CHAPTER 4
“And you know what? She confessed her feelings, too.” kumunot ang noo ko.
Wala akong sinulat na ganyan ha?! Tandang-tanda ko yun kaya anong pinagsasasabi nito?
“Ang bilis ng pangyayari pero siniguro kong maibibigay ko sa kanya yung treatment na deserve niya because she's my queen.”
Nanatili akong walang imik habang nagkukwento siya.
“Naging kami for two years. Okay naman lahat e, sobrang saya nga namin. Not until someone came.” si Gael.
Yumuko ako upang itago ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko.
“Doon nagbago ang lahat. She didn't cheat, okay?” he chuckled, trying to ease the pain.
“Nagising na lang siya na hindi na ako ang mahal niya. Grabe, ang sakit na marinig yun mula sa kanya kasi ako? M-Mahal na mahal ko pa rin siya at handa akong bumalik sa umpisa para makasama ko siya ulit. M-Maging akin siya muli.”
Tahimik lang akong humagulhol. Tama na. Hindi ko na kayang makinig pa sa kanya. Hindi ko alam na may ganito pero kahit naguguluhan ay nasasaktan din ako.
This is the reason why I hate to be here. Kasi mangyayari ito. Na isasampal sa akin lahat-lahat hanggang sa magmakaawa akong gumising na.
“Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko pala kaya. That's why I keep asking myself, "bakit ang bilis lang para sa kanya na makalimot?". Two years yun e pero sa ilang buwan lang ay parang nabalewala ang lahat ng pinagsamahan namin.” he sobbed.
Naramdaman kong bumigat ang ulo niya sa balikat ko kaya mahina akong natawa.
“Tinulugan mo pa talaga ako. Ang bigat ha!” I joked.
Hinayaan ko muna siya doon habang nag-iisip ako. Sumobra ba ako?
I sighed. “I'm sorry, Pierce. This is all my fault.”
He groaned so I brushed his hair. Inayos ko pa ang pagkakasandal niya bago pumikit.
“Hi, who are you?” napalingon ako sa nagsalita.
Natulala naman ako habang tinitigan siya. Ang ganda niya, sobra.
“Kam na lang,” mahinang tugon ko. Nginitian niya ako.
“So why are you here? Don't get me wrong, ha? I'm just curious.”
Saglit pa akong nag-isip kung sasabihin ko ba talaga sa kanya pero nang akmang sasagutin ko na siya ay may biglang sumulpot sa pwesto namin.
“Babe! Nandito ka na pala.” he kissed her forehead. Natuod lang ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood ko ang pamilyar niyang pagmumukha.
Babe? Ha!
Ni hindi man lang siya lumingon sa gawi ko kaya pagak akong tumawa. There, I caught his attention.
Nanlaki naman ang mata nito habang nakatitig sa akin ngunit agad siyang sumenyas na umalis muna ako at mamaya na lang kami mag-uusap.
I shook my head. Kaya pala palagi siyang walang oras sa akin, huh?
Nagmadali akong umalis doon kahit narinig ko pang tinawag ako ng babaeng kasama niya. I hate him! How dare he?!
Ganoon ba talaga ang tingin niya sa akin? Na handa akong magpakatanga para manatili siya sa akin?!
Yun ang mali niya.
Napakamot ako sa ulo nang maramdaman ko ang init na tumatama sa balat ko.
Wala tuloy akong nagawa kundi ang magmulat pero napapikit din naman agad dahil sa nakakasilaw na liwanag.
Gumulong na lang ako sa kama. Kama?!
Napabalikwas ako ng bangon kaya nahilo ako. Inilibot ko ang tingin sa kwarto, umaasang maging pamilyar ito sa akin pero wala!
I pinched my nose. “Kamilah!”
Sakto namang bumukas ang pinto na ikinalingon ko doon.
Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang makitang si Pierce iyon habang may hawak na tray.
“Good morning, Kamilah. Hindi na kita ginising at dinala na lang sa room ko. Don't worry, sa sofa ako natulog.”
He walked closer. Inilahad niya ang dala sa akin kaya wala sa sariling napatitig ako doon.
“I bet you're already hungry so I prepared some for you.” sinamaan ko siya ng tingin dahil halatang inaasar niya ako.
Itatanggi ko sanang gutom na ako kundi lang nagreklamo yung tiyan ko kaya lumabi na lang ako.
“Thank you, Pierce. Nag-abala ka pa.”
I started eating. Kahit nanonood siya ay nanatili akong walang pake. I'm hungry that's why I'm acting like this. Ang thoughtful niya talaga.
Tumikhim siya kaya nagtataka ko siyang binalingan ng tingin.
“May... may nasabi ba ako kagabi?” I noticed how his ears turned red.
Sasabihin ko ba? I just shrugged.
“Wala naman masyado, why?” sumimsim ako sa gatas na gawa niya.
“I just asked. Wala kasi akong maalala.” he shook his head.
BINABASA MO ANG
The Second Male Lead's Rebound [ONGOING]
RomantikSi Kamilah Wyne Domingo ay isang aspiring writer. She was a senior high school student when she first wrote a story because it was required to them and later on, found herself creating and writing stories again. At least, that's what they know about...