Chapter 7

128 9 4
                                    


Nanlaki bigla ang mga mata ko at naging estatwa nalamang ako bigla. Napakurap ako ng ilang beses at biglang tumibok ng malakas at mabilis ang kaninang mahinahon kong puso. Unang beses nangyari to sakin at hindi ko alam kung dapat na ba akong magpacheck-up dahil hindi na normal ang pagtibok ng dibdib ko dahil sa sinabi niya.

Akmang magsasalita na sana ako kaso—

"Bang!"

Napaawang ang bibig ko nang kunwari niya akong binaril sa aking noo gamit ang kanan niyang kamay na tila ginawa niyang parang baril. Napaatras pa ako ng kunti dahil sa ginawa niyang pagdampi ng hintuturo niya sa noo ko na animo'y binaril niya nga talaga ako.

Humalagapak siya ng tawa matapos niyang gawin iyon at makita ang nangyari sakin samantalang ako ay tulala lang na napatitig sakanya.

"If you only see yourself" tumawa pa siya na may paghawak pa siya kanyang tiyan. Happy nga talaga siya sa nangyari. "Matatawa ka rin siguro sa reaksyon mo"

Nang tumawa siya ulit na parang wala nang bukas ay tamad ko nalang siyang pinagmamasdan. Mayamaya lang nang mahimasmasan na siya at pinunasan na niya ang namumuong luha dahil sa pagtawa niya ay ako naman ngayon ang sarkasto napatawa na siyang ikinatigil at ikinagulat niya.

"HA HA HA" ginawa ko pa ang ginawa niyang paghawak sa kantang tiyan kanina pagkatapos ay tinuro ko pa siya "Baliw ang g*go! HA ha"  this time ay matalim ko na siyang tinignan, tila nasa shocking state pa siya at mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Ha! Akala niya siguro hindi ko masasabayan ang trip niya.

"Ano? Happy ka? Eh kung batukan kita? Baliw ang lalaking to! Tigilan mo ako at baka hindi kita matansya!" Tinignan ko pa siya mula ulo hanggang paa habang salubong ang mga kilay ko.

"I was just teasing you, ang seryoso mo kasi" napaiwas siya ng tingin sakin at mukhang nahiya pa talaga ang hinayupak "Sinubukan ko lang, baka tatalab at papatu——

"Nah! Tumahimik ka at pagod na ako. Tadyakan kita dyan eh! Seryoso ako dito tapos lakas mong mang trip, yung totoo? Nag shashabu ka ba?"

"What?! Hell No!"

"Ahh, so inborn?"

"What do you mean?"

"Yang pagiging baliw mo, inborn!"

At dahil sa nauubusan na ako ng pasensya at sobrang pagod na ng katawan ko, alam niyo ang ginawa ko? Hinampas ko lang naman siya nitong dala kong shoulder bag sa mismong mukha niya.

***

"What? Omygosh! Ginawa mo yon? Oh noh! Ang sayang ng face niya, pano kung nagasgasan yon? Hindi ko siya bias but still, sayang"

Hinampas ko si Maesie sa braso na siyang pag-aray niya. "Anong sayang? Ang sayang ay itong bag kong nasira ang strap! Ang tigas pala ng mukha non? Kita mo? Nasira ang nag-iisa kong bag!"

Nang matapos ko kasing hampasin ang lalaking tila maluwag ang tornilyo sa utak ay agad na rin akong nag walk-out at umalis doon sa resort. Masyado akong nadala sa inis ko kaya hindi ko na napigilan ang sariling hampasin siya ng bag.

Buo na ang desisyon ko. Kakapalan ko nalang ang sariling mangutang at si Maesie ang unang naisip ko kaya ngayon ay kasalukuyan akong napadpad dito sa bahay nila at mabuti nalang at off niya ngayon sa trabaho.

Kinuwento ko sakanya ang lahat, kung paano ako pinahirapan kanina ng Matthew na yon, sinabi ko na sakanya ang puno't dulo kung bakit kailangan ko ng ganong halaga para mangutang pero ang gaga ay tinawanan lang ako at walang balak akong tulungan at pautangin.

"Pero Maesie, sige na. Kahit gawin mo akong katulong dito sa bahay niyo o kahit ikaw nalang ang maging amo ko habang buhay basta kailangan ko lang talaga ng 100 thousand para ibayad doon sa hinayupak. Para malaman mo ikaw ang dahilan kung bakit ko nagawa yon"

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon