Cookie
A few days passed and christmas came. My family got together to celebrate it. The day has come when we will leave the province to return to the city.
Malungkot akong yumakap sa bewang ni Lolo naramdaman ko namang gumanti ito sa'kin ng yakap. Bumitaw ako at si Lola naman ang yumakap sa akin.
"I'm going to miss you." mahinang bulong ko. Natawa naman si Lola at hinaplos ang buhok ko.
"You can still visit us, you're always welcome here apo." pang-aalo sa'kin ni Lola. Malungkot naman akong tumango. Sumunod namang nagpaalam si Kuya at sina Mom at Dad.
Pagkatapos magpaalam ni Kuya Dein kina Lola ay hinawakan na ako sa kamay ni Kuya. Nakita ko naman sina Cressia at Biblika na paplapit sa pwesto namin. Aalis na rin ang mga pinsan ko maya-maya. Mauuna lang kami ng kaunti.
"Just chat me nalang ha? I'll see you in manila." ani Cressia sa'kin at yumakap.
Tumango naman ako. Yamakap rin sa'kin si Biblika pagkatapos.
"Ali." ilang sandali lang ay tinawag na ako ni Mom.
Bumitaw ako kay Biblika at ngumiti. Tumalikod na ako sa kanila at lumapit na sa itim na sasakyan ni Daddy. Pinagbuksan naman ako ng pintuan ni Kuya saka na ako pumasok, sumunod na rin naman siya agad.
Pumasok na rin sina Mom at Dad sa harapan at sinimulan ng paandarin ang makina. Sumilip ako sa bintana ng kotse at kumaway sa mga pinsan.
"Bye bro." paalam ni Kuya Dein sa mga lalaki naming pinsan. Nakita ko namang tumango sina Kuya Madox.
Pinaandar na ni Dad ang sasakyan at nagumpisa na nga itong umusad. Sumandal naman ako sa upuan at paniguradong mahabang biyahe na naman ito.
"Here." inabot sa'kin ni kuya ang isang itim na neck pillow.
Nagpasalamat naman ako at kinuha ko ang headphone na nasa bag ko. Nang mailabas ay kinonekta ko lang ito sa phone at pumili ng kanta.
Nasa kanang bahagi ako ng sasakyan at nakatanaw sa bintana, pinapanuod ang mga tanawin na nadadaanan namin.
Lumipas ang ilang minuto ay lumingon sa'king banda si Mommy at inabot ang isang chips, aabutin ko na sana ito nang biglang hinablot ito ni Kuya Dein.
Nagkasalubong ang aking kilay at sinamaan ng tingin si Kuya. Tinanggal ko ang headphone saking tenga at hinarap siya.
"Hey! That's mine!" sinubukan ko na kunin ulit sa kaniya ang pagkain ngunit nilayo niya ito. Pinandilatan ako nito ng mata. Lalo naman akong nainis.
"Mom! Si kuya!" sumbong ko kay Mommy, lumingon naman ito sa'ming pwesto.
"Dein!" suway ni Mommy kay Kuya Dein ngunit dedma lang ito, bumuntong hininga si Mommy at nag-abot muli ng isa pa na pagkain sa'kin. Kinuha ko ito at sininghalan ang kapatid. Ngumiti naman ito ng mapangasar.
Hindi ko na lang ito pinansin at binuklat na lang ang pagkaing bigay sa'kin, binalik ko sa aking tenga ang headphone at tumingin sa labas ng bintana.
Nakikita ko ang mga tanawin sa labas. Medyo maraming bahay at malawak na palayan. Nasa dalawang oras ang magiging biyahe namin pabalik sa syudad.
YOU ARE READING
Five Years Apart
RomanceLove has no boundaries. No matter how far, no matter how shallow the love between two people. Fate will dictate whether a love is right or wrong. Maria Alison Gomez is a passionate woman. She has big dreams for herself. In the reality of the world...