Nagulat ako dahil may naramdaman akong kumalabit sa likuran ko, kaya naibaling ko ang pansin ko rito.
"Hi, cutiepie." nakangiting bati sa 'kin ni Amorjah, kaya bumalik ngiti rin ako.
Tiklop talaga ako sa mga ngiti nya.
"Sa'n tayo?" tanong nya.
"Park." tugon ko naman.
Mabilis lang naman kaming nakarating sa paroroonan, naupo ako sa bench at gan'on rin s'ya.
"Hmm, so anong atin?" tanong nya ulit at pinakatitigan ako.
Huy! Parang tanga!
Inayos ko ang upo ko dahil bahagya akong nakaramdam ng kakaiba. Parang natakot tuloy akong mag confess.
"Ahm... Amorjah." nahihiyang ani ko, napalunok ako at nag patuloy.
"Gusto kita. Gustong gusto kita." matapang at walang sere-seremonya kong sinabi ang mga katagang 'yan sa harap nya mismo.
"Alam mo, they see me like a normal girl. Hindi nila alam na mayroon akong attachment issue sa isang babae, hindi ko rin maintindihan yung sarili ko kasi ever since hindi talaga ako mabilis ma-attach sa katulad ko. But when I saw you, everything changed.."
"Habang tumatagal mas lalong nag bloom yung feelings ko sa 'yo. Hindi ako nag e-expect sa 'yo, gusto ko lang sabihin kung anong nararamdaman ko." huminga ako ng malalim at nag patuloy ulit sa pag-sasalita. Pansin kong tahimik lang s'yang nakikinig sa 'kin.
"I know you feel like you're in a maze, a survival maze. Because I know your situation, you have strict parents... But you still manage your time, just to see me... I really really appreciate that."
"I like everything about you. You. Only you, Amorjah." my last words before it rains.
BINABASA MO ANG
Ciao Adios, Amorjah
Teen FictionCOMPLETED an epistolary| amorjah & cassandria virago series #2