CHAPTER 3: SPACE SYSTEM UNLOCK!
PAGKATAPOS maligo ni Eren, saka niya lang nadiskubre at naalala ang tungkol sa kuwintas na nasa leeg niya. Gawa iyon sa silver, at ang pendant ay gawa sa jade o ruby na kasing laki lamang ng kuko niya sa hinlalaki, na may hugis na teardrop. Hindi naman ganoon kaagaw pansin, maliban na lang kung tititigan at pagmamasdan mo talaga. Kumikinang iyon sa liwanag ng sikat ng araw, pero sa tingin niya, kung ibebenta niya iyon ay hindi naman ganoon kalaki ang magiging halaga niyon. Kaya kinalimutan niya ang unang naisip. Muli siyang humarap sa salamin nang nakahubo't hubad at pinagmasdan ang sariling katawan. Nagawa niya pang umikot sa harap ng salamin, and she felt satisfied sa katawang mayroon siya ngayon. Nasa tamang proportion at hubog naman iyon kahit medyo may kapayatan siya. At gaya nga lang sa dati niyang buhay, may pagka-flat chested din ang bago niyang katawan, pero alam niyang magbabago pa ang sukat niyon sa paglipas ng panahon dahil bata pa naman ang katawang iyon. Hinaplos niya ang mahaba at nakalugay niyang buhok. Naisip niyang paiksian din iyon, lalo na during the apocalypse, dahil magiging hassle lamang ang pagkakaroon ng mahabang buhok kapag kaharap mo na ang mga zombies. Bagama't mainam din ang pagkakaroon ng makapal at mahabang buhok during winter outbreak. Kaya siguro, saka na lang niya iyon ipapagupit kapag tag-init na. Namiss niya rin naman ang pagkakaroon ng mahabang buhok, dahil sa dati niyang buhay ay pinanatili niyang maiksi ang buhok. Hanggang beywang ang kasalukuyang haba ng buhok niya ngayon, kaya nagpasya siyang bawasan na lang iyon para maiwasan ang sobrang pagpapawis during training.
Ang unang plano ngayon ni Eren ay ang humanap ng mapagbibilhan ng weapons and ammunition. At may alam siyang mapagkukunan niyon nang ligtas. Dahil nabasa niya ang ilan sa pahina kung saan nakilala ni Erena ang mga survivors na naging kagrupo niya habang nasa Capital sila. May isang uncle ang isa sa survivors na napalapit sa kaniya na nagbebenta ng iba't ibang klase ng patalim sa isang downtown sa Capital, dahil isa itong blacksmith. Nasa tagong lugar nga lang iyon dahil walang authorization ang pagbebenta nito kahit legal naman ang pagbebenta niyon. Nagawang ipaalam ng kaibigan ni Erena ang tungkol sa uncle nito, dahil nang mga oras na iyon ay nangangailangan sila ng weapons pandepensa sa mga zombies. Nagkataon nga lang na nahuli sila ng dating sa nasabing shop dahil naunahan na sila ng iba pang survivors, at naging zombie na rin ang nasabing uncle ng kaibigan niya. At kung hindi lamang pamilyar ang kaibigan ni Erena sa shop ng uncle nito, hindi sana nila madidiskubre na may isang set pa itong nakatago sa mismong basement nito, na siyang nagamit naman nila para iligtas ang sarili. Ngunit dahil sa habulan at pakikipagpatayan sa mga nakakasalubong nilang mga zombies, hindi rin nagtagal ang hawak nilang mga armas, hanggang sa ang bilang na kinse katao sa isang grupo ay naging pito na lang, hanggang sa naging tatlo na lang sila sa huli. Subalit gustuhin niya mang bumili ng marami, hindi naman siya sigurado kung makakapag-ipon siya at madadala niya iyon sa tuwing lilipat siya ng lokasyon. Tila pinanghinaan ng loob ang dalaga sa naisip. Kung isa lamang sana siyang space type ability user, hindi niya na p-problemahin pa ang pag-iipon ng supplies. Wala sa loob na nahimas niya ang pendant ng suot na kuwintas. At habang ginagawa niya iyon, nakaramdam si Eren ng kakaibang enerhiyang nagmumula roon. Natigilan siya at napaisip, pagkuwa'y dali-dali niyang hinubad ang kuwintas at pinakatitigan iyon.
Hindi kaya... Sunod-sunod siyang napalunok.
Paano kung... Kumabog ng mabilis ang kaniyang dibdib at muling pinakiramdaman ang jade na nasa kuwintas. At totoo nga! Nararamdaman niyang may strong energy na nagmumula roon. Malamig iyon sa pakiramdam, at habang tumatagal ang pagkakasalat niya ay unti-unting nagiging kumportable ang pakiramdam niya. Nagmadali siyang naghanap ng patalim at sinugatan ang kamay. Kung hindi siya nagkakamali, maaaring katulad din iyon ng isa sa nobelang nabasa niya sa dati niyang buhay. At sa pamamagitan ng dugo ay mabubuksan din niya ang isang space. Hindi niya napigilang ma-excite, at patuloy din sa pagreregudon ang kaniyang puso. Sa isang iglap lang, bigla niya na lang naramdamang tila hinihigop siya ng current na nagmumula sa jade matapos niyang mapatakan ng sariling dugo ang pendant. Mariin siyang pumikit at naghintay.
BINABASA MO ANG
EROS: Inside The Zombie Apocalypse Novel (On-going)
Science FictionSYNOPSIS: Na-engganyo si Eren na magbasa ng Zombie Apocalypse Novel, isa sa book collection ng kaniyang pinsan. Dala ng boredom pahapyaw niya lamang iyong binasa hanggang sa ending ng kuwento. Nainis siya sa naging ending dahil mabilis...