"Good morning, Sir," bati sa akin ni Venus pagkadating ko sa opisina.
"Good morning," tugon ko.
Sumunod naman siya sa akin sa loob ng opisina.
"Ito na po yung mga documents na need nang signature niyo," sabay lapag ng mga napakaraming documents. Ilang araw din kasi akong nawala. "Ito po rin yung report galing sa Finance."
Tumango ako at isa-isang tinignan ang mga document. "Salamat, Venus. May iba pa ba?"
"Wala po kayong scheduled meetings for today pero tumawag ang secretary ng Mom niyo. Magkipagkita po daw ang mom niyo sa company niya mamayang 3 P.M."
Natigilan ako. Ano kaya ang kailangan niya? Madalang lang ako pinapunta sa family company namin. Namana pa ito ni Mom sa Lolo niya. Kahit may sariling hospital na si Mom na pinaghirapan niya, kailangan niya pa rin pamahalaan ang family company pinamana sa kanya.
Wala pang 3 ay nandoon na ako sa company ni Mom. Ang sabi ng secretary niya ay may meeting pa ito kaya naghintay na lang ako sa labas. Ang secretary na sumalubong sa akin sa hospital noong founding anniversary ay siya rin nandito. Pinapunta lang siya ni Mom sa hospital kung kailangan niya ng manpower tuwing may malaking okasyon.
"Marco, you're here na pala."
Agad akong tumayo at nagbeso sa kanya. Sumensyas siya na sundan siya sa loob ng opisina niya.
"So, how was it? Mas nakilala mo na ba si Mariana?" Tanong niya at agad umupo. Sinenyasan niya naman akong umupo sa harap niya.
Mukhang hindi pa niya alam ang nangyari. Di ba sinabi ni Mariana?
"Ahm. Hindi pa masyado, Mom."
Tumango siya. "Okay. Nandyan siya sa conference room. Naghihintay sa'yo. Tratuhin mo nang maayos si Mariana. Understood?"
"But, Mom alam mo naman na may mahal akong iba. At bumalik siya. Kaya if you want me to marry Mariana, di ko yung magagawa. But we can be friends."
Umiling siya. Nakita ko rin sa mukha niya ang pagka-disappointed. "Anak, hindi na babalik si Claire. She's happy now kung saan man siya ngayon." Titignan niya ako sa mga mata. "At kung babalik man siya, I'll make sure na hindi magiging kayo."
Kumuyom ang mga kamao ko sa sinabi niya. Pinigilan ko ang sarili ko hindi sumagot baka may masabi akong hindi niya magugustuhan at ayaw kong mas lalong magkalayo ang loob namin. Noong una, okay naman siya ni Claire pero di kalaunan ay ayaw niya na ito. Gusto kong tanungin kung bakit pero hindi ko magawa. Ang lagi niya lang sinasabi ay di kami puwede ni Claire sa isa't-isa.
"I have to go, Mom," yan lang ang naging sagot ko bago ko siya tinalikuran.
Dumiretso ako sa conference room kung nasaan si Mariana. Pagkapasok ko doon ay agad ko siyang nakita tila may ginagawa. Napakaraming color pen sa table at mga papel. Dahan-dahan ko siyang nilapitan.
"Iba ka rin noh."
Nagulat siya at agad tinago ang mga ginuhit niya bago lumingon sa akin. "Ano kasi, ang boring. Kanina pa kasi ako naghihintay dito."
Tumango ako. "So, alam mo bakit tayo magkikita ngayon?"
She shrugged. "Sumunod lang din ako sa Papá ko."
I chuckled. "Let's have a date, then."
Tumawa siya. "Date? Friendly date, you mean. Alam namin natin, we can't be a couple."
"So, is it a yes or a no?" Kunwaring nawalan ako ng pasensya.
"Fine. Aayusin ko lang itong mga gamit ko."