9

59 1 1
                                    

Naaantok akong tumingin sa may alarm clock ko. OMG! 1:30 AM na ng umaga pero heto pa rin ako at gising pa rin. Abala kasi ako sa pagtapos ng General Mathematics namin.

Nangangalahati pa lang ako dito pero sumasakit na ang ulo ko. Kahit kailan talaga ay hindi ako magaling sa math-math na ito, eh. Pero wala naman kasi akong pagpipilian na ibang strand kundi ang tahakin ang STEM Strand.

Para hindi na ako gaano mahirapan kapag magna-nurse na ako. Hindi ko pa nga lang alam kung anong klase ng nurse ang kukunin ko kapag nag-college ako. Medyo undecided pa ako d'yan.

Pero may naiisip na akong kukunin hindi pa lang ako sure. Kung iyon na ba talaga o hindi. Kasi parang gusto kong mag-travel nurse tapos gusto ko ding maging mag-nurse midwife tapos perioperative nurse at tapos cardiac nurse.

Bale apat ang pinagpipilian ko. Ang kaso…hindi ako makapili dahil lahat ay gusto ko. Lahat ay napupusuan ko. Lahat ng iyon ay gusto kong maging pero baka kasi kapag pinilit ko ay hindi ko kayanin kapag pinagpilitan kong maging apat ang kursong aaralin ko. Kailangan kong mamili ng isa.

'Yung talagang gustong-gusto ko. Pero kung ako ang tatanungin ay si Pres ang gusto ko. Char! Bukod sa gusto ko si Pres ay gusto ko ding maging nurse. STEM Strand din si Pres pero hindi ko alam kung anong kukunin niya sa college.

Bahala na nga kung anong kukunin ko kapag college ako. May mahigit isang taon pa naman ako para makapag-isip ng kukunin ko. Si Kyōdai Dashiell ay isa siyang head manager sa ibang bansa. Si Kyōdai Deshawn kasi ay isang journalist.

Si Kyōdai Dempsey naman ay isa na siyang piloto ngayon. Kaya nakakalibre ako minsan ng ticket kapag nagpupunta kami nina Okāsan sa ibang bansa kung saan si Kyōdai nakadistino.

Si Kyōdai Delmar naman ay seaman. Seamanloloko, chariz! Kahit ganyan ang Kyōdai ko ay love na love ko iyan kahit lagi nila akong inaasar. Sinasama ako ni Kyōdai minsan sa barko kapag free time ko kaya nakakagala din ako kasama siya.

Si Kyōdai Darby naman ay engineer siya. 'Di ba? Lahat sila may mga work na kaya sobrang ini-spoiled nila ako. Lahat ng gusto ko ay binibigay nila. Ang swerte ko kasi ako ang naging bunso.

Lahat sila may mga work na. Natupad na ang pangarap. Ako naman? Ang gulo pa ng buhay ko at malandi din. Ganito lang ako pero gusto ko talaga maging nurse.

Bumaba ako para kumuha ng makakain ko. Nagugutom ako at inaantok na rin pero hindi ko pa tapos ang assignments ko. First sem pa lang namin pero parang hindi ko na yata kaya. Paano pa kaya kapag second sem na? Baka mapunta na ako sa mental hospital nito bago ako makapagtapos ng pag-aaral.

Bakit kasi ang hirap mag-aral? Ang hirap na ngang makuha ni Pres tapos dumagdag pa ang mga subject na masakit sa ulo ko.

"On'na no akachan?"

Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Kyōdai Darby. Nanlaki ang mata ko ng lumabas siya sa may isang madilim na sulok habang may hawak na tasa. Fakku! Akala ko kung sino.

"K-Kyōdai? A-Anong ginagawa mo d'yan?" tanong ko habang nakahawak sa may dibdib ko.

"Nagkakape?" patanong na sagot niya.

"Bakit ba kasi nanggugulat ka? At bakit kasi nandyan ka sa madilim?" tanong ko at lumapit sa nay switch ng ilaw para buhayin iyon.

Madilim na kasi ang buong bahay at ang tanging nagsisilbing liwanag ay ang buwan na nagmumula sa labas.

"Tinatamad kasi akong buhayin ang ilaw," sagot ni Kyōdai Darby.

Napangiwi na lang ako at napailing. Ang weird ni Kyōdai Darby. Sa aming anim ay siya ang mahilig sa dilim. Ewan ko ba kung bakit. Siguro hindi pa niya nakikita ang babaeng  magpapakulay sa kanyang madilim na mundo. Kaya siguro wala pang girlfriend dahil nawi-weird-dan sila sa Kyōdai Darby ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Naughty WaysWhere stories live. Discover now