Chapter 5

174 9 3
                                    

It's already six pm at tila parang wala pa kaming balak na magsiuwian ni Steff. Hindi ko rin alam kung bakit natutuwa akong kasama siya. Ibang iba ang aura niya ngayong kaharap niya ako bilang si Leo. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng guilt dahil sa pagsisinungaling ko sakanya but there's still a part of me that wants to keep going and not to tell her the truth yet.

Leo Sandoval.

Pangalan ko parin naman ang Leo galing sa second name kong Leonardo while ang Sandoval, apelyido ito ni Mom sakanyang pagkadalaga.

Hindi ko alam kung ito ba talaga ang totoo niyang ugali. Wala rin naman akong nararamdamang pagpapanggap galing sakanya. Saka ko nalang siguro aaminin sakanya ang totoo sa oras na makilala ko pa siya ng maigi. I want to see her real attitude and side personality every time she meets Leo and Matthew. I want to test her. Sounds creepy but this is the only way I know to get to know her better.

She's also the first woman who captured my interest. Naiintriga ako sa pagkatao niya sa di malamang dahilan. I guess she's the one I think I'm gonna marry and introduce to my family.

As other people have expressed, I haven't experienced anything unusual. I've never experienced love before, so I don't know how or when you can tell if you're in love to that person. Sa ngayon, natutuwa at pagkaroon lang talaga ng interest ang nakikita at nararamdamang ko ngayon kay Steff.

Is it possible to say that I like her?

But how can I identify my feelings? How can I know if I already love her? Because all I can think of right now is the feeling of being just interested in her. Does it mean that I like her?

I don't think so. Wala akong alam basta natutuwa lang akong makita ang side niyang ganito. I never thought ganito pala siya kagaan kasama lalo na kapag ganito siya kahinahon. Hindi ko inaasahan na may pagka hype din pala ang babaeng to. Nong nakaharap ko kasi siya as Matthew ay tila dragon kasi ito na may highblood. Laging salubong ang kilay at tila may galit sa mundo but now the only thing I see in her is that she is being true to herself. Wala akong nararamdamang boundaries hindi katulad nong isang araw na tila napapaso siya sakin at halatang lumalayo sa presensya ko. Siguro dahil sa naiilang siya nong unang beses ko siyang kinausap doon sa beach house lalo na rin at galit siya nong time at hindi naging maganda ang pangalawang beses na nagkita kaming dalawa sa anyo ko bilang si Matthew. Sinira ba naman ang kotche ko.

Napalingon ako sa deriksiyon kung saan kasalukuyan siyang bumibili nanaman ngayon ng ice cream doon sa isang stall na medyo malapit lang dito sa kinauupuan kong bench.

Nagtatanong ang mga mata kong napatitig sakanya nang lumingon siya sakin na nakangiting labas ang ngipin. Kumaway pa siya na animo'y pinapakita niya sakin ang nararamdaman niyang tuwa ngayon.

Sa huli, namalayan ko nalang ang sariling napatulalang napatitig nalamang sakanya habang naglalakad na siya ngayon papalapit sa kinaroroonan ko.

"Oh" nilahad pa niya sakin ang binili niyang chocolate ice cream na nasa cone. Kaya pala nagtanong siya sakin kanina kung anong gusto kong flavor ng ice cream. Bibilhan niya rin pala ako.

Nang tinanggap ko ito ay saka naman siya naupo sa tabi ko at abala sa pagkain ng strawberry ice cream niya.

Napaiwas ako ng tingin nang mapansin niyang napatitig na pala ako sakanya.

"Kainin mo yan, matutunaw yan"

"Thank you" tukoy ko pa sa binili niyang ice cream.

Napabuntong hininga siya sabay sandal sa bench. Napatingala pa siya sa madilim na ngayong kalangitan samantalang ako ay hindi ko nanaman napigilan ang sariling tumitig nanaman sakanya.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon