ang entrance ko kanina. Dapat pala habang papalapit ako sa kanila, pumapalakpak ako at sinasabing 'Bravo! Bravo! What'ta great performance!' at baka naging matapang na ulit sya sa inis sakin at hindi na iniiyakan ang lalaking 'yon.

At naalala ko.

"Saan ba kita ihahatid? Saan ka nauwi?" tanong ko pero hindi sya sumagot at inabot nalang ang bag nya.

Kung holdapin ko kaya 'to? Basta basta magbibigay ng bag e. Aish.

Kahit matagal na kaming magkakilala dahil nga madalas mag-hang out ang grupo ko at grupo nila, hindi parin kami close nitong babaeng 'to. Napakasungit kasi.

Binuksan ko na ang bag nya at kinuha sa wallet nya ang ID nya.

Rika Jung ang full name nya at nakatira sya sa SHAZZMAERIAN Hotel, well expected ko na naman 'yun pero malay ko ba na may iba syang inuuwian.

"Sa S. H. ba kita ihahatid?" tanong ko at tumango lang sya.

Medyo tumahan na sya at nahikbi nalang sya.

Sa bintana parin sya nakatingin. Ipinatong ko na ang bag nya sa may pwesto nya at napansin ko ang isang paper bag ng Cryptic Trend na boutique ni Dian. Binili nya pala talaga 'yung suit.

"Hindi mo pala naibigay?" obvious naman na regalo nya 'yun para sa lalaki kanina.

Tumingin ako sa paper bag tapos sa kanya at paglingon nya.

*boom!*

O.O!

Ano yon?? Para saan??

Hinagis nya lang naman ang paper bag at sapul pa sa mukha ko. SA MUKHA KO PA TALAGA, HA?!

"Ayan na! Sayong sayo na! Itigil mo na ang kotse, bababa na ako." at sya pa ang nasigaw na parang Dracula ngayon ah?

"Pero malayo pa ang S. H. dito."

"I SAID, STOP THE CAR! BABABA NA AKO!"

O.O! Hala, naging Dracula na nga sya'ng tuluyan!

"O-okay..."

Itinigil ko na ang kotse sa tabi. At lumabas na sya.

Pero sa tingin ko, hindi nya pa kayang mag-isa. Paano na lang kung magpasagasa sya sa ten-wheeler truck o sa train? Paano kung tumalon sya sa bangin o kaya magpakalunod sa dagat? Paano 'yon?? Edi konsensya ko pa sya? Sabi ko na e, dapat hindi na lang ako nakialam kanina! Pero wala na akong magagawa baka makain pa ako ng Dracula na 'to nang buhay.

Pero pumasok ulit sa isip ko ang mga pwedeng mangyari sa kanya kaya lumabas din ako ng kotse.

"W-wait! Rix!"

Hindi na nya ako pinansin at pumara na sya ng taxi... Pero bakit lumiko 'yung taxi? Hindi naman duon ang papuntang S. H. ah? Talagang gagala pa sya ah?

Bumalik na ako sa kotse at napatingin ako sa pinag-upuan nya kanina.

"Ang bag nya!" kanina ko pa binalik, hindi pa pala nya kinukuha. ("--o)

Susundan ko sana ang taxi'ng sinakyan nya pero wala na. Mamaya na nga lang sa S. H..

********

/Soo. Ayan na nga po. :) Aso't pusa parin talaga ang dalawa. And magkakakonekta nga po pala 'yung mga stories namin ng mga Tita ko, may ippost din po silang story nila dito sa Watty soon. :) We decided po kasi na gumawa ng story na kapartner po ng mga characters namin ang SHINee. So ayun lang po. Keep reading! Love lotsssss. :* Godbless po. ;)

Fall Back Into You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon