CHAPTER 2
OA na kung OA pero ayaw ko talagang mapanaginipan ang story ni Pierce pero ba't nandito ako?!
Nagtatakang lumingon ang katabi ko sa akin kaya mabilis kong pinunasan ang pisngi ko.
“Hi, may problem ka ba?” mahinahon na tanong niya. She's so... beautiful.
Nanlaki ang mga mata ko nang matauhan at mabilis na inilingan siya. Nakakahiya!
“Wala naman,” sinungaling! “Natutuwa lang ako sa kanila, tears of joy kumbaga?”
Tears of joy kasi hindi ako magising sa story ni Pierce?!
Mukha namang napanatag siya sa sinabi ko kaya nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
Nilahad niya ang kamay sa akin kaya kumunot ang noo ko. “I'm Stellar, by the way.”
Stellar? OMG! “You're Marigold's friend?”
She quickly nodded, nahihiya pa kaya napabungisngis ako. “Kamilah nga pala, Kam na lang for short.”
Tinanggap ko ang kamay niya habang nakangiti. Can't believe I'm seeing her right now!
Kahit ilang beses na akong nananaginip ay hindi ko pa rin maiwasang ma-starstruck sa mga nakikilala kong characters.
“It's nice to meet you.” sabay pa naming sabi kaya natawa kami pero agad namang tumigil dahil nanahimik ang paligid.
Oops? Haha!
Tumikhim kami at nanonood na lang ako sa harap na pinagsisihan ko rin naman dahil nagtagpo ang mga mata namin.
Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako nag-iwas ng tingin.
Sinuri ko ang buong mukha niya at parang may bumara sa lalamunan ko nang makitang nakangiti siya pero iba ang sinasabi ng mga mata niya.
'I'm sorry.' I mouthed to him. Napasinghap ako nang taasan niya ako ng kilay.
“You may now kiss the bride.” narinig kong sabi ni Father kaya nataranta ako.
I should stop him! Hindi niya pwedeng makita ang eksena na yun. Not when I'm around.
I showed him my hands and tried to do a sign language saying, 'notice me please'. I don't know if he understood me but I succeed because he didn't look away from me.
That's a good thing, right?
I avoided his gaze when everyone started clapping their hands. Natataranta ko naman silang ginaya.
Ngumisi ako habang pinapanood ang mga bida sa kwento ko. They deserved it but...
May parte sa akin na kumikirot ang puso ko para kay Pierce and this isn't good. Nahawaan na yata ako ni Cheska.
I shook my head. Nilingon ko si Stellar dahil sumabit siya sa braso ko. She pouted. Nawala nga sa isip ko na nasa entrance ng reception area na kami.
“Let's go? I'll introduce you to Marigold. She's a nice woman.”
Natameme ako. “A-Ano?”
Parang ayokong magpakita sa kanila. Ito kasi ang unang beses na may pumansin sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin!
“Bakit namutla ka? What's wrong, Kam?” hinaplos pa niya ang braso kaya napaubo ako ng peke pero mukhang natuluyan na ako nang makita ko kung sino yung papalit sa gawi namin.
Anong ginagawa niya?!
“Anong problema dito, Stell?” nagsitayuan ang balahibo ko sa braso nang marinig ang boses niya. Parang hinihele ako na hindi ko maintindihan.
Medyo natulala ako sa mukha niya. Iba pala talaga kapag sa malapitan siya masisilayan. Magulo ang ayos ng wavy niyang buhok pero bagay pa rin sa kanya.
Ngumisi naman si Stell sa akin kaya tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
“Ah no, you misunderstood it. We're just having fun right, Kam?” she asked at siniko pa talaga ako kaya no choice ako kundi tumitig sa kanya.
“Yes” I bit my lower lip.
Hindi niya ako pinansin at muling tinitigan ang katabi ko. I frowned at him.
“Are you sure that you know her? She seems unfamiliar.”
“Well, bago nga siya but look! She looks trustable naman, Pierce.” kumunot ang noo ko sa sinabi niya kaya nagpa-cute siya sa akin.
“Her name's Kamilah!” she added. Pinaningkitan ako ng huli ngunit wala na ring sinabi kaya napabuga ako ng hangin.
Excited na akong hinila ni Stell sa kung saan habang ramdam ko ang mabibigat na tingin ng taong nakasunod sa amin. Ganito ba talaga siya? Parang hindi naman siya ganito sa description ko.
Nakaawang ang labi ko siyang sinundan nang magpaalam siyang iiwan niya muna ako sa bakanteng table na 'to kasama si Pierce.
Kanina pa ako hindi mapakali dahil kung makatitig siya sa akin ay para niya akong kakainin ng buhay.
“Hey, Kamilah…” I gulped.
“I'm sorry, did I made you uncomfortable?” halatang kinakabahan ito kaya wala sa sariling nilingon ko siya.
Nakangiti na siya ngayon kaya medyo guminhawa ang pakiramdam ko. I knew it.
“Forget about it. I understand, Pierce.” binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
The Second Male Lead's Rebound [ONGOING]
RomanceSi Kamilah Wyne Domingo ay isang aspiring writer. She was a senior high school student when she first wrote a story because it was required to them and later on, found herself creating and writing stories again. At least, that's what they know about...