It was a sunny day. Wala kang makikita na bakas na magkakaroon man ng ulan.
“Kuya, alis na ako, " paalam ko kay Kuya.
"Daming dala. Mamanhikan ka na ba?" Biro ni Kuya. “Mag-ingat ka."
Excited ako dahil sa wakas makikita ko na ulit ang babaeng pinakamamahal ko. Isang taon kasing namalagi siya sa Italy. May aayusin daw, kung ano yun? Hindi ko alam. Ayaw niya kasing sabihin sa akin. At ngayon lang din akong gumawa ng mga desert na kakainin namin. Madalas kasi na siya lang gumagawa ng deserts at nagluluto ng mga pagkain namin.
“Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya nang maabutan ko siya sa tagpuan namin na nakaupo na sa picnic mat.
“Ahm. Hindi naman."
Tinignan naman niya ang mga dala ko at napangiti. Ngiting nang-aasar.
“Masarap yan. Promise. Guaranteed. Proven and tested," biro ko.
Umiling siya at isa-isang kinuha ang mga dala kong pagkain sa basket.
Wala kaming ibang ginawa kungdi humiga, magkwentuhan, magtawanan, at kumain. Hindi namin namalayang hapon na pala.
“Alam mo namiss ko 'to. Tagal mo rin kasi sa Italy. Well, pumunta naman ako dito weekly pero iba pa rin yung kasama ka," saad ko habang nagliligpit kami ng mga gamit.
“Baka mga pagkaing luto ko lang ang namiss mo?"
“Siyempre, lahat na nakakonekta sa'yo, namimiss ko."
Tumigil siya sa ginagawa at tinignan ako.
“Ano? Gwapong gwapo ka?"
Ngumiti siya at saka ako'y niyakap. Yakap na kayhigpit na para bang ayaw na niya ako pakawalan pa.
“Miss na miss din kita," rinig kong sabi niya. I hugged her back. “Sana maulit pa ito."
“Akala ko ba back to normal na? Magkikita pa naman tayo next week di ba?"
Kumawala siya sa pagkayakap at hinawakan ang mukha ko.
“You will always have a special place in my heart. Always remember that."
Tumango ako. “Ikaw lang, Claire ang magiging laman ng puso ko."
Yung ang huling pag-uusap namin at pagkatapos nun, ni text o chat, wala na akong natanggap Mula sa kanya. Tanging mga litratong nakuha noong araw na yun ang gabi-gabi kong tinitignan at kinakausap. Tinatanong kung may nagawa ba ako at kung bigla siyang nawala.