CHAPTER ONE
Nylah’s POV
“Are you sure about this?” Basa ko sa mga salitang unang lumabas sa laptop ngayon ng kaibigan kong si Kallysta.
Kabadong nagkatinginan kaming dalawa. Pagka-pindot kasi niya sa isang link for enrollment ay ito agad ang bumungad sa amin. Ano’ng meron dito?
“Bakit may pa-question na gan’to?” tanong niya sa akin na ngayo’y nakatingin na muli sa laptop niya.
“’Di ko alam, Kal,” naguguluhan kong sagot.
Ang weird naman.
“Teka, sigurado ka ba na ito na ang totoong link? Baka mamaya ay mali ka na naman,” paninigurado ko dahil baka nagsasayang na naman kami ng oras.
Nahirapan siyang hanapin ang link na ito kanina pa. Ewan ba at ngayon lang niya nakita. Pero ito na nga ba talaga?
“Hindi ako sure, Nylah, pero hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan,” aniya at ngumiti sa akin.
That smile. ’Ayan na naman ang ngiti niya na mukhang walang makapipigil sa binabalak.
Napailing na lang ako.
Tiningnan namin nang mabuti ang nakapaskil na mga salita sa kaniyang laptop. Sa baba ng ‘Are you sure about this?’ ay nakalagay ang aming puwedeng pagpilian na sagot: Yes or No
Eh, sure nga ba kami?
“Ano, mag-yes na ba tayo?” tanong ko.
Walang napasok na ideya sa utak ko kung bakit may ganitong lumabas na tanong.
“Oo, para malaman na natin kasunod ng tanong na ito,” pagsang-ayon nito.
Kunsabagay, she’s right. Kapag hindi mo sinubukan hindi mo malalaman ang kasunod. Hindi namin malalaman kung ito ba talaga ang link na hinahanap namin, kaya why not?
Clinick na ni Kallysta ang ‘Yes’.
Mga ilang minuto ang lumipas bago lumabas ang isang pahayag para sa enrollment. So, tama na kami? Ito na nga iyon?
“Oh, my gosh, Nylah, nahanap na natin!” she exclaimed. Nakipag-apir pa siya sa akin sa tuwa.
Napangiti rin ako sa sayang naramdaman. Finally!
Nang makabawi ay binalik agad namin ang atensyon sa ginagawa.
“Welcome to Dyonisus High!----Hala, this is it, gosh!” Apat na salita pa lamang ang nababasa niya, pero tila kinikilig na at nakuha pa nitong yugyugin ang balikat ko. OA nito.
“Ano ka ba? Para kang baliw d’yan. Ako na nga.” Nagpresinta na ako na ang magbabasa lahat. Sa lagay ng katabi ko ay baka masapak ko pa ito ng ilang beses kapag siya ang magtuloy bumasa.
“WELCOME TO DYONISUS HIGH!
The school for ugly students. A place where dreams become a reality. We are currently seeking FOUR STUDENTS to enroll in our school, and we will only accept those who meet our criteria of being unattractive. YOU MUST BE UGLY.Only four lucky students will be selected for enrollment this year. However, please stay tuned for any future openings. Yes, we are only accepting a limited number of students, so we encourage you to act quickly!
The best part? Education at Dyonisus High is ABSOLUTELY FREE! All of our services are free, so please feel free to take advantage of our offerings.
If you are an ugly student who wishes to attend our school, please provide us with your photo, name, age, and address to the next page.
Remember, only four spots are available, so make sure to submit your details promptly.”
YOU ARE READING
Wanted Ugly Students
Teen FictionA school full of ugly students, there's a mystery waiting to be uncovered. Ang tanging gusto ni Nylah Braganza ay makapagtapos ng pag-aaral. Pero ang kasalukuyang estado ng kaniyang buhay ay alam niyang hindi basta matutustusan ng kaniyang mga magu...