Protagonist's POV
Isa akong simpleng mag aaral na naghahangad na makatapos. Simula pagkabata, lagi akong kasama sa honor. At ngayong araw na ito ang mismong graduation ko.
-----Kahapon, ini-announce na ng aming adviser kung sino ang valedictorian, salutatorian at mga honorable mention.
Isang mapait na ngiti ang ipinakita sa akin ng aking adviser na kaisa-isa kong kakampi sa paaralang ito. Marahil ay alam niyang di naging maganda ang kinalabasan ng resulta.
Matapos ang meeting na iyon ay lumabas na ako ng classroom. Nakita ko ang ngiti ng iba ko pang mga guro na alam kong may galit na natatago sa loob.
Hindi ko alam kung bakit sila ganito sa akin. Dahil ba mahirap lang kami? Dahil ba sa sapatos kong laging na lang nilalagyan ng rugby sa kadahilanang bumubuka na ito? Dahil ba sa uniform kong kupas na ang kulay? O baka naman dahil sa sipag kong mag aral?
Wala naman akong natatandaang may ginawa akong masama sa kanila. Alam ko namang di ako ang gusto nila o ika nga'y "teacher's bet" kung tawagin.
Sigurado akong ginawa nila ang lahat para di ako magtagumpay.
-----Eto na nga at tatawagin na ako,
"Class salutatorian of batch 20**-20**: Jenna Sitio."
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko, at sinamahan ako ng aking ama na hiniram lamang ang polo niya at aking ina na suot ang binigay ng amo niya sa stage upang sabitan ng medalya. Proud na proud sila sa akin. Alam kong simula pa lang ito ng pakikibaka sa buhay. Magco-college na ako.
Pagkababa ko sa stage at bumalik sa upuan, bumulong sakin si Ms. Valedictorian, "Ganda ng suot ng nanay mo ah. Mukhang mamahalin, siguro pinaglumaan yan ng amo niya." Napatingin na lang ako sa kanya at hindi pinansin ang pang aasar niya dahil graduation namin.
Kitang kita ko ang tingin ng mga guro kong may galit sa akin. Para bang di makapaniwala na nakaya ko pang maging salutatorian. Siguro dahil anak ng isang mayamang pamilya si Ms. Valedictorian kaya siya ang "bet" nila.
At ayun, tinawag na si Ms. Valedictorian para sabitan ng medalya. Syempre ngiting ngiti yung iba kong mga guro na akala mo'y papaulanan ng grasya. Nung bumalik na siya sa upuan katabi ko, "Good luck na lang sa college Jenna. Makapag-aral ka sana. Ayy, baka hindi muna no? Wala nga pala kayong pera. Haha."
Isinusumpa ko talaga simula sa araw na ito na magtatagumpay ako at maipagmamalaki sa kanilang lahat na kaya ko.
-----
BINABASA MO ANG
A Hardworker (Short)
Cerita Pendek"Naaalala ko pa noong may bumisita sa aming paaralan. Sila ay nagmula sa isang prestihiyosong unibersidad. Tinanong nila ako kung anong gusto kong kurso, ang sagot ko pag-iinhinyero. Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil wala daw kaming perang pampaar...