5

43 1 1
                                    

"Dahlia!"

Napatingin ako sa may sumigaw sa akin habang nag-aayos ng gamit. Kakatapos lang namin mag-practice ng cheering at pagod na pagod akong napahiga sa may damuhan. Sina Jasmine at Hazel ay ganun din.

Pagmulat ng mata ko ay nakita ko sina Vice president at Secretary. Tumatakbo sila papunta sa kinaroroonan ko habang tinatawag ang pangalan ko. Kumunot ang noo ko dahil doon.

"Dahlia, pwede favor? Pa-help naman kami, please?" Halos makiusap na si Secretary.

"W-Why?" tanong ko habang naghahabol ako ng hininga. Pagod na pagod ako sa practice. Halos ayaw ko ng kumilos tapos hihingi pa sila ng favor?

"Naghahanap kasi kami ng magiging presentative sa darating na nutrition months kaso wala kaming mahanap. Kanina pa namin iyan iniisip kaso wala talaga kaming makitang pwede. Tutal ikaw ay may alam sa mga standard ng magiging possible na model, 'di ba? Kaya pa-help kaming maghanap, please?"

Oo nga pala magju-july na. Kaya magnu-nutrition month na naman. Bawat grade level ay kailangan kailangan may representative. Kaya nagkakaroon ng problema kapag ganito dahil maraming sumasali ay mahirap maghanap ng pwedeng maging qualified.

"P-Pwedeng mamaya na lang? Magpapahinga lang ako saglit," saad ko at muling hihiga pa sana sa may damuhan ng nagulat ako ng bigla akong hinila nila Vice President at ni Secretary patayo kaya nanlaki ang mata ko.

Pota!

"Hindi pwedeng mamaya, Ms. Muse," saad nila at hinigit ako.

"L-Lah, t-teka lang. 'Yung gamit ko," saad ko at pumalag pero hindi nila ako binitiwan. "W-Wait a minute! I will go with you two but I will take my stuff for a while."

Nakahinga ako ng maluwag ng bitiwan nila ako para kunin ang bag ko. Pagkakuha ko ng gamit ko ay hinila na nila ako kaagad. Hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataong magpaalam sa mga kaibigan ko.

'Tsaka lang ako binitawan ng dalawa ng nakapasok na kami sa auditorium. Halos lumuwa ang mata ko ng makitang ang daming babae. Napaawang ang labi ko. Anong meron at ang daming babae dito?

"B-Bakit ang dami nila?" naguguluhan kong tanong.

"A-Ano kasi. May special guest daw na darating sa nutrition months kaya ng nalaman ng mga babae ay nagsitakbo sila dito sa auditorium at pumunta sila dito para mag-volunteer na maging representative," si Secretary ang sumagot sa tanong ko.

"A-Ano? S-Special guest?" ulit ko sa sinabi nila.

"Oo, tatlong lalaki ang pupunta mula sa iba't ibang university," saad ni Earl si Vice president.

Dahil sa sinabi ni Earl ay para akong na-excite dahil doon. Sali na din maya ako? Apply din ako. Pero mga gwapo kaya iyon? Mamaya ay mas gwapo pa si President kaysa sa mga guest. Iba't ibang University daw, eh. Ano kayang University ang pupunta dito?

"What Universities are going here?" tanong ko muli.

"Little Star University, Saint Mary Heart University, at Hellviore Stone High University," saad ni Cielo. Siya ang Secretary ng SSG.

Wow! Mga bigatin ang University na iyon, ah?

Alam ko ang mga University na Little Star University at Saint Mary Heart University pwera lang ang Hellviore Stone High University. Medyo hindi sa akin pamilyar pero alam kong mga mayayaman ang nag-aaral doon. Pero ang dalawang binanggit ni Cielo ay alam ko ‘yun dahil doon nag-aaral ang dalawa kong pinsan. Si Kyōdai Karl at si Kyōdai Kalix pero ang tawag ko sa kanila ay Kyōdai means my Kuya.

Her Naughty WaysWhere stories live. Discover now