6

36 0 0
                                    

Kamot ulo akong napabusangot. Ano bang nagawa ko at parang pinaparusan ako ngayong araw? Nakakainis! Gusto kong magpahinga pero dahil sa role ko ayaw akong pagpahingain.

Kung hindi lang ako kabilang sa SSG Council ay iisipin kong parusa sa akin ito ni President dahil sa ginawa kong kalokohan. Pero wala naman akong ginawang kalokohan.

Kinapa ko ang panyo ko sa bulsa ng palda ko. Doon ko kasi nilagay iyon bago ako umalis ng bahay. Kakatapos ko lang ng practice sa may cheering namin tapos pinatawag ako kaagad ni President para daw mag-ayos ng design sa stage. 

Hindi man lang ako pinahinga kahit saglit lang, hōrīfakku! Mga wala silang awa!

“Ayos ka lang?” tanong sa akin ni Xenon. Isa sa mga varsity player ng basketball ng University namin sa senior high school. 

“Ano sa tingin mo?” mataray kong tanong dito.

Kita na ngang hindi tapos magtatanong pa kung sapakin ko kaya ito? Halata namang nang-aasar, eh. Tumutulong din ‘yung varsity players namin para magbuhat ng mga kagamitan para sa stage at kaming mga babae sa may SSG Council ay ang nagde-design o nag-aayos ng stage.

Medyo malayo pa naman ang nutrition month pero hindi ko alam kung bakit nag-aayos na kami agad.

“Gusto mo?” Pang-aalok pa ni Xenon ng malamig na juice.

Bigla akong napangiti dahil doon. Yes! Malamig! Kanina ko pang gustong uminom na kahit anong malamig para matanggal lang kahit papaano ang uhaw na nararamdaman ko. Hulog ng langit yata itong Xenon na ito.

“OMG?! Ibibigay mo talaga iyan sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ko at tumango naman siya.

“Yes, mukha kasing uhaw na uhaw ka na,” saad niya.

“Wahhh! Naku, maraming-maraming salamat. Kanina pa kasi ako nauuhaw. Isa kang hulog ng Diyos na sana ay kunin ka na ngayon di—” Nabitin sa ere ang sasabihin ko ng may humablot sa kamay ni Xenon ng juice. Nawala din ang ngiti sa aking labi dahil doon.

Tinignan ko ng masama ang talimpadas na kumuha ng juice na dapat ay para sa akin. Sa sobrang sama ng tingin ko ay kaya ng makapatay ng tao. Kuso! Hindi lang kinuha dahil ininuman pa niya!

Magnanakaw!

“Dude?”

“P-Pres?"

Parehas pa naming sambit ni Xenon ng tinignan naming pareho ang kumuha ng juice para sa akin. Si Pres ang uminom no’n at parang balewala lang sa kanya ang tingin namin ni Xenon dahil dire-diretso niyang ininom iyon at wala man lang tinira sa laman ng bote.

“Kuya, bakit mo ininom?” takang tanong ni Xenon.

Pinagtaasan naman niya ng kilay si Xenon. Oo, nga pala. Magkapatid silang dalawa. O mas dapat kong sabihin ay magkakambal sila. O triplets. Dahil si Xenon, Xiomar, at si Pres ay magkakapatid.

“Because I’m thirsty,” sagot nito sa tanong ng kapatid niya. ‘Tsaka binigay sa akin ang boteng wala ng laman.

Ano namang gagawin ko dito sa walang laman? Itatabi ko? Bakit pa niya ibibigay sa akin? Eh, wala na ngang laman. Kinagat ko ang aking labi at napangisi dahil may pumasok na namang ideya sa utak ko. Pwede ko naman siguro ito i-keep, 'di ba? Dahil ininuman niya ang boteng ito.

“Ahm…ikukuha na lang kita ng panibago, Xy,” saad ni Xenon.


“S-Sige—” Hindi na naman natapos ang sasabihin ko ng sumingit si Pres.

Her Naughty WaysWhere stories live. Discover now