CHAPTER 9:

39 7 1
                                    

CHAPTER 9: First Encounter With The Superhuman!

                         MATAPOS ni Eren turuan ng leksiyon ang nangbully kay Shin, tuluyan na ring nagseryoso ang ilan sa kanila, at determinado na ring matuto mula sa kaniya matapos muling masaksihan ang ipinamalas niya.
Isa-isa silang nagpakilala, at hinayaan niya naman ang mga itong ipakita nila ang kaya nilang gawin, maging ang mga moves na kung saan sila magaling. Isa-isa niya ring tinawag ang mga ito at binigyan ng pointers. Itinuro at ipinakita ang mga kahinaan nila, at kung paano nila iyon maiiwasang ipakita at mapaglalabanan. She patiently teaches them everything she knows that they need to learn; how to attack and do some counterattack. Ang mapatibay ang kanilang depensa at kung paano um-opensa nang hindi basta sumusuko. At hindi namamalayan ni Eren na ang mga taktika na kaniyang ipinapakita at itinuturo ay unti-unting nagiging kumplikado. Dahil ang mga iyon ay ilan lamang sa paraan kung paano makakasurvive during the apocalypse—anything about combat effectiveness, physical restraint, and resistance. At ang bawat atake niya, mapagalaw ng katawan at kumpas ng mga kamay ay parang humahawak lamang ng isang dagger, o samurai na nakikipagpambuno sa mga killers, na halos ikinamangha naman ng mga tinuturuan niya. At the same time, hindi rin nila maiwasang makaramdam ng goosebumps at kakaibang takot na may kasamang excitement sa kanilang kaibuturan.
Hindi mapigilang manayo ng kanilang mga balahibo, and the chill sent shivers down their spines, dahil sa fierce at tinging ipinapakita ni Eren while demonstrating her actions.

Walang kamalay-malay ang dalaga na lahat ng iyon ay hindi nakaligtas sa kaalaman ng isang Master. Nakarecord ang bawat galaw niya mula sa unang araw ng pagpasok niya, at kung paano niya tinuruan ng leksiyon ang ilan sa mga batang gustong maliitin siya. Para sa kaniya, they're just some kind of spoiled and stubborn brats, kahit sa kasalukuyan ay hindi naman nalalayo ang edad niya sa mga ito. Hindi naman nila malalaman na mas matanda siya sa kanila, kaya malaya niyang naipakikita ang totoong siya. Tuluyan niyang binura ang pagiging si Erena Francisco sa pagkatao niya. At dahil sa pagbabagong iyon, wala siyang kamalay-malay na magiging isa rin iyon sa dahilan ng malaking pagbabago ng akala niya'y parte pa rin ng isang nobela.

             “Hmm, she's good, no doubt.”

“But, Coach! Her behavior is behind our expectations. And besides, she's also arrogant and full of herself. How can we—” hindi naituloy ni Benny ang kaniyang pangungusap dahil sa tinging ibinigay sa kaniya ng senior. Hindi maipinta ang kaniyang mukha dahil tila humahanga na rin ito sa 'brat' na iyon! Naikuyom niya ng palihim ang kaniyang kamao. Bahagya ring nagtagis ang kaniyang mga bagang.

“I want you to bring her to meet them tomorrow. And you may go now.” pinal na sabi nito. Hindi natuloy ang akmang pagprotesta niya. Lukot ang mukha at dismayadong lumabas siya ng nagsisilbing private room ng senior. Ngunit ang pagkakadisgusto niya ay sandaling naglaho nang may maisip. Umangat ang sulok ng kaniyang labi.

“Let's see how long she will survive...” he muttered mockingly full of disdain and disatisfaction.

“Eren, Eren! I have good news for you!” halos madapa na si Assistant Roqi sa paghabol kay Eren maabutan lamang ang paglalakad ng huli. Napalingon ang dalaga rito nang nakakunot-noo. Hinintay niya naman itong makalapit.

Hinihingal itong huminto sa harapan niya habang nakatukod pa ang mga kamay sa magkabilang tuhod. Napapantastikuhan niya itong pinagmasdan.

“What's wrong?”

“I—S-Senior Roju wants to see you. T-There's—hump! There's a piece of good news for you!” pagbabalita pa nito sa paputol-putol na pagsasalita. Lalo namang nangunot ang kaniyang noo dahil wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito.

“What do you mean? Can you be more specific?”

“Ahehe. Alright! And here's the details,” ipinaliwanag naman nito ang lahat at kung bakit siya ipinapatawag ng senior. Tumikwas ang kilay ni Eren at sandaling napaisip.

EROS: Inside The Zombie Apocalypse Novel (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon