PROLOGUE
“Grabe ka naman kay Pierce, Kami!” napahampas pa siya sa study table ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Ang table ko ha! Aga-aga, anong ginagawa mo rito?” inayos ko ang salamin ko habang abala pa rin ako sa harap ng laptop.
Ini-edit ko na kasi yung manuscript ng story ko dahil may publishing company ang nag-alok ng offer sa akin. Wala naman sana akong balak na magkaroon ng hard copy ang story ko dahil wala pa akong budget pero grasya na ang lumalapit sa akin, tatanggihan ko pa ba? Aba'y hindi na.
Mula sa peripheral vision ko, nakita ko siyang umakto na sasabunutan ako kaya mas lalo akong sumimangot.
“Talagang nagtanong ka pa, ne? Kinawawa mo lang naman masyado si Pierce sa last chapter ng 'Our Hidden Fairy Tale'!”
Sobrang tinis ng boses nito kaya inirapan ko siya. At saka, second male lead lang naman si Pierce. Buti nga't hindi ko siya pinatay doon.
“Look! Wala namang mali sa nangyari sa kanya, Chester. Ano bang pinaglalaban mo?”
I chuckled when his face turned red. “My goodness, Kamilah Wyne! It's Cheska, not Chester! Kagigil ka, girl!”
I just shrugged. Mukhang aalmusalin ko ang sermon niya ngayon.
“What do you mean na walang mali doon? Kami naman! Pierce attended their grand wedding! Sobrang sweet ng main characters sa chapter na yun! Of course, there's a possibility na ipagdadasal niyang sana ay siya na lang ang nasa pwesto ng male lead.”
Napabuntong hininga ako bago itinigil ang ginagawa upang harapin siya.
“I understand your point but… anong gusto mong gawin ko? Nasulat ko na, it means tapos na, and if I would be given a chance to change something? Wala akong babaguhin. Hindi si Pierce ang mahal ni Marigold which is yung bida kaya ganoon ang kinahantungan niya. He's hella lucky pa nga kasi buhay siya. He needs to accept the reality and move forward.”
Mukha namang naliwanagan siya kaya nakahinga ako ng maluwag. But of course, I know him…
Suminghap ako nang mukha na siyang iiyak. I can't blame him, tho. Napamahal nga siguro siya sa karakter ni Pierce. Well, sino ba namang hindi? He's the typical prince charming.
“K-Kasi naman, K-Kami e! Imagine, ikaw yung nauna pero iba naman pala ang magiging endgame niya? That hurts—”
Tinanguan ko siya. “Talaga! But Cheska, that doesn't mean na walang makakakita ng worth niya. He's Pierce after all, so tumahan ka na, okay? That's life so deal with it.”
“Sige girl, una na ako. Congrats and good luck, Kami. I'm so proud of you.” nagbeso muna siya sa akin bago nilisan ang condo ko.
After he left, naisandal ko ang likod sa swivel chair habang nakatitig sa kawalan because I'm feeling guilty, ganoon ba talaga kasama yung ginawa ko kay Pierce?
Wala sa sariling napatitig ako sa illustration niya. Wavy black hair, two pairs of chocolate brown eyes, pointed nose, kissable lips, sharp jawline, pale skin—
I groaned.
“Fine!” umupo ako ng maayos.
I decided to finish the manuscript first, then I'll write a sequel of his own story. In that way, masusubaybayan pa rin siya ng readers kasi ang unfair nga naman ng nangyari sa kanya.
Sana lang ay hindi ako managinip tungkol sa story niya. I would never wish to!
BINABASA MO ANG
The Second Male Lead's Rebound [ONGOING]
RomanceSi Kamilah Wyne Domingo ay isang aspiring writer. She was a senior high school student when she first wrote a story because it was required to them and later on, found herself creating and writing stories again. At least, that's what they know about...