57

34 8 5
                                    

Kanina pa nag kakagulo yung mga organs sa loob ng tiyan ko. Paano ba naman sobrang lapit namin ni Amorjah sa isa't isa. Ang bango nya!

Nang makarating sa patutunguhan sabay kaming pumasok sa loob ng coffee shop na medyo malapit lang din sa St. Thaddeus.

Iilan lang yung tao sa loob, siguro mabibilang lang ng mga daliri ko.

"Anong gusto mo? Ako mag babayad." panimula ko.

"Ikaw?"

Nagulantang naman ako sa sagot n'ya.

"I mean, ikaw? Kung ano yung sa 'yo, ganon na lang din yung sa 'kin." paglilinaw nya sa kanyang sinabi.

Kahiya! Akala ko ako na yung gusto mo. Char!

Siyempre sa isip ko lang sinabi ang mga katagang 'yan, baka kasi hindi kami magka humor e' di napahiya ako. Kakapain ko muna s'ya.

After namin um-order ay nag kwentuhan kami saglit especially about acads. I really love the tone of her voice, kasi may accent 'to.

"If you have problem about genmath, you can approach me." aniya at pinatong ang hawak na kape sa lamesa.

Tumango na lamang ako. I really hate math! Kaya nga ako nag Humss kasi iniiwasan ko ang math, tapos hinahabol naman ang ng genmath. 

Magaan naman kausap si Amorjah, ang gentle ng bawat salitang binibitawan n'ya. Para bang pinag isipan muna n'ya bago n'ya ibato yung mga salitang 'yon.

Nahinto kami sa pag lalakad. "Thank you sa libre, Cass." she thanked me and gently smiled.

Her smile.

"You're welcome. Congrats ulit!" ani ko at malapad na ngumiti.

This is the best day ever. Ika nga diba 'we only live once' hindi natin hawak ang buhay natin. What's the point of just admiring someone from afar? It's not bad to take action. You'll never know if you wouldn't try.

Ciao Adios, Amorjah Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon