Kabanata 5

235 5 2
                                    

See You!

Isang taon na naman ang nakalipas at panibagong buhay na naman ang haharapin. Sa pagbabago ng panahon. Nagbabago rin ang isang tao. Kung saan hinuhubog tayo ng tadhana.

Panibagong taon na naman nga ang tatahakin. May mga panibagong oportunidad o 'di kaya ay mga pagsubok na dadaan sa ating buhay.

My family and I celebrate the last day of the year, last week. At pagkatapos nga ay agad na rin akong sumabak sa eskwela, pasukan na naman kaya halos busy ako sa pag-aaral. Weekend ngayon at nandito lang ako sa bahay.

"Kuya please...sama na kasi ako. Promise hindi ako magiging magulo!" pangungulit ko dito.

Mahina itong suminghal, "Tsk! bakit ba gustong-gusto mong sumama? Wala ka namang gagawin do'n."

Ngumuso naman ako dito at mas lalong nagpaawa, gusto ko kasing sumama sa kaniya papuntang condo niya. matagal na din ng huli akong naka punta. Kung hindi ako nagkakamali nasa dalawang buwan na rin.

Dinig ko kasi noong isang araw na mag ge-general cleaning ito. Syempre bilang isang mabait na kapatid gusto ko itong tulungan. Kaya naman heto ako ngayon at nangungulit sa kaniya na isama ako. Ngunit sadyang matigas yata talaga ang puso nito!

"I said tutulong nga lang ako! Why don't you want to take me to your condo? Siguro ay may babae ka na ano?" I said to him with an accusation in my voice.

Nagitla naman ito sa'king sinabi. Lumapit ito sa harapan ko at pinanlakihan ng mata. "Wala talagang preno 'yang bibig mo ano? Hindi ka ba talaga makaintindi? Tch! 'di nga kasi pwede. Next time na lang.

Nanlumo ako sa kaniyang sinabi. "Isusumbong kita kay Mommy!" aalis na sana ako sa kaniyang harapan ng higitin nito ang kaliwang braso ko.

"Outch!" daing ko.

"Okay fine!...fine just please, stop being spoiled brat. Heto na talaga ang huli na pagbibigyan kita." mahinang sabi nito sa akin. May bahagya din akong nahihimagaan na pagtitimpi sa kaniyang boses.

Nagliwanag naman ang mukha ko at sumilay ang ngiti. Umamba ako ng yakap dito ngunit mabilis itong naka iwas sa akin.

"Thank you Kuya! You're the best talaga! Promise gagalingan ko ang paglilinis mamaya." I said happily. Inikutan lang ako nito ng mata.

Suminghal pa ito sa akin at naglakad na. Masaya naman akong ngumiti at nakumbinsi ko na naman nga ito. Tulad noong nakaraang linggo.

"WHAT...THE...HELL!" halos manginig ako sa lakas ng sigaw nito, gulat na napaawang ang aking labi lalo na ng ngumiyaw si Cookie habang bitbit ito ni Kuya.

"Whose cat is this!?" napapatalon naman ng bahagya ang mga ilang kasambahay kasama na nga ako doon nang sumigaw ito.

Kinakabahan naman akong lumunok at tumingin sa mga iilang kasambahay na nandito. Nakita ko na nakatingin ang karamihan sa akin. Tumingin ako kay Kuya at mas lalo akong kinabahan nang nakitang na sa akin na ang mga nag-aalab nitong mata.

"Sa'yo ba 'to?" nagtitimping aniya, kinakabahan naman akong nakatitig lang sa kaniya. Hindi ko lang alam kung bakit ba ganiyan siya makapag react. Sasagot na sana ako ngunit,

"A-Akin po s-sir..." nagulat ako ng sumabat si Manang Pasing. Nagsalubong naman ang kilay ni Kuya. Habang ako ay napaawang ang labi.

Five Years ApartWhere stories live. Discover now