Saan ang punta mo?"
Sa halip na sagutin si Kuya ay dumiretso akong lumabas ng bahay. 5 taon na simula nang huli ko siyang nakita. At heto ako umaasang magkita kami muli sa lugar kung saan kami huling nagkatagpo.
Malakas ang simoy ng hangin ngayon dito naaakma sa mainit na panahon. Mas lalong gumanda at lumawak ang lugar. Nakakabilib lang dahil sa kabila ng pag-usbon ng makabagong mundo ay pinanatili pa rin ang natural na ganda ng lugar na ito.
“Pogi, nagkita ulit tayo," masayang sabi ni Ate.
Sa taon-taon pagbalik-balik ako dito ay siya ang naging suki ko sa shake at fries. Hindi naman talaga ako mahilig sa ganyan pero ang taong matagal ko nang inaasam na makita, oo.
“Bumili ka ulit sa akin ha."
Tumango ako. “Magpapahangin muna ako."
Dumiretso ako sa damohang bahagi ng lugar na ito. Kahit may mga upuan naman ay gusto ko pa rin umupo sa may damuhan. Naalala ko pa dati, isang beses sa isang Linggo ay dito kami nagpi-picnic. Siya yung palaging may dalang pagkain na kadalasan ay mga paborito namin. At hindi ko akalaing limang taon na nang huli kong natikman ang mga luto niya.
Humiga ako at isinara ang aking mga mata. Umaasang sa pagdilat nito ay makita ko ang magandang mukha niya sabay sabing, “Oh, natulog ka na naman”.
Di ko namalayang nakaidlip pala ako nang maramdaman kong may kasama ako dito. Dahan-dahan kung idinilat ang aking mga mata at nang tumingin ako sa may bandang kaliwa, nahagip ko ang isang babaeng nakaupo habang nakatingin sa malayo tila ba may malalim na iniisip. Nasa isang metro ang layo niya pero ang kanyang postura, kulay ng balat, at ang kanyang katawan ay tila pamilyar sa akin. Maikli man ang buhok na ngayo'y hanggang balikat na lamang pero di ako puwede magkamali, siya yun.
Agad akong napatayo at tumakbo papunta sa kanya para yakapin. Alam kong nagulat siya pero alam ko rin maiitindihan niya ako. Nang maramdaman kong naiilang siya sa aking yakap ay saka ako kumawala at doon ko lang namalayang tumulo na pala aking luha. Walang salitang makakapaglalarawan sa naramdaman ko ngayon dahil sa pagkalipas ng mahabang panahon ay nakita ko ulit siya sa aming tagpuan.
“Claire," tawag ko sa kanya. “Alam mo bang miss na miss kita.”
Habang nakatingin ako sa kanya ay nakita ko ang pagkakunot ng kanyang noo na tila ba nagtataka at nagtatanong. Bigla akong nangamba. Paano kong nagkaroon siya nang amnesia? Paano kong di niya ako naalala? Pero napawi ang lahat ng iyon nang biglang siyang ngumiti. Ang matamis na ngiti na matagal kong di nakita.