PROLOGUE:

153 10 1
                                    

PROLOGUE:

*Panting*

“Hah, hahhh... W-Where did they go?”

Inilibot ni Erena ang kaniyang paningin sa paligid habang patuloy na naghahabol ng hininga na napapatukod pa sa kaniyang mga tuhod. Ngunit ni isa sa mga kasama niya ay hindi niya man lang mahagilap, at sa muling paglingon niya, siya namang ikinamilog ng kaniyang mga mata.

“RUN! RUN FOR YOUR LIVES!”

“Holysh*t—”

“Let's go!”

Bigla na lang ding napasunod ng takbo si Erena nang basta na lamang may nanghila ng braso niya. At nang lingunin niya kung sino ang pangahas na 'yon, lalo lamang napaawang ang kaniyang mga labi nang makilala ito.

“Kent! Y-You're alive?!” hindi pa makapaniwalang bulalas niya, dahil sa pag-aakalang patay na ito pagkatapos maiwan sa gitna ng batalyong mga infected, nang magawa nilang makatakas sa lugar kung saan nagsama-sama ang mas marami pang bilang ng mga taong naging infected, o iyong tinatawag nilang zombies. Mas pinili kasi nitong samahan ang kaibigan nitong nagtamo ng injury na halos hindi na nagawang makapaglakad pa. Dahil mabibilis ang kilos at tila may mga sarili pang pag-iisip ang mga zombies, para lang silang nagmamarathon sa pagtakbo at nagpapatentero sa pag-iwas na mahawakan at malapitan man lang ng mga ito. Kaya halos magkanda salisi at magkanda ligaw na silang anim na magkakasama sa pagtakbo maiwasan lamang na mahuli ng mga zombies, dahil halos lahat sila ay ni wala ring hawak na pandepensa o panlaban man lang.
Dahil sa sobrang dami ng mga ito, alam nilang wala ring silbi kaya mainam nang lumayo't tumakas na lang kung gugustuhin pa talaga nilang mabuhay at magtagal. Their situation was like a survival game; matira ang matibay. At dahil mga pagod na halos, sa fifteen members na mayroon sila sa isang grupo, pito na lamang silang natitira kasama ang ngayong si Kent na kasalukuyan nang hila-hila si Erena palayo sa mga humahabol sa kanila.

“Hurry up!” paalala pa ni Samara na siyang sumigaw kani-kanina lang habang sumusunod sa kanila sa pagtakbo. At kahit sobrang namamanhid na't nangangatog ang mga tuhod at paa, nagpatuloy sila para lang hindi maabutan ng mga tila gutom na gutom na mababangis na halimaw.

Marahil dapat pa ring ipagpasalamat ni Erena na patuloy pa rin siyang nakaka-survive sa kabila ng tuluyang panghihina ng kaniyang kalooban dahil sa sitwasyong kanilang kinasusuungan ng mga oras na 'yon.

“Wait, time first muna—hah!” hinihingal na biglang pagsabat ni Kent na sandaling huminto nang tuluyan na silang makalayo. Kaya sandali rin silang napahinto ni Samara at natuon dito ang kanilang atensiyon, habang pareho ring naghahabol ng mga hininga.

“N-Nakalayo na rin siguro tayo, hah! N-Nasaan pala ang kaibigan mo, bakit hindi mo s'ya kasama—” agad na pinutol ni Kent ang sasabihin pa sana ni Erena nang marahas itong napabuntong hininga sabay sa pag-iwas nito ng paningin, at malungkot na tumanaw mula sa kung saan.

“S-She didn't make it...” malungkot pang pahayag nito at mapait na napangiti nang humarap ulit sa dalawang babaing kasama.

“Oh, I-I'm sorry for your loss,” napapakagat sa labing napaiwas din si Erena ng tingin dito at kahit siya ay hindi naiwasang malungkot.

“We must hurry, we still aren't safe here. We need to find a safe place to hide before the sun is going to set. It's too dangerous to travel at night,” pagkuha ni Samara sa atensiyon nila nang sandaling mawalan ang dalawa ng kibo. And she's right, besides, they're so exhausted right now and almost drained.

“She's right, we must continue now. C'mon, I know a place we can rest for just the night.” pagsang-ayon pa ni Kent, at sandali ring nabunutan ng tinik si Erena sa dibdib nang malamang may alam itong lugar na maaari nilang pansamantalang matutuluyan para lang magpalipas ng magdamag. Nang maalala ang huling bilin ng taong nakasama niya sa loob ng ilang araw bago niya nakilala ang mga kasalukuyan niyang kasa-kasama ngayon ay muli siyang nabuhayan ng loob, at nagkaroon ng munting pag-asa na matatakasan din nila ang impiyernong kanilang ginagalawan ngayon.

EROS: Inside The Zombie Apocalypse Novel (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon