CHAPTER 2

565 21 0
                                    

╭────────────────────────.★..─╮
CHAPTER 2 :  AMNESIA...?
"Denying the truth doesn't
change the facts."
╰─..★.────────────────────────╯

YVANAH / MIRRI

HINDI PARIN bumabalik si Ylidiya hanggang ngayon na siyang ipinagtaka ko. Kanina noong una ko siyang nakita ay madali lang siyang nakabalik, ngunit ngayon  ay mukhang matatagalan pa ata siya. Gusto kong lumabas sa kwartong ito at maglibot-libot ngunit agad ko ring kinontra ang sariling ideya.

I still don't know what awaits me outside, it's better to stay in this room for now.

Dahil wala naman akong magawa kundi ang tumunganga, naisipan kong umalis sa kama at magtungo sa may bintana. I need some fresh air to calm me down!

Natigilan ako ng muling naagaw ng aking pansin ang maliit kong mga kamay. Pati yung paa ko ay lumiit din at nagmistulang paa ng isang bata.

Naging bata ba ako?

Sinubukan kong burahin ang ideyang 'yan. Napakaimposible na lumiit ako bigla. Marahil ay malalaki lang talaga ang nasa loob ng kwartong ito.

Nang nasa bintana na ako ay ganon nalang ang aking pagkamangha ng makita ang nasa labas. Makikita mula rito ang hardin kung saan nakatanim ang iba't-ibang uri ng mga bulaklak, marami ring makukulay na mga paru-paro ang nagsisiliparan. But what really caught my attention is the silver leaves of the trees. May silver ba na dahon? Hindi ko alam. Pero sabagay, baka new discovery lang.

Natigil ako sa pagmamasid sa labas ng makita ang sariling repleksyon sa salamin ng bintana. Sa sobrang pagkagulat ko ay hindi ako makapagsalita at natulala lang ako.

There's definitely something wrong here!

I immediately search for a mirror, an ominous feeling continues to rose from my heart.

Dumapo ang tingin ko sa isang full body length na salamin na katabi lang ng isang malaking flower vase. Gamit ang maliit kong mga paa ay naglakad ako patungo roon. Habang papalapit ako nang papalapit sa nasabing salamin ay tumatambol naman nang malakas ang puso ko.

"Ahhhhhh!" Matinis ko pang sigaw ng makita ang aking mukha sa salamin

No!

Hindi na ako 'to. Hindi ako ang babaeng nasa salamin.

Marahas na bumukas ang pinto at pumasok doon si Ylidiya na may dala-dalang isang tray ng pagkain. Agad niyang inilapag ang kaniyang dala sa mesa at nagmadaling lumapit sa akin.

"M-my lady, is there something w-wrong?" Tanong niya pa, ang kaniyang nag-aalalang mukha ay nakapako sa akin.

Hindi ako sumagot agad at itinuro ang salamin kaya naman ay nabaling ang kaniyang tingin doon. Kumunot ang kaniyang noo at dumaan ang pagtataka sa kaniyang mukha.

"W-who is t-that?" Utal ko pang tanong at sinuri ang repleksyon na aking nakikita sa salamin

A young lady who looks to be around eleven years old, with long and wavy silver hair with blue ends, clear blue eyes, exquisite face, and milky white skin is looking straight at me. The girl in the mirror really looks like a living doll that is well crafted and can be considered as a masterpiece.

"That's you, my lady," kalmado niya pang tugon at sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin ay parang nagtatanong siya kung nasaan ang common sense ko.

Marahas akong napailing-iling. Hindi!

Gusto kong sumigaw at sabihin sa kaniyang hindi ako ang babaeng nasa salamin. Ngunit tila nawalan ako ng boses at hindi makapagsalita dahil sa gulat.

As if to prove that Ylidiya is right, memories of earlier and the words that they said filled my head.

Reincarnated as the Grand Duke's Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon