Chapter Four: Guardian Angel

5 1 0
                                    

G's POV:

Ang weirdo naman ng babaeng yun.

Baka nakonsensiya lang siguro. Akala siguro niya kasalanan nila ang nangyari kay lolo.

Nakokonsensiya rin pala ang mga tulad nila.

Eh bakit parang wala lang sa mga konsensiya nila ang traffic na dinaranas namin ngayon dahil sa pagrarally nila?

Nakita ko ang mga placard nila noong kumaripas akong tumakbo papunta kay lolo. Ang una kong reaksiyon ay murahin sila. Kung may isang bagay na makakabasag ng kalmadong disposisyon ng lolo ko ay mga aktibistang komunista yun katulad nila.

Pero wala na akong oras para magmura, lalo na noong nakita ko si lolong nakahandusay at nangangatal.

At hindi naman puwedeng basta-bastang aawayin ko lang siya sa ospital kasi ayaw ko rin gumawa ng iskandalo roon.

Isa pa, hindi ko naman maaaway ang isang taong may malasakit para sa lolo ko.

Kaya ko ngang maging kalmado sa harap ng nanay kong walang pakialam sa amin, sa ibang tao pang nagpakita ng kabutihan sa amin?

Lalo na kung cute na babaeng chinita, tisay, mataas, at naka wolf cut pa ang taong iyon.

Hindi, char lang. I ain't no simp... Pero cute talaga siya.

Halos masuka ako sa mga nakikita ko sa bintana. Kasing lawak ng karagatan ang mga nagproprotesta ng resulta ng eleksiyon. Sagana sa mga kabastusan at mga kademonyohan ng kaliwa ang mga placard at kung ano-ano pang mga kagamitang pang-rally na ibinabandera ng mga future members ng NPA.

Napagdesisyunan kong sagipin ang aking sarili mula sa kasuklam-suklam na tanawin gamit ang aking selpon nang nakita ko ang oras...

4:22 P.M. na! Back before five sabi ni Father.

"Kuya!" Tinapik ko ang konduktor ng bus "mga gaano pa po ito katagal?"

Kinibitan lang ako ng balikat ni kuya.

Baka di na ako aabot nito sa seminaryo.Hindi puwedeng ma-late. Strikto pa naman sila sa mga penalties pagdating sa pagiging late.

"Kuya, puwede bang bumaba?" Tanong ko sa kaniya. Bago pa siya makatango ay kinuha ko na ang aking sako bag at tumakbo pababa ng bus.

Agad na sinalubong ako ng ingay ng mga rallyistang nagsisigawan ng kung anong mga kabastusan sa mga pulis na bumabantay sa rally.

Kinailangan kong lumusot sa makapal na madla ng mga rallyista. Sa aking pagdaan pa lamang sa kanila, ramdam ko na ang kanilang makasalanang diwang kumukuskos sa akin.

Kailangan kong maligo sa Holy Water pagkatapos nito.

Nung nakaabot ako sa pusod ng madla, isang putok na parang baril ang aking narinig. Sumunod dito ang pagkaripas ng takbo ng mga rallyista.

Nabitawan ko ang aking sako bag sa pagkabigla, dahilan upang pagyurak-yurakan ito ng mga rallyista sa stampede na nangyari. Yumuko ako upang pulutin ito, dahilan upang matumba ako ng mga nagtatakbuhang mga tao.

Tila mga hayop silang walang pakialam nang kanila akong pinagtapaktapakan. Naramdaman ko ang matindig sakit sa aking tagiliran, saking dibdib, sa aking tiyan, at sa ibat-ibang parte ng aking katawan na kanilang pinagtapaktapakan. Isa o dalawang beses ay natalisuran ako. Ramdam kong tumulo mula sa aking ilong ang malapot at mainit na likido.

Sinubukan kong sumigaw ngunit nalunod ang aking boses sa stampede. Sinubukan kong sumigaw ng isa pang beses ngunit hindi na makaya ng aking lalamunan.

Nandilim ang aking mga paningin at naramdaman ko ang mundong unti-unting nawawala. Kahit ang mga tadyak at sipa ng mga nagtatakbuhan sa stampede ay hindi ko na maramdaman.

Tapos bigla akong tumayo. Hindi, mali. May nagpatayo sa akin.

"Let's go!" Rinig kong sigaw ng isang boses na parehong estranghero at pamilyar.

Pinilit ng mga binti kong makipagsabayan sa estrangherong humihila sa akin. Ilang beses akong nabangga sa nagpapatuloy na stampede bago ako nakalabas dito.

"Salamat" naghihingal kong bati sa aking Angel de la Guardia.

"You!?" sigaw ng pamilyar na estranghero.

Tila kalahating walang malay ako noong pinatayo ako at ginabayan ng anghel palabas ng stampede kung kaya't hindi ko gaano namasdan ng husto ang kaniyang mukha. Pero noong nagisnan ko na siya ng mabuti para sana magpasalamat...

"Ay demonyo!"

"Excuse me?"

Chinitang naka wolf cut, tisay, mataas at cute...

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kahit na alam ko na ang sagot dito.

Hindi niya ako sinagot. Tinalikuran niya lang ako at lumakad paalis.

May sasabihin pa sana ako sa kaniya ngunit biglang bumalik ang kahinaan ng aking mga binti at ako'y bumagsak.

"Shit!" Narinig ko siyang nagmura. Mga komunista nga naman... Mga bastos nga talaga.

Naramdaman kong may umangat sa akin.

"Jesus! You're so small but so heavy!"

Nahihilo pa ako tapos parang dudugo pa ang ilong ko sa kaka-English nito.

"You're my guardian angel" bigla kong sinabi na para bang lasing.

Pina-upo niya ako sa isang motorsiklo bago angkasin ito.

"I should take you to the hospital"

"No, no, no hospital" pagkakamatis ko "seminary"

"What?"

"Seminary" ulit ko.

"Hoy! Gago! Motor ko yan!" Rinig kong sigaw ng isang lalake mula sa malayo.

"Hold on tight!" Sigaw naman sa akin ng demonya kong anghel. Sinunod ko siya na parang nanay ko.

Nanay ko...

"Nay, balang araw, ipagmamaneho ko kayo sa motorsiklo ko!"

Nilunod ng dagundong ng motorsiklo ang aking kaisipan. Hinigpitan ko pa ang pagkapit sa baywang ng aking taga-sagip. Naramdaman kong nangaligkig ang kaniyang katawan pero siguro dahil kakaandar pa lamang ng motor.

Hindi niya pinatakbo ang motor... Pinalipad niya ito.

Hinigpitan ko ng husto ang kapit sa kaniyang baywang. Di ko akalain na mamatay pala ako kasama ang isang erehe.

"Stop it! I can't breath!" Sigaw niya. Niluwagan ko ang hawak ko sa kaniya.

Bigla siyang pumreno. Muntik lang akong bumunsod mula sa motorsiklo. Naramdaman ko ang kinain kong almusal na umapaw sa aking lalamunan. Nilunok ko ito.

"This you?" Tanong niya sa akin. Hilong-hilo pa rin ako mula sa kaniyang pagmomotor. Parang jelly ace ang aking mga binti.

"Hey!" Tinapik niya ako sa balikat. Para nga siyang anghel lalo na kung sa malapit. Kita sa kaniyang mga mata ang inis, pero sa likod nito nakatago ang malalim na kapighatian. Ang makapal niyang labi ay kasing pula ng mansanas. Ang kaniyang mga pisngi ay mas rosas pa sa rosas. Parang mga kurtina ang bangs ng kaniyang buhok na nagtatago ng banal at marikit niyang kaluluwa.

"Is this your place?" Tanong niya muli, halatang naiirita.

Pinagmasdan ko ang aking paligid. Nasa harap na kami ng seminaryo. Tumango ako.

Humarurot siya paalis. Sa sobrang bilis ng kaniyang pagpapatakbo ay di ko man lamang siya napasalamatan.

"Anak, kung natatakot ka, tandaan mo lang palagi ang panalangin na ito ha? Angel of God..."

Agad kong binura sa isip ko ang alaalang kasing pait ng ampalaya. 4:59 na noong nakapasok ako sa seminaryo. Naka buzzer beater ako ah!

"Anong nangyari sayo?" Tanong sa akin ni Father Joms noong nagkita kami sa entrance hall ng seminaryo "at asan ang mga dala mo?"

Hala... Ang sako bag ko!!!

Left with the Right ChoiceWhere stories live. Discover now