Kabanata 8

197 5 0
                                    

Visit

In the middle of a room, light comes in from outside. People sail the vast ocean in search of food or perhaps pleasure.

It's the same in life. We sail so we can find what satisfies our desires. To find happiness we have to face the dangerous wave.

May kakaibang pakiramdam habang tinititigan ko ang painting na gawa ko. The Man in the boat.

Napakurap ako nang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Iniwas ko ang tingin sa painting at lumakad papunta sa hambana ng pintuan.

Binuksan ko ito at bumungad sa aking harapan si Manang Pasing. "Ali. Andiyan na ang Kuya mo sa baba, siya na raw ang maghahatid sa'yo."

Kumunot nama ang noo ko? Why so sudden? Ilang araw na itong hindi umuuwi dito or should I say ilang linggo na nga ba?

"Ah...pakisabi Manang pababa na." ngiting hilaw na pakisusap ko dito. Tumango naman ito agad at agaran na tumalikod. May pasok nga ako ngayon at himala na nandito ito.

Umiling na lang ako at pumunta sa kama upang kunin ang bag, nakita ko rin si Cookie na nasa itaas din ng kama ko habang nilalaro nito ang isang maliit na bola. Iyong bigay ni Erick.

Sinakbit ko lang ang aking bag pagkatapos ay kinarga ko na rin ito. Iiwan ko na nanaman nga siya kina Manang Pasing, hindi ko rin naman kasi siya madala sa school at bawal nga.

Pagkababa sa hagdanan ay hinanap ko narin agad si Manang at nakita nga na nasa garden ito. Agad ko na rin naman ibinigay sa kanya si Cookie.

"Goodbye Cookie. Be a good boy hmm? When I get home, bibigyan kita ng treat." hinaplos ko ang ibabaw ng kaniyang ulo at ngumiyaw naman ito.

Pagkatapos magpaalam ay patakbo na akong lumabas ng bahay. Wala na sina Mommy dahil maaga silang umalis.

Pagkalabas ng gate ay nakita ko ang puting sasakyan ni Kuya Dein at agad din naman na akong pumasok sa passenger seat. Gwapo ito ngayon sa kanyang ayos. Normal polo with his clean cut hair.

"Kahit kailan talaga ang bagal-bagal mo." salubong na reklamo nito.

Napanguso naman ako. Hindi na lang ako magsasalita at baka mag alboroto na naman ito. Bakit parang araw-araw yata itong may dalaw? Satwing nagkikita kami ay lagi na lang niya akong sinusungitan.

"Good morning Kuya." matigas ngunit patuya na bati ko sa kanya.

Lumingon naman ito sa akin at tinaasan ako ng kilay, suminghal pa ito bago pinaandar ang sasakyan.

Habang nasa biyahe nga ay medyo tahimik ang loob ng kotse bukod sa kaniyang radio.

"Kamusta kayo?" basag nito sa katahimikan. Lumingon naman ako.

What I said earlier na madalang nalang talaga ito kung dumalaw sa bahay. Reasonable naman dahil nga may sarili na itong space.

"Okay lang. How 'bout you?" tanong ko at tumingin sa labas ng bintana.

"Hindi ba mahirap sa highschool? How's school?" parang ama na sabi nito sa akin.

Kunut noo ko naman itong binalingan. "Okay lang."

Lumingon ito sa akin at nagsalubong ang kanyang kilay. "Pipi ka ba? Okay lang ba ang alam mong salita. I starting a conversation here, pinuputol mo naman." biglang anito.

Nabigla naman ako sa kanyang sinabi. The heck?! Ano bang problema nito.

"Ano bang gusto mo na isagot ko? My gosh Kuya ang aga-aga." ang hindi makapaniwala na sabi ko rito.

Five Years ApartWhere stories live. Discover now