CHAPTER 2:

53 8 2
                                    

CHAPTER 2: Plans For The Upcoming Apocalypse

                INIPON at binilang ni Eren ang natirang savings ni Erena. Naisip niyang tumigil na sa pag-aaral para sa gagawin niyang paghahanda sa nalalabing oras bago ang simula ng apocalypse. Nakakamangha at nakakapanibago lang, dahil ang currency o salaping ginagamit sa mundong iyon ay gawa sa coins at points gamit ang card. Copper, silver, and gold coins. Ang halagang isang daang copper coins ay katumbas na ng sampong silver, at ang isang daang silver coins naman ay katumbas na ng limang gold coins. At kung may one hundred gold coins ka maipagpapalit mo na iyon sa one thousand points, at kung may one thousand gold coins ka man ay katumbas na iyon ng five hundred thousand points, and so on.

Hindi isang presidente o prime minister ang namamahala at nagpapatupad ng batas sa nasasakupan ng Country Floremnum, kundi isang Emperor at tinatawag na Claremont Empire ang Emperyong pinamumunuan nito na matatagpuan sa Central Capital of Regalia City. Nahahati sa pitong base o lugar ang Regalia, at naroon ngayon si Eren sa third base. Samantalang nasa walong probinsiya naman mayroon ang Country Floremnum, at ang Acadia Province ay isa lamang sa may pinakamaliit na kalupaan at populasyon. Gaya ng pito pang probinsiya, ang bawat bolder ng walong probinsiya ay napapalibutan na ng malawak na ilog at karagatan. At sa five countries na mayroon ang mundong iyon, ang Floremnum ang may pinakamalawak na kalupaan na pinapalibutan ng apat na bansa, kung saan pinamumunuan naman ng bawat kaharian.

Ang Apparel Palace, Belfort Palace, Claremont Empire, Delvin Palace at Emerald Palace, iyan ang pagkakasunod ng bawat nasasakupang bansa, at gaya ng mga pangalan nila, natatangi lang din sa bawat bansang ito ang mga bagay na naipagmamalaki nila. Isang fantasy at sci-fi ang nobelang napuntahan ni Eren, kaya hindi na kataka-taka pa kung bakit hindi lamang ang pagkakaroon ng supernatural powers ang mahiwaga, kundi pati na rin ang bawat bansang nabanggit. It's also a mix of fan fiction and mystery. Dahil saan ka nga ba makakabasa ng istoryang may halong apocalypse at fantasy? Dahil sa sobrang lawak at wild ng imagination ng Author kaya niya nabuo ang nobelang iyon.

Nagsimulang kumalat ang nasabing virus o sakit sa mismong Capital of Regalia City. At ang mismong anak ng Emperador ang unang dinapuan ng sakit na ito, at naging infected matapos dumalo sa isang banquet na ginanap sa Capital. Hindi malinaw kay Eren ang dahilan kung paano iyon nangyari, at ang tanging natatandaan lamang niya ay dahil sa rabbit soup na paboritong kainin ng crown prince. Mukhang ginawang isang test subject ang nasabing hayop, at kung paanong naging pagkain iyon ng crown prince ay hindi iyon alam ni Eren. Ang tanging natatandaan lamang niya ay may kinalaman ang research institute sa nasabing banquet, at hindi lamang ang crown prince ang naging unang biktima, pero dahil sa pagiging infected ng crown prince, kaya lang din kumalat ang naturang sakit. At kaya kumalat ang virus sa school nila Eren ng mga panahong 'yon, dahil sa isang professor na dumalo rin ng nasabing banquet, at siyang isa sa limang kataong nakakain ng rabbit soup na infected pala ng virus. Mabilis na nalaman ng nakatataas ang nangyari sa lima, at tanging tatlong katao lamang na na-infect ang nagawang pigilan ng mga ito, at agarang dinala sa laboratory para sa inspection and examination. Nahuli sila ng dating nang malamang may dalawang katao pang na-infect ng nasabing virus, kung saan kumalat na ito nang tuluyan at marami na ang naging biktima.

Kumuha ng ballpen at papel si Eren na ngayon ay si Erena na, at inilista ang mga kaganapang mangyayari pa lang sa future ayon na rin sa impormasyong naaalala niya. Ayaw niyang dumating ang time na kusa iyong maglalaho sa memorya niya kaya para mapaghandaan, kailangan niyang mag-isip at gumawa ng way na maiwasan ang death flag. And speaking of the flag. Naalala niya ang red flag o Red Fire Camp Base, na siyang sinabi ng male lead na si Eros kay Erena matapos nilang magkahiwalay ng landas. Ang team ni Eros na siyang sasagip sana sa dalaga ang isa sa namumuno ng Red Fire Team na siyang namamahala rin ng nasabing Base. Kung napaaga lamang ang pagliligtas ng Red Fire Team, siguro may pag-asa pang mailigtas ang grupo nila Erena. Napabuntong hininga siya. May laban ba siya sa ginawang plot twist ng mismong Author? Nailing siya sa naisip.

EROS: Inside The Zombie Apocalypse Novel (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon