Nasa Campus na sina Neon at ang kasama nitong si Kian,magkaibigan naman silang dalawa,nuon pa...nag-aral lang si Kian sa Korea kaya nalayo sila pero ang pagkakaibigan nila ay nanatili pa din matatag...hanggang sa maging sila ni Jerry pinakilala pa nga nya si Jerry dito pero di naman sya pinansin,dahil noon ang isip ni Kian ay babae lang ang masarap mahalin at ang lokohin,pinauwi kase sya ng kanyang tita sa pilipinas para dito na lang magpatuloy dahil sa ginawa nitong gulo.Naipagsabay kase ni Kian ang dalawaang babae sa relasyon.At ng mabuko sya ay sasampahan sana sya ng kaso pero nakiusap lamang ang kanyang tito kaya pinakiusapan na lang na umuwi naa lang si Kian sa mga magulang nito.
"Neon,wala bang maganda dito?"tanong pa ni Kian at napangiti amang si Neon...hindi man nya alam ang tunay na dahilan kung bakit sya nag transfer,alam na nyang maloko talaga sa babae si Kian kaya naman...
"Bakit?magaganda naman ang mga babae dito ah! Ikaw talaga puro ka kalokohan,umuwi ka dito para mag-aral.Teka nga,bakit ka nga ba umuwi dito?Ano bang kalokohan ang ginawa mo?"seryosong tanong ni Neon...at ngumiti lamang ng pilyo si Kian...
"Oo na,basag trip ka naman eh! Alam mo kase ganito yan ang mga babae wala yang kwenta sa buhay ko kaya naglalaro lang ako,pero promise nagbago na ko...sige na,baka may ipapakilala ka sakin,gusto ko maganda at sexy." anan ni Kian at umiling lang si Neon sa kanyang kaibigan,
"Mamaya may ipapakilala ako sayo..." ang sabi ni Neon at ngumiti naman si Kian saka..."Ano ba yan,maganda ba?" tanong pa ni Kian at...sumeryoso ang mukha ni Neon na parang nagsasabi na galit na sya sa inaasal ni Kian.
"Oyyy,Kian,hindi porket kaibigan tayo,gagawin mo na lang din ang ,magloko dito.Saka umayos ka nga,boyfriend ko ipapakilala ko sayo." anan ni Neon at ngumuso naman si Kian...ang alam nya may boyfriend na nga ang kaibigan nya.Pero imbis na mainis ay naging curious si Kian kung bakit kapwa lalake ang nagustuhan ni Neon.
"Boyfriend?? di ba naipakilala mo na sakin ang boyfriend mo,saka bakit ba kase kapwa lalake ang niligawan mo,pano kayo mag..." asar na tanong ni Kian at..."manahimik ka nga ang baboy ng utak mo,hindi ko pa sya nagagalaw kase malaki ang respeto ko sa kanya." anan ni Neon at,hindi napigilan ni Kian na ngumiti...
"Hndi ba Awkward naman ng ganon...eeewww...parang nakakadiri..." anya pa ni Kian at..."Anong nakakadiri,alam mo pag mahal mo ang isang tao at tinamaan ka,hindi ka na mag iisip na awkward..." anya pa ni Neon,At dadating si Gabriel at Jerry...
Habang papalapit sila Jerry at Gabriel ay napatingin si Kian kay Gabriel...hindi nya alam pero parang iyon ata ang sinasabi ni Neon sa kanya kanina.At napatingin din si Gabriel kay Kian saka di rin nya maipalaiwanag kung bakit parang may kakaiba dito.
"Hi!babe,nandito ka na pala,nakita mo ba ang namelist mo?" ang tanong pa ni Jerry at saka mapapansin nito si Kian na nakatingin sa kanyang kaibigan na si Gabriel."Hindi pa,babe...ito kaseng si Kian,puro kase kalokohan ang iniisip." anan ni Neon at paagtingin nya kay Kian ay nakatitig lamang s Kian kay Gab kaya naman...
"Uyy,Kian...drooling ahh!" pang-aasar ni Neon at..."Sya ba yung sinasabi mo kagabe,babe?" tanong pa ni Jerry at..."Ah!oo babe,si Kian,childhood friend ko,"anan pa ni Neon at..."Mukhang inlove kay Gab ah!" ngiti pa ni Jerry at..."Ah! s-sorry...anyway im Kian." pagpapakilala ni Kian sa sarili nya kay Gabriel...kaya naman napailing na lamang si Neon at pigil naman ang ngiti ni Jerry...
![](https://img.wattpad.com/cover/343955380-288-k415001.jpg)
YOU ARE READING
My past is My future lover
FanficPagmamahalan ng Nakaraan ang bubuhayin ng hinaharap.Pag ibig na mauuwi sa kasawian... Lumipas man ang maraming taon,muling pagtatagpuin ang pusong may pangakong binitawan sa isa't-isa.Pangakong nagmamahalan kahit nasa kabilang buhay naa sila...ay ha...