Kabanata 1

0 0 0
                                    


"Are you sure?”

I sighed. Ilang beses na akong tinanong ni Kuya yan para kasing hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kanina.

“Kung sigurado kang siya na nga, ba't mo pinakawalan? Hindi mo nga tinanong ang number o inaalam kung kumusta o saan na siya nakatira."

Ang totoo, hindi ko yung naisip. Sumagi lang siya sa akin nang nawala na siya sa paningin ko...ulit. Pagkatapos kasi nung ay bigla siyang tumakbo na para bang may hinahabol. Sinubukan ko siyang habulin pero may batang lumapit sa akin at umiiyak dahil hindi niya daw makita ang Mama niya. Madali kong nahanap ang ina ng bata pero yung hinanap ko ay wala man lang bakas na iniwan.

Ilang linggo pagkatapos nang insidenteng yun ay hindi ko na muli pang nakita si Claire. Para bang pinaglaruan ako ng tadhana. Kaytagal ko siyang hinintay pero nang magkita kami ulit ay nawala naman agad.

“Marco."

Bumalik ako sa reyalidad nang tinawag ang pangalan ko. Agad akong pumunta sa counter at kinuha ang order na cappuccino pero laking gulat ko na may kasama pa itong paper bag.

“Para sa'yo daw po. Special daw po kasi kayo," panunuksong sabi nang babae.

Magtatanong pa sana ako nang may dumating na customer at ini-entertain na niya ito. Kinuha ko ang ballpen at ang resibo sa pinagbili ko kanina sa bulsa ko at nagsulat doon nang pasasalamat at saka iniwan ang papel sa counter.

“Sir, mauna na po ako," paalam sa akin ng sekretarya ko pagkapasok niya at saka may inalagay na paper bag sa mesa kasama ang ibang dokumentong pinaasikaso ko sa kanya kanina. “Iniwan niyo po kasi yan sa table ko pagkagaling niyo mag lunch kanina. Nagmamadali kasi kayo nang malaman niyong nasa loob ang Mommy niyo na naghihintay sa'yo."

Oo nga pala. Di ko pala nabubuksan ang laman ng paper bag.

“Ah. Sige. Sayo na lang yan," may ngiti sa labi kong sabi.

“Salamat po, Sir," tugon niya at kinuha ang paper bag. “Mauna na po ako, Sir kung wala na po kayo ng pag-uutos."

“Sige, mauna ka na. 5:30 na rin kasi."

Hindi ko kasi pinapayagang mag overtime ang mga empleyado ko. May mga buhay din sila sa labas ng trabaho. Kaya kung hanggang kaya ay tapusin na nila ang trabaho bago umuwi. Nagkataon lang ngayon na hindi kaagad natapos ni Venus ang pinag-uutos ko.

“Sandali. Anong laman ng paper bag?" Tanong ko bago siya makalabas ng opisina ko.

Nagtataka man ay binuksan niya ang paper bag at kinuha ang laman nito. May 2 lalagyan akong nakita.

“Strawberry cake ata ito, Sir," tugon niya. “Sige, Sir uwi na ako. Ingat po kayo."

Strawberry cake. Dalawang tao lang ang nakakaalam na paborito ko ang strawberry cake. Si Dad na ngayon ay wala na at si Claire.

Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon