CHAPTER 9

3 0 0
                                    




Iana's POV

"Uy grabe naman itong mga pinamili mo sakin. Ang dami. Hindi ko naman kakailanganin lahat ng ito!" Sabi ko kay Amanda habang bitbit na bitbit ang mga paper bags na pinamili niya sakin.

May pinamili siya sa aking mga sapatos, damit, pagkain at may ibinigay pa siya sakin na necklace galing sa shop nila. Hindi ko pa nga sana tatanggapin kasi wala akong pambayad pero sabi niya libre nalang daw. Natuwa daw sakin ang Mommy niya kaya ibinigay nalang nila sakin. Sobrang ganda ng necklace, 2 hearts siya na magkadikit.

"Ano ka ba! Kakailanganin mo yan kung gusto mo, para maging maayos ka tignan lalo na ang pananamit mo."

"Grabe siya. Eh alam mo naman na hindi ako masyado mahilig sa mga ganto pero salamat nalang. Sana nga magamit ko ito soon." Sabi ko.

"Goods. Sayang kung ibabalik pa natin yan, nabayaran ko na yan eh!"

"Eh hindi ko naman sinabi na bibilhan mo ko ng ganito. Akala ko sasamahan lang kita mag shopping o di kaya akala ko ikaw ang may bibilhin, yun pala ako ang binilhan mo ng mga ganito."

"Eh marami na ako niyan sa bahay eh ganyan talaga ako sa mga kaibigan ko kaya wag ka nang maraming sinasabi diyan. Atsaka magagamit mo talaga yan dahil magiging tutor ka ni Yven dapat maging maayos din ang itsura mo." Sabagay oo nga no? Pero hindi ko naman kailangan na mag ayos pa eh maayos na rin naman ang mukha ko, nakita na rin naman ako ni Yven na ganito mataba pa rin at hindi nag aayos.

"Hays hindi ko na kailangan mag ayos para lang sa lalaking yun no! Tutor lang naman niya ako hindi ako katulad ng ibang babae diyan para lang mag ayos para sa kanya."

"Ikaw lang talaga ang kilala kong hindi pala ayos. Bahala ka, buhay mo yan eh."

"Grabe ka talaga." Sabi ko. Napansin ko na mag gagabi na ay agad naman akong nagpaalam kay Amanda. Tumango naman siya.

Lumabas naman agad ako ng mall at pumara na ng taxi. Mas mabuti pa mag tataxi nalang ako para mabilis at makauwi agad ako.

-----

"Oh bakit ang dami naman ng dala mo? Eh kakatapos mo lang namalengke kahapon ah?" Bungad na tanong sakin ni Mama nang makita ang mga hawak hawak kong paperbags.

"Pinamili ito ni Amanda para sa akin. Hindi ko nga alam kung kakailanganin ko ba lahat ng ito eh."

"Naku parang mayaman yang kaibigan mo ha? At ang mamahal nang mga gamit na pinamili niya para sayo."

"Naku sinabi niyo pa Ma, alam niyo ba na sila pala yung may ari ng Sandoval Jewelries, yung binibilhan niyo palagi na shop doon sa mall? Anak pala siya ng kinekwento niyong si Miss Aria Sandoval." Sabi ko.

"Ah talaga? Sayang nga matagal na akong hindi bumibili doon."

"Bakit ho Ma?" Tanong ko.

"Basta hayaan mona. Umakyat ka na muna sa kwarto mo at ako nalang bahala magligpit nito." Sabi sakin ni Mama at agad nalang akong umakyat sa kwarto ko para makapag pahinga. Agad namang niligpit ni Mama ang mga pinamili ko.

Habang nasa kwarto ako ay naalala ko na naman ang sinabi sakin ni Miss Enriquez kanina, nakalimutan kong sabihin kay Mama kung papayag ba siya o hindi. Bukas ko nalang sasabihin, napagod kasi ako sa pamamasyal namin ni Amanda.

Bigla nalang pumikit ang mga mata ko at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

------

"Goodmorning po" Bati ko sa kanila pagkababa ko ng hagdan galing sa kwarto ko.

"Good morning din anak oh bakit parang ang aga mo naman yatang nagising eh Sabado ngayon ha?" Tanong ni Mama habang nagluluto ng almusal.

The Revenge of Rain MorganWhere stories live. Discover now