Chapter Thirteen: Meet the Maknae, Mae.

12 1 0
                                    

Mae's POV.

"Unni.."

"Ah' hey, Mae. Bakit?" malumanay na tanong ni Rix Unni.

"Wala lang Unni, I just want to check you out. Kumain ka na ba?"

"Don't mind me. Ikaw? Did you take your dinner already? Bakit daw ako pinapabantayan ni Dian Unni sa inyo? Okay lang naman ako." at nagsmile sya ng konti. That smile, it's a forced smile.

"E kasi Unni.."

"It's because of what happened earlier Rix." si Dian Unni na kakapasok lang sa kwarto, nakasunod naman sila Rizz Unni at Shane Unni.

Napatingin naman kagad kaming lahat kay Dian Unni dahil pati sila Rizz Unni ay mukhang nacurious din.

"I heard na nagcollapsed ka daw kanina while in a meeting?" nabigla naman ako dun at kinabahan, napalipat naman ang tingin namin kay Rix Unni.

"Ha? Ah e.. Nahilo lang ako nun pero okay naman na ako. I'm fine!" at ngumiti na naman sya ng konti.

"Rix, it's not right naman na palagi ka na lang ganyan, siguro hindi ka na naman kumakain at hinahayaan mo na manghina ka na lang sa gutom tapos iddeny ko samin ang sitwasyon mo. Come on Rix. Show yourself to us! We are your bestfriends right? Hindi naman pwede na palagi ka na lang nagtatago sa amin. We have rights to know kung ano na ba ang nangyayari sa'yo. What is the essence of us being your bestfriends kung hindi mo naman kami mapagsabihan or mahingian ng payo or some comfort. Rix, we are your bestfriends! You can lean on us anytime you needed." na-touch naman ako sa sinabi ni Dian Unni.

"Yah Unni! Nagtatampo na kami sa'yo. Kasi feeling namin, hindi ka na namin kayang tulungan, feeling namin we are not enough for you to be okay, na we are not enough para ma-comfort ka. So please Unni, feel free to talk with us about how you feel! Dian Unni's right, we are your bestfriends!" teary-eyed na ako nung sinabi ko iyon. ;(

"Basta Rix, 'wag ka naman magdalawang-isip na hingian kami ng tulong, para na nga tayo'ng magkakapatid diba? No, we really treat each other as sisters! At ano ba ang ginagawa ng magkakapatid? Diba nagtutulungan and no hiding of secrets? Diba?" sabi naman ni Rizz Unni.

"Yes Unni, we really feel helpless. And so I wished na maging mas open ka na samin kasi hindi kami parang estatwa na walang pakialam. And mas lalo nga kami'ng nag-aalala kapag ganyan ka, na hindi nagsasabi." napatango naman kami'ng tatlo sa sinabi ni Shane Unni.

"I'm so sorry.. Sorry kung naging tikom ang bibig ko sa mga nararamdaman ko. Sorry kung naging masikreto ako sa inyo. I just feel so down at ayaw ko kayo'ng idamay duon. But now I understand it more, I need you girls talaga.. Thank you dahil nandyan parin kayo para sakin kahit ganito ako sa inyo. I swear to be more open sa inyo. Though wala na sya, nandyan parin naman kayo na bestfriends ko para sakin kaya love-love ko kayo e." maiyak-iyak na si Rix Unni.

"Aaaww.. Sweet.." at nag-group hug kami'ng lima.

...

I checked Unni's refrigerator. At napasimangot ako nang mapansin ko ang isang cake from my shop na mukhang hindi pa nabubuksan. I picked it up. (Omobogoshippo Shop- pastry shop)

"Expired na 'to kahapon pa ah? Pero hindi manlang nabawasan."

Sabi ko na nga ba e. Hindi nagkakakain 'yang si Unni! Nako, nako.

Napailing na lang ako at nilinis ang ref nya at tinapon na ang mga matagal nang naka-stock.

Parang naging colorless na nga ang routine ni Unni, napapansin kasi namin na hindi na sya naglalalabas ng suite nya, kundi lang dahil sa mga appointments nya.

Fall Back Into You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon