CHAPTER IV.5

88 35 0
                                    

CHAPTER 4.5 (Continuation)




Tumayo ako. Nagpasya kasi akong ibalik na ang libro na ’di ko naman mas’yadong nabasa. Nasa unang palapag ako. Pumunta ako sa dulong bahagi sa kanan ng aklatan na ito dahil doon ko ito kinuha.

Matapos ibalik sa lalagyan ay pinasada ko ang tingin sa iba pang mga libro na nandito. Pero naisip kong bumaba sa pangalawang palapag ng malaking library na ito. Doon na lang ako pipili.

Pansin ko ’agad na mas marami ang estudyante sa taas kaysa rito sa baba. Mga old books, naglalakihang picture frames sa pader, at mga may kalumaang albums ang matatagpuan dito. Mas tahimik at medyo iba na ang pakiramdam ng lugar pagdating dito sa ikalawang palapag.

Abala ako sa paghahanap ng babasahin nang sumagi sa aking isipan ang bagay na napulot ko kanina bago kami magpunta ni Kallysta sa first class namin. Inilabas ko ang panyo ko dahil inipit ko sa loob niyon ang black ID card na hindi ko pagmamay-ari. Kanino ba ito?

Sino ba si Number 255? Hinahanap na niya siguro ito.

Napalingon ako bigla.

May kakaiba akong nararamdaman. Sinuri ko nang maigi ang paligid. Pakiramdam ko kasi ay kanina pa parang may nagmamasid na mga mata sa galaw ko.

Dagli kong itinago muli ang hawak ko. Humugot ako ng malalim na hininga. I convinced myself that it was nothing and resumed my search for another book to read.

Pagkaraan ng ilang saglit ay narinig ko ang isang baritonong boses sa kaliwang hangganan ng estanteng ito.

“Siya ba iyon?” Rinig kong sabi ng taong iyon at napalingon ako sa direksyon niya.

Ako ba ang kausap niya?

Bigla namang may nagsalita rin sa kanang dulo, “Oo, ikaw na ang bahala,” sagot nito na bigla na lang umalis.

Naiwan tuloy ang kausap niya pati ako. Napatingin ako ulit do’n sa lalaki na unti-unti na pa lang lumalapit sa kinaroroonan ko. Sa akin nga ba?

Ang tangkad niya at brusko ang pangangatawan. Kung kakaiba ang aura na binibigay ng school na ito, ganoon din siya.

Medyo mapaglaro ang ipinukol na tingin nito sa akin.

“A straight but not so perfect hair. A face with pimples and glasses that suit your eyes. Unfashionable trashy-clothes are just missing on you. You’re really belong here, woman.” Sinasabi niya sa akin ang mga salitang iyon habang papalapit.

It’s obvious that he’s referring to me. Ako lang naman kasi ang nandito.

Kumunot-noo ako, handa na sanang magsalita at pagsabihan ito nang bigla niya na lamang haklitin ang braso ko. His grip was so tight, it felt like he could break my arm.

“But who do you think you are, huh?! ’Akina ang number? Ibigay mo sa ’kin kung ayaw mong baliin ko ang brasong ’to,” banta nito na lumipat saglit ang tingin sa braso kong nakakaawang tingnan. Masakit na.

“A-Aray, bitiwan mo ako,” apila ko dahil nasasaktan na ako. Sino ba siya para gawin sa akin ito?

Dahil sa lapit niya sa akin ngayon ay nasuri ko ang mukha niya. His hair was black with blue highlights. Hindi ka kaagad makakapanglaban dahil sa maskuladong katawan niya. Kulay asul ang kaliwang mata at may pagka-brown ang sa kanan. Oo, magkaiba ang kulay ng mga mata niya subalit pareho lang na masama ang tingin ng dalawang pares ng matang iyon sa akin.

His right hand, which held my arm tightly, was covered in different kinds of tattoos. On his neck, there’s a tattoo written in baybayin letters. Hindi ko alam kung ano ang meaning n’on.

Wanted Ugly Students Where stories live. Discover now