Text Mate
Ilang araw na nga na umuulan. Tila laging galit ang langit at lagi na lang makulimlim. Ilang araw na nga na ganito lang ang panahon.
Napakamot ako ng kilay ko habang nagbabasa dito sa loob ng library ng school. Hindi ko kasama ngayon si Bea at hindi ko siya mahagilap mula pa kanina. Well nagkita naman kami kanina sa mismong class room. Pero bigla na lang siyang nagpaalam sa akin nang break time, at may pupuntahan daw siya. Hindi ko na lamang inusisa.
Malamig sa loob ng library. Dagdagan pa ng katahimikan sa loob at ang klima sa labas. Napabuntong hininga ako habang patuloy na binabasa ang librong hiniram ko.
Minabuti ko na lang mag basa. Wala rin naman akong kasama ngayon at wala naman nga akong ibang kaibigan. Busy ngayon si Gio sa training at mukhang may laban sila.
Binitawan ko muna saglit ang libro at hinawakan ang phone para lakasan ang volume ng kanta. Naka connect kasi ito sa head phone ko. I love listening to music, especially when I reading books.
Binitawan ko na sana ang phone at ibabalik ang pansin sa libro nang bahagya akong magulat nang mag pop-up ang isang text. Binuksan ko naman ito.
Abraham
Kung hindi kapa ready pumasok sa monday,
Kumunot naman ang noo ko. Its Abraham, 'yung lalaking nakilala ko sa party nila Gio. Makalipas nga ang ilang araw ay nag text ito sa akin. Usually, hindi ako nag re-reply sa mga natatanggap kong text, ngunit kilala ko naman ito kaya naisipan kong replyan. Hindi ko naman akalain na aaraw-arawin niya ang pag se-send ng text sa'kin.
Ali
Ha? I'm in the school right now. And it's monday :))
Reply ko. Lunes ngayon at nasa school na ako. Minsan ang random ng mga text niya at hindi ko maintindihan pero natatawa ako. I find it cute.
Abraham
sa buhay ko na lang...
Kumunot naman ang noo ko sa reply niya. Binalikan ko ang unang text niya saka ko binasa ang bagong reply niya. Biglang nawala ang guhit sa noo ko at ilang sandali lang ay bahagya akong natawa.
Ganyan siya. He texting me randomly, natatawa na lang ako sa kanya. Ganyan lang siya, simula nang i-entertain ko siya lagi na siyang nag se-send ng mga iba't ibang banat. Hindi ko tuloy alam kung pinagtitripan ba niya ako o ano.
Naiiling ko na lamang ibinaba ang phone at hindi na siya ni replyan. Ipagpapatuloy ko na lamang ang naudlot na pagbabasa.
Hindi pa man nag-iinit ang mata ko sa binabasa nang makita kong umilaw na naman ang phone ko at may notif na naman. Hindi ko na kaylangan tignan kung sino ito.
Abraham
Hindi na safe gumala ngayon...
Tinignan ko ang kanyang message. Hindi ako nag reply at hinihintay ang katuglong nito. Ilang minuto ang nakalipas at nang mainip ako sa paghihintay, ibabalik ko na sana ang mata ko sa libro nang mag reply na ito.
Abraham
stay ka na lang sa bahay ko, este buhay ko.
Nangingiti naman ako sa humor niya. Wala ba siyang ginagawa ngayon? Wala ba siyang klase at mukhang sanay siya sa mga ganito. Hindi naman ako nag reply at hinayaan na lang siya.
YOU ARE READING
Five Years Apart
Lãng mạnLove has no boundaries. No matter how far, no matter how shallow the love between two people. Fate will dictate whether a love is right or wrong. Maria Alison Gomez is a passionate woman. She has big dreams for herself. In the reality of the world...