CHAPTER II

124 42 2
                                    

CHAPTER TWO



After two days

I received a text message from an unknown number.

Kaagad kong kinuha ang hindi kamahalang cellphone na meron ako at binasa ang mensahe.

Congratulations! Ms. Nylah Vleigh Braganza, you are one of the four lucky students who were chosen to attend Dyonisus High. We are thrilled to have you as part of our school, so please take this rare opportunity. Once again, congrats and have a good day.
From: unknown number

Nanlalaki ang mga mata ko sa aking nabasa. Totoo ba ito? Isa raw ako sa napili?

Ilang beses ko iyong inulit-ulit basahin sa isipan, pero pangalan ko talaga ang nakalagay. Hindi naman siguro 'yon na-wrong send?

Ano'ng himala ang dumikit sa akin at isa ako sa napili?

Hindi na ako nagsayang ng oras pa. Nagmadali akong magpaalam kina Mama at Papa upang pumunta kay Kallysta. Kailangan niyang malaman ang tungkol dito, at malaman ko kung nakatanggap din ba siya ng ganito.

Bike lang ang ginamit ko para makapunta sa kan'ya. Hindi naman kalayuan ang bahay nila sa amin kaya naisipan kung mag-bike na lang. Mapapatagal pa kasi kung sakaling lalakarin ko ang daan patungo sa kanila.

Mabilis kong naipreno ang pagpapatakbo ng bisekleta nang makasalubong ko ang humahangos na si Radzee. Ano'ng ginagawa niya rito?

"Mag-ingat ka naman," sita ko. Kung 'di ko naitigil ang bike ay marahil natamaan ko na siya niyon.

"P-Pasensiya na, kailangan ko kasi makausap si Kallysta."

Sa pagbanggit nito sa pangalan ng bestfriend ko ay doon ko lang naalala ang pakay ko.

"Ganoon din ako," sabi ko.

Si Kallysta na mismo ang nagbukas ng gate para sa amin. Naiinis pa ang anyo nito nang makita kaming dalawa. Makailang ulit kasi kaming todo pindot sa doorbell nila.

"What's happening? Bakit nagpunta kayo dito?" agad na tanong niya matapos umupo.

"Naka-received ako ng message from unknown number kanina," sambit nitong lalaking katabi ko.

Napalingon ako bigla sa kaniya. "Ikaw din?" sabay na tanong namin ni Kallysta.

What?! Si Kallysta rin? Natanggap ba kaming tatlo?

Ipinakita ko sa kanila ang mensaheng pinadala sa akin kanina ng isang hindi kilalang numero. Ganoon na lang ang tuwa ng kaibigan ko sa nabasa niya. Nakita ko rin ang sa kanila at magkakatugma lamang. We received a same message from that school.

Sa tuwa ay napayakap pa sa akin itong si Kal.

"Tanggap ako. Napili tayo!" bulalas niya.

Masaya kaming tatlo dahil napili nila kami. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isa ako sa mapipili. Ganoon ba ako kapanget kaya napili nila ako?

Sa lahat ba ng estudyanteng nag-enroll ay nataob naming tatlo ang mga hitsura nila? Matindi, ah.

Nang pare-pareho na kaming nakabawi ay nagpalitan kami ng kaniya-kan'yang mga tanong dahil sa kuryusidad na bumalot sa amin.

"Tatlo na tayo, sino ang natitira pang isa?" tanong ni Radzee.

Napaisip tuloy ako kung sino nga ba? Tutal, ayon sa paaralang iyon ay apat na lang ang p'wede nilang tanggaping makapasok sa Dyonisus High at 'di na iyon lalagpas pa.

"Sino nga kaya ang pang-apat?" ani Kallysta.

Handa na akong magsalita nang sabay-sabay na tumunog ang phone naming tatlo.

Wanted Ugly Students Where stories live. Discover now