008

136 11 15
                                    


TW: Mentions of death, abuse, and rape.


"Aki, saan ka galing?"


Bungad sa akin ni Chiara pagpasok ko ng Hospital, basang basa sa sariling pawis. Paano, sobrang init sa labas! Tapos traffic pa, e, sira iyong air con nung na-book kong taxi! Kung alam ko lang, e, 'di sana tinakbo ko nalang itong Hospital. Mas sariwa pa 'yung hangin sa labas!



Naabutan ko siyang hinihintay ako sa garden ng Hospital, holding a cigarette on her right hand. Mukha pa nga siyang naaksidente dahil may pasa na naman siya sa gilid ng labi niya. Hay nako, she had gone wild na naman siguro sa bar kagabi.



"Sino ang kasama mo kagabi?" Tanong ko paglapit ko sa kanya habang pinupunasan ang pawis ko. She quickly threw her sigarilyo naman ng makalapit ako. "Mukha ka tuloy merong pangatlong utong sa kabilang labi mo."



Inirapan niya lang ako kaya hindi ko mapigilang hindi matawa. Totoo naman kasi, eh! Mukhang utong iyong pasa na nasa gilid ng labi niya! Natapat pa sa nunal niya.



"Sino hinahanap mo?" Curious na tanong sa akin ni Chiara ng nilibot ko ang mata ko sa Hospital kaya agad ko siyang sinimangutan nang hindi sinasagot ang tanong niya. "Ah... looking for your doctor, huh. Sana all."



"Asa siya..." Bulong ko pero sapat lang para marinig niya. "What time gising ni Athena?"



Tinitignan ko lang naman kung umaaligid na naman si Tricia, eh. Ilang days ko na siya iniiwasan sa tanong niya. Ewan ko ba. I'm still scared na kumilala at magmahal ng bago. It's super clear na gusto ako ni Tricia, and I don't know how to avoid it. Ano ba ang nagustuhan niya sa akin?



"Changing the topic I see..." She softly laughed. "I heard nagkasakit ka raw ng birthday mo and she's the one who took care of you? Grabe, haba ng hair ng beshy ko na yarn?"



"Napadaan lang siya sa unit ko no'n kaya nang maabutan niya akong may lagnat, siya ang nag alaga sa 'kin," pagpapalusot ko. "Inggit ka lang kasi hindi ka pinapansin ni Aidan, eh. 'Wag kang mag alala, Chi, the next time Aidan and I meet each other? Sabihin ko i-kama ka na."



"Tangina mo."



Inirapan niya ako at nilampasan ako, pikon. She's like this everytime na inaasar ko siya kay Aidan. Long time crush niya kasi 'yung kaibigan ng ka-kambal ko na 'yon. Maganda daw kasi ang katawan at genes kaya gustong magpa-lahi. Grabe iyong rason niya, 'no? Sayang nga lang dahil hindi siya type ni Aidan. Red flag daw kasi si Chiara dahil puro bar hopping and ayaw ni Aidan iyon, but I swear, Chiara is super nice. She's just being misunderstood by everyone because of her outer personality.



I know she's having a hard time too, and hindi niya lang pinapakita sa amin.

Walang KupasWhere stories live. Discover now