Chapter 6

147 8 1
                                    

Steff's POV

MATAPOS ang halos isang oras kong byahe ay nakaraos din ako sa wakas at nakarating dito sa isang resort na nagngangalang 'CostaBellia'. Syempre bilang isang dukhang tulad ko, hindi pa ako nakakapunta sa kahit anomang resort na pang 5 stars. Mukhang ipapasalamat ko pa iyon kay Matthew dahil siya ang dahilan kung bakit magkakaroon pa ako ng experience na makapasok sa ganitong Resort na halatang mga mayayaman lang din naman ang makakaafford.

At dahil sa likas akong curious nag browse pa ako tungkol sa resort na ito at hindi na ako dapat magtaka pa. Pagmamay-ari nga niya ang resort na to. Sanaol.

Hindi halata sa hitsura niyang may-ari siya ng resort na ganito kalawak at kaganda. Nang mahimasmasan ako sa labis na ganda dito ay nagpasya na akong pumaroon sa floor kung saan namamalagi ngayon ang lalaki. Hindi na ako nag-abala pang pumunta sa front desk, tinext na rin naman ni Matthew kung saang floor ang office niya. Nasa pinahuling floor daw nitong building 1.

Habang nasa loob ako ng elevator nag-iisip na ako ng mga bagay kung paano ako hihingi sakanya ng tawad at baka sakaling magbago ang isip niya at patawarin na ako sa naging atraso ko sakanyang kotche.

'Likas na scandalosa ka kasi Steff! Yan tuloy ang napala mo.'

Hanep! Pagkarating ko dito sa floor na sakop niya ang buong sulok ay hindi ko nanaman napigilan ang sariling mapanganga. Hindi ba siya nabuburyo dito? Ang lawak at laki nitong floor tapos walang katao-tao man lang.

Matapos kong ilibot ang paningin sa kabuuan ng floor na pinaglalagyan ng office niya ay agad narin akong pumaroon sa nag iisang pinto na halatang office niya.

Nawala sa utak ko ang kumatok at basta nalang binuksan ang pinto kaya naman ay nagulat din ako sa nagawa ko at huli ko nang ma-realized ang kawalang galang na ginawa ko.

Deritsong napunta ang paningin ko sa lalaking napatingala at napatingin sa deriksiyon ko. Napatigil siya sa pag scroll ng hawak niyang malaking tablet habang nagkalat pa ang nga papeles sa kanyang desk. Magulo ang buhok, mukhang inaantok at pagod pero umuusbong parin ang pagiging maganda niyang lalaki.

Bahagya pa siyang nagulat at natigilan ng makita ako.

"Ay sorry! Isisirado ko ulit" nagtaka siya sa sinabi ko at akma na sanang magsasalita kaso naisarado ko na ang pinto ng opisina niya.

Napahinga ako ng malalim at makalipas ang tatlong segundo ay kumatok ako ng pangatlong beses.

Mayamaya lang ay narinig ko ang boses niya mula sa loob.

"Seriously?" Tamad at hindi makapaniwala niyang sabi kaya naman ay nakangiti kong binuksan ang pinto at inayos ko pa talaga ang pagkakatayo ko na animo'y isang magalang at pormal na babae.

"Good Morning, Matthew, Ay! Sir Matthew pala" magalang kong bati sakanya nang makita at malaman ang posisyon niya sa resort na ito.

Ang reaksyon niya ay mukhang natatawa at nakaawang pa ang bibig na tila para bang hindi niya alam kung tatawa ba siya o mag seseryoso.

"Ah bago niyo po pala ako utusan gusto ko lang sanang humingi ng 'sorry" sayo doon sa nangyari, pasensya na PO talaga" giniit ko pa talaga ang salitang 'Po' para masaksak at matatak ko sa baga niya ang pagbibigay ko ng galang. Nahihiya pa akong napakamot sa batok ko "Kapag hindi ko na kasi makontrol ang emosyon ko ay kung ano-ano nalang ang nagagawa ko kaya sorry talaga sa ginawa kong, alam mo na. Doon sa kotche mo, naibuntong ko pa ang inis ko doon kaya sorry——

"Yeah I know, I accept your apology but still you need to cooperate with my de——

"Ay Oo naman! Maaasahan mo ako kahit anong ipag-uutos mo sakin, kaya kitang ipaglaba, kahit paglinisin mo pa ako, kaya rin kitang pag-silbihan, marunong din akong mamasahe basta wag mo lang akong pagbayarin doon sa nagawa ko, hindi ko kaya yon" hilaw pa akong napangiti na siyang ikinangiwi niya at napatango pa ng ilang beses.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon