Iana's POV"Ano ba naman yan! Anong oras na, tulog ka pa din? Gumising ka na ngang mataba ka!!!"
Bigla naman akong napabangon sa biglaang pagsigaw ni mama dito sa kwarto habang ginigising ako.
Ano ba naman yan? Ang sarap na nga ng panaginip ko, bigla ba naman akong gisingin? Si mama kasi eh! At kaaga aga, inasar na naman akong mataba.
Eh totoo naman eh mataba ako. Dahil sa katabaan ko, parang lumolobo na ako! Marami ngang nang aasar at lumalait sakin dahil sa katabaan ko. Pero hinahayaan ko lang sila nuh, sanay na rin ako. Kahit ano pa yung inaasar at tinatawag nila sakin, wala akong pakialam basta pagkain lang palagi ang nasa isip ko.
*blurp*
Ayan ka na naman, Iana eh! Pagkain na naman nasa isip mo, yan tuloy biglang kumulo ang tiyan mo!
Napaalis nalang agad ako sa kama habang kinusot kusot pa ang mga mata ko dahil kahit gusto ko pa talaga matulog pero may pasok ako at nagugutom ako.
Dahil sa nagugutom na ako, muntik ko nang makalimutan kunin ang cellphone ko. Saan na ba yun? Hinanap ko naman ang cellphone ko at agad ko naman iyon nakita sa ilalim ng kama ko.
Kukunin ko na sana ang cellphone ko nang biglang sumigaw si Mama galing sa baba.
"IANAAAAAAAAAAA!!!"
"Sandali lang po----- argh!!! Aray! Ang sakit!" Sigaw ko habang hawak ang ulo ko na nauntog.
At pambihira naman oh!!!! Nauntog pa ako! Ano ba naman yan? Bakit palagi nalang akong minamalas? Ang tanga mo talaga, Iana!
Pero bakit ba kasi napunta yung cellphone ko dun sa ilalim ng kama, aber? Pano napunta yun dun? Akalain mo nga naman, dahil siguro sa sobrang pagod ako kagabi, hindi ko na namalayan na nahulog na pala ang cellphone ko dun.
Hays hayaan mona.
"IKAW TALAGANG BATA KA! ANO BANG NANGYAYARI DIYAN HA?!" Pahabol na sigaw ni Mama.
"Wala po ma, nauntog lang hu ako!" Agad nalang ako bumaba dahil sobrang nagugutom na talaga ako.
-----
"Oh anyare sayo?" Tanong kaagad ni Sean nang mapansin niyang bumaba na ako habang hinahawakan ko pa rin ang nauntog kong ulo. Si Sean ang kapatid ko.
Ikaw kaya mauntog ng napakalakas, ang sakit kaya! Ang taba ko na nga, ang tanga ko pa!
"Wala to! Nauntog lang." Sabi ko at dumeretso agad sa lamesa para kumain.
"Ang tanga mo kasi, yan tuloy!" Asar niya sakin.
"Che! Kaaga-aga ha, wag mo kong bwesitin. Umalis ka na nga, ayokong makita ang pagmumukha mo." Sabi ko rin sakanya at bigla naman kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Paalis na kasi siya at may bitbit na bag. Bakit parang lagi nalang umaalis ng maaga yun? Mabuti na nga yon kaysa ma late sya dba?
"Mas ganun din ako! Atleast ako gwapo at payat, hindi katulad mo! Mama, alis na po ako baka mabatukan pa ako eh! Bye po!" Sabi niya at nagpaalam na kay Mama.
"Aba't babatukan talaga kita----- Huy! Bumalik ka dito!! Hayp yun ah!" Pahabol kong sigaw kay Sean nang bigla naman agad tumakbo at umalis palabas ng bahay.
Humanda siya sakin mamaya!!
"Hay naku kayong dalawa magkapatid talaga! Palagi nalang kayong nag aasaran" Sabi naman sakin ni Mama habang umupo na sa lamesa at sinabayan akong kumain.
YOU ARE READING
The Revenge of Rain Morgan
Ficção AdolescenteMeet Iana Amber Castillejo, a girl who wants to fulfill her dreams and wants to help her family. She is smart, kind and responsible. In despite of her good attitude, she is also weak and she is always bullied because of her looks. She does not want...