CHAPTER 5

1 0 0
                                    




Iana's POV

Exam is done. Marami man ang nangyari pero hinahayaan ko nalang yun at kinakalimutan. Alam ko namang lahat tayo may pinagdadaanan sa buhay. Kapag may problema, nalalampasan din. Hindi na ako inasar nila Matilda kahapon kasi pagkatapos daw ng exam, nawala bigla si Matilda, balita daw na hospital daw ang Daddy niya kaya agad siya umalis at pinuntahan ang Daddy niya. Kaya ngayon, absent pa rin siya.

Pero kamusta na kaya ang Daddy ni Matilda? Kahit binubully niya ako, may concern pa rin ako sa Daddy niya noh. Sa daddy niya lang. Kasi naranasan ko din yan dati nung nalaman ko na nahospital din si Papa.

Absent din ngayon si Ivy, yung kaibigan ni Matilda. Ewan ko baka sinamahan ang kaibigan niya dun sa hospital. Magkaibigan nga talaga sila.

Sana nga meron din akong kaibigan dito. Okay na ako sa isa basta totoo at hindi masamang tao. Naiinggit lang kasi ako kapag nakakakita ako ng mga magkakaibigan na nag bobonding sa isa't isa, naiinggit ako. Parang gusto ko din ng ganun.

Hays kailan kaya.

Wala na kaming pasok mamayang hapon halfday lang kami ngayon. Nalalapit na din kasi ang U-week at lahat sila busy na sa pagpeprepare. Pero kailangan pa rin talaga namin bumalik dito sa school next week for attendance daw.

Ang mga events sa U-week ay may maraming booths na kung saan pwede kang pumili kung saan mo gusto like marriage booth, jail booth, arts and graphic booth, painting booth. etc. Meron ding carnival dito mismo sa loob ng school. Pwede kang sumakay sa ferris wheel, viking, at may palaro pa kung saan pwede ka manalo. Meron ding pa contest, pageants and maglalaro daw lahat ng athletes like Basketball, Volleyball, Football, Badminton, etc at marami pang iba.

Sobrang nakaka excite.

Wala na kaming pasok kaya naisipan ko munang pumunta sa mall kasi may iniutos sakin si Mama na dapat bilhin.

Pagkalabas ko ng school ay sumakay naman agad ako ng jeep papuntang mall. Pagkababa ko sa mall ay nagbayad naman agad ako kay Manong Driver atsaka bumaba na.

Pumasok naman agad ako sa mall at hinanap kung saan ang National Bookstore kasi may bibilhin ako at nakita ko naman agad yun at pumasok naman ako.

Nang mabili kona yun, agad naman akong lumabas ng NBS at dumeretso na agad ako sa Supermarket kasi may ipinabibili sakin si Mama. Ewan ko nga ba at bakit ang dami ng pinapabili niya sakin, sa haba ba naman ng listahan niya.

Pumasok naman agad ako sa Supermarket at nagsimula nang bumili kung ano ang una sa listahan ni Mama.

Una ay ang mga delatas. Kumuha naman agad ako ng mga delatas sa canned goods section, pagkatapos noon ay mantika, patis, suka at asukal. Pinapabili niya din sakin ang harina dahil may gagawin daw siya. Pagkatapos ay pumunta naman agad ako sa fruit section at kumuha ng mga mansanas na nasa styro na. Kumuha din ako ng grapes kasi paborito namin toh ni Sean. Pagkatapos ay pumunta naman ako sa fish and meat section para bumili ng lulutuin naming ulam mamaya. Pumunta naman agad ako sa mga section ng gatas at kape.

Nagutom naman agad ako ng makakita ako ng free taste. Free taste ng isang cookie na kaka release lang. Mukhang masarap.

Mahaba ang pila kaya pumila naman ako. Nang nalalapit na ako, nakita kong paubos na ang cookie na meron sila at magpapadeliver pa daw sila kaya matagal pa daw aabot.

Hays ano ba naman yan. Nakita kong dalawa nalang ang natirang cookie na hawak ng nagbabantay.

Parang hanggang sakin nalang ang huling cookie. Yung isang cookie kasi nakuha na ng nasa harapan ko kaya ako na susunod.

The Revenge of Rain MorganWhere stories live. Discover now