CHAPTER 6: Earn Points For Being A Master!
“IF YOU gonna win against him, I'll consider it.” umangat ang sulok ng labi ng matanda habang nakatingin sa kaniya nang may paghahamon.
“Sure! No problem.” puno ng kumpiyansang tugon naman ni Eren. Kasalukuyan niya ngayong kaharap ang isang instructor ng martial arts at ng isang Master. She's lucky to know that they still need one trainor for self defense, at nagkataong naroon din ng mga panahong 'yon ang isa sa tinaguriang Master, na isa rin sa namamahala ng club. At para makumbinsi niya ang mga tao roon, kailangan niyang patunayan ang sarili, at hindi siya naroon para mag-aral o matuto, kundi upang magkaroon ng partner o katunggali sa pakikipaglaban. Gusto niyang magkaroon ng saysay ang natutunan niya sa dati niyang buhay. At para na rin may silbi ang magiging training niya. Nang humarap siya sa magiging katunggali niya, nagawa lamang siya nitong tanguan at naghanda para sa unang magiging laban nila. Matangkad at maskulado ito, pero buong tapang niya itong hinarap. Hindi niya man mabasa ang ekspresyon nito, mababakas pa rin sa mga mata nito ang tila panliliit sa kaniya at pagkaaliw dahil sa kislap ng mga mata nito, ngunit hindi niya iyon pinansin. Mula kanina habang kausap niya ang Master o kilala sa tawag na Senior Roju, nanatiling walang kibo ang instructor na nasa harapan niya ngayon. At sanay na siya sa ganoong approach sa kaniya, dahil ganun na ganon din ang unang pakikitungo sa kaniya ng mga kapwa niya trainors sa dati niyang buhay.
Matapos uminat-inat, inihanda na rin ni Eren ang sarili. Ito ang unang sumugod sa kaniya, mabilis na kumawala ang isang suntok mula rito na agad niya ring inilagan. Ngunit talaga ngang mabilis ito, dahil hindi lamang ito magaling sa karate kundi aktibo rin sa boxing. Sunod-sunod itong nagpakawala ng suntok na patuloy niya namang iniilagan. Ilang beses din siyang napaatras dahil sa bilis ng mga galaw nito. Halos ilang beses na rin siyang kamuntikan nang matamaan. Mukhang seryosong-seryoso ito sa pakikipaglaban sa kaniya na animo may bahid ng galit, na ikinatiim naman ng kaniyang bagang. Mukhang minamaliit talaga siya ng taong kaharap. Patuloy lamang siyang dumepensa at umiwas sa bawat atake nito, pero nang hindi nito magawang makatama sa kaniya, tila nakaramdam ito ng inis, at ang mga sumunod na galaw nito ay naging pulido na, na lalo ding ikinaseryoso ni Eren. Lahat ng senses niya ay naging aktibo ng mga sandaling iyon, dahil maling galaw niya lang, tiyak na ikapapahamak niya.
Ramdam niya ang pagdapyo ng hangin sa bawat suntok at sipa nito. At dahil naroon siya para maging isa sa trainor ng self defense, tanging depensa lamang ang magagawa niya sa ngayon. Upang patunayan ang sarili na malawak ang kaalaman niya sa field na iyon, kailangang tumagal siya sa laban kahit wala siyang ibang ginawa kundi ang umiwas lamang sa bawat atake nito. Hanggang sa unti-unti na ring nanghihina ang depensa niya dahil sa pagod na mukhang sinamantala naman nito.
“UHMP!” napaigik siya at muling napaatras ng ilang hakbang nang matamaan siya nito sa tagiliran, nang sipain siya nito matapos umikot nang hindi niya inaasahan. Pero hindi niya ipinakita ang pagkasurpresa niya at pinanatiling kalmado ang sarili, kahit deep inside ay hindi niya maiwasang mataranta. At kahit unti-unti na ring pinagpapawisan, patuloy lamang ang pag-atras-abante niya. Hanggang sa halos mamanhid na nang tuluyan ang kaniyang katawan.
Nang akmang magpapakawala ng upper punch ang instructor, nahinto ito mapatos sumigaw ni Senior Roju.
“That's enough!”
Halos mahigit naman ni Eren ang kaniyang paghinga, dahil kamuntik na siya roon! Pilit niyang nilabanan ang nararamdamang fatigue, at nang muli siyang humarap sa instructor na hanggang ngayon ay hindi niya alam ang pangalan, nakita niya ang malaking pagkadismaya sa mukha nito. She sighed with relief. Kung tinuloy nito iyon, sa malamang ay ilang araw niya ring iindahin ang magiging epekto ng suntok nito with no restraint!
“Well, I think, I've seen enough. You may start starting tomorrow. For now, you should make yourself familiar with the place and to your associates.” tila kumbinsido naman itong talagang may kakayahan siya, pero hindi ang taong naka-one on one niya. Humarap ito sa senior nang nakasimangot.
BINABASA MO ANG
EROS: Inside The Zombie Apocalypse Novel (On-going)
Science FictionSYNOPSIS: Na-engganyo si Eren na magbasa ng Zombie Apocalypse Novel, isa sa book collection ng kaniyang pinsan. Dala ng boredom pahapyaw niya lamang iyong binasa hanggang sa ending ng kuwento. Nainis siya sa naging ending dahil mabilis...